Mabuhay mga Ginoo at Binibini!
Sa wakas ay natapos ko na rin ang kauna-unahan kong istorya rito sa wattpad. Halos inabot ako ng tatlong buwan upang ito'y aking tapusin dahil kasagsagan ng bagsik ng pag-aaral ko noon. Kaya't isinisingit ko lamang ang paglikha ng bawat kabanata sa aking kwento.
Hiling ko lamang sana na kung maaari ay huwag maging spoiler sa iba, hayaan nating tuklasin ng bawat isa ang kabanata na may pananabik na namumuo sa kanilang pakiramdam.Gayunpaman, nagpapasalamat ako sa patuloy na suporta at pagtangkilik sa aking istorya. Nakatutuwa sa aking puso.
Paalala ko lamang, na sa pag-ibig ay huwag hahayaang lamunin kayo ng paninibugho, galit at inggit. Kapag pakiramdam mo ay hindi ikaw ang nararapat para sa kaniya at batid mong hindi ka niya ibig. Ay ito ay iyong pakawalan na lamang kahit masakit, dahil kung patuloy mong ipapasok ang iyong sarili ay patuloy ka ring masasaktan. Mas makabubuti nang masaktan ka ng minsan kaysa saktan ka ng paulit-ulit na tila ba walang katapusan. May tamang tao pa rin ang nakalaan saiyo maghintay ka lamang. And Trust to God because God is our way!
Nagmamahal,
miss_reminisceIncoming
SERYE DOS
Tulang Walang Tugma
BINABASA MO ANG
Liham ng Pamamaalam (Pahayagan Serye-Uno)
Historical Fiction"Isang araw nagising na lamang ako na wala kana sa aking tabi at ang liham ng iyong pamamaalam ang aking nasaksihan na aking kakampi" Isang huwarang tagapag-silbi sa mansyon ng mga Villaflores si Eliana Salazar siya ang nagsisilbing kanang kamay ng...