Chapter 5: Unconditional Feelings
Lux's Point of View
Nagising ako mga around 5 o'clock in the morning and inayos ang higaan sabay labas ng kwarto, sumilip ako sa kwarto ni Samantha at nakita ko sya na ang himbing ng tulog, shett ang amo talaga ng mukha nya at ang kyut nya talaga kapag nagagalit nakakagigil lang.
Tumungo ako sakanya sabay upo sa tabi nya, pinagmamasdan ko lang ang mukha nya habang natutulog, naalala ko tuloy yung nangyari kahapon hindi naman talaga akin yung superman na underwear nayun eh sa kapatid ko yung bunso na namatay ewan ko nga kung bakit pa nakasabit yun dun siguro nakalimutan lang kaya andun parin, nakakatuwa lang dahil sya yung naging asawa ko I mean magiging asawa pala kahit mapanakit marunong manuyo kilala ko sya before batchmate ko sya ng highschool sya yung kinatatakutan ng mga student's dun kasi grabe kung mangbugbog actually hindi naman bugbog talaga kumbaga eh bully lang sya ganon. Hindi nya ata ako matandaan pero maalala nyarin ako, tumayo nako para lumabas at para magluto ng breakfast namin ng bigla nyang tinawag ang pangalan ko
"Hmmmm Lux", sambit nya habang nakapikit, tsssk pinapantasya na naman nya ako sa panaginip nya natawa nalang ako at lumabas na ng kwarto, habang nagluluto ako hindi ko mapigilian na mapangiti. "Ohh anong nginingiti ngiti mo dyan? mukha kang baliw", sabi nya. Nagulat ako dahil hindi ko man lang naramdaman presensya nya or sadyang lutang lang ako. "Wala bakit masama na bang ngumiti?", seryosong sagot ko na parang ikinagulat ng mukha nya. Siguro nagtataka to kung bakit hindi ako isip bata, wala lang trip ko lang. Kapag trip ko lang kasi maging isip bata ginagawa ko and parang gusto ko na gawin araw araw dahil gusto ko makita yung kakyutan nya kapag nagagalit sakin. "Ahh okay", maiksi nyang sagot at uminom ng tubig. Muntik na nyang maibuga ang tubig sa bibig nya dahil sa sinabi ko.
"Ikaw ahh binabanggit mo pala pangalan ko kahit tulog ka? nako wifeyyyy", nanlaki ang mata at namula ang pisngi nya. Waaaah ang cuteeeeeeeeee lang! "H-hoy a-anong sinasabi mo? ha? anong binabanggit? kapal naman ng mukha mo duuuuh", kabado nyang sabi at sinabayan pa ng irap. Natatawa talaga ako sa reaksyon nento eh haysss..
"HAHAHAHAHA hmmm Lux", pangaasar ko sakanya na ikanausok naman ng kanyang tenga at ilong sa sobrang pula ng mukha nya para na syang sasabog. "Lux will u please shutup ur pekeneng bebeg pwede? anong pinagsasabi mo dyan? ha?", irita nyang sagot na ikanatawa ko ng malakas. "HAHAHAHAHAHAHA kumain na nga lang tayo para mabusog kana", pang aaya ko sakanya. "Ayoko di nako nagugutom, hmmmmpppp!!!", padabog nyang sagot at nagtungo ulit sa kwarto nya. Aishhhh susuyo na naman ako ng dragon, natatawa nalang ako habang paakyat sa kanyang kwarto sakto namang nakabukas ang pinto kaya hindi na ako mahihirapan kumatok.
"Sorry na pleasheeeee kain na tayo", pagmamakaawa ko sakanya habang nakanguso hindi maipinta ang mukha nya. "Kadiri ka, oo na sige na, bababa nako tsssk", sagot nya habang nakabusangot. Waaaaah ang cuteeeeeee talaga!!!!
Kumain na kami at nood lang ng movies maghapon, wala kaming magawa eh kaya yun lang muna bonding namin pero masaya naman. Pagtapos namin manood ay nagluto nako para makakain na kami ng hapunan, pagtapos namin ay hinugasan na nya yung plato at sabay na kaming umakyat sa taas para matulog na
"Goodnight wifey iloveyouuu", sabi ko sakanya na ikanagulat na naman nya. Ganun din yung mukha nya kagabi eh pero ayos lang masasanay din sya. "Panay ka iloveyou, inlove kana saken no?", pambibiro nya sakin.
Well sa totoo lang Samantha nung highschool pa tayo pero wala akong lakas ng loob sabihin sayo pero ngayon kakapalan kona mukha ko dahil magiging asawa nadin kita.
"Oo", matipid kong sagot sabay pasok na agad sa loob ng kwarto. Hindi kona tinignan yung mukha nya baka kasi kung ano pa masabi ko eh mahirap na.
Habang nagmumuni muni ako ay di maalis sa isipan ko si Samantha yung mala amazona nyang attitude pero soft hearted din palang babae and besides ang kyutt nya and maganda din sya hindi sila nagkakalayo ng parents nya.
Hindi ako mapakali at lumabas ako ng kwarto para sana uminom ng tubig pero napatigil ako sa pintuan ng kwarto ni Samantha para sana silipin sya kaso nagdadalawang isip ako baka kasi gising pa sya kaya bumaba nako sa baba para kumuha ng tubig pero nagulat ako dahil nandun din si Samantha, teka anong oras na ah bat gising pa to.
"Uyy wifey bat gising kapa? hating gabi na ah", tanong ko sakanya na ikinagulat. "Anak ng,, nakakagulat ka naman Lux uso siguro hindi manggulat diba?", sabi nya habang nakahawak sa dibdib ang kamay. Siguro nga talagang nagulat sya.
Ayy bobo lang Lux?
"Sorry na wifey ko hindi na po mauulit", sabi ko sabi sabay nguso. Kadiri na kung kadiri basta naaasar ko sya masaya na ako. "Ayan kana naman kamo tsssk", pagtataray nya sakin. "Ang cute mo talaga wifeyy pakiss nga", sabi ko sakanya pero natawa ako sa inaction nya. "Subukan mo isusuperpunch ulit kita tignan mo lang", nakaamba yung kamay nyang nakatutok sakin. Ayoko na ulit maranasan yung suntok nya grabe ang sakit.
"Joke lang eto naman, bakit nga hindi kapa natutulog?", pagiiba ko ng usapan kasi baka mamaya masuntok na naman ako nento nakakadala na. "Kasi hindi ako makatulog", sarkastiko nyang sabi pero tumawa ng malakas. Aba'y lakas ng tama nento grabe. "Hapi kana?", pambabara ko pero bawi din agad kasi nagiba na naman expression ng mukha nya KATAKOT!!
"Hehe joke lang wifey", bawi ko sabay peace sign. "Okay kana?", sagot nya sabay irap sakin. Taraay talaga! Nag isip pa ako ng maitatanong at may sumagi naman sa aking isipan.Light Bulb!!
"Gusto mo tabihan kita matulog?", suggest ko at ikinagulat nya ito. "Wag na, kaya ko namang matulog magisa tssk", sagot nya sabay irap. "Suggest lang naman e pero ikaw bahala", sabi ko sabay kindat sakanya. "Kadiri ka kamo aakyat nako inaantok ako sayo tsssk", sabi nya sabay alis sa harapan ko. Talaga naman Samantha napaka sungit mo..
Aakyat na sana sya pero nagsalita ako na ikinatigil nya.
"Goodnight ulit wifeyyy ilove-", hindi kona natuloy ang sinabi ko dahil sumingit sya. "Isa pang sabi nyan basag saken nguso mo tignan mo", sabi nya sakin na galit na galit. Well makulit ako balakajan! "Sorry na wifey ko iloveyou", sabi ko sakanya na may halong pang aasar. "Sabing... putragis ka talaga eh", sabi nya sabay suntok sa sikmura ko. Ang sakit hayuppp. "Araaay naman", sabi ko na nakahawak sa aking sikmura. "Sabi ko sayo eh makakatikim ka na naman eh kulit mong kutong lupa ka", sabi nya sabay akyat na tapos ako naiwan akong namimilipit sa sakit. Damn it's hurt, fvcking hurts!!
Umakyat nadin ako sa taas para makapag pahinga nadin at ipahinga ang sikmura ko dahil ansakit talaga, grabe talaga yung babaeng yun walang awa sa poging katulad ko.
Tumulala muna ako sa kisame at dahan dahan ng pumipikit ang aking mga mata.
I love you Samantha Camero, Unconditionally!!
YOU ARE READING
MY CHILDISH HUSBAND (COMPLETED)
RandomSky, Samantha and Lux. Will you choose the person who will always be there for you or the person who will never be yours, again?