Chapter 10: Normal Day
Samantha's Point of View
Nagising ako dahil parang may naka tingin sakin at hindi nga ako nagkamali. Parang ewan talaga haynako!
"Tingin tingin mo dyan!?", inis na tanong sa kaharap ko na mukhang tangang ngiti ng ngiti. "Pinagmamasdan ko lang naman mukha ng asawa ko masama ba?", sagot naman nya na nakataas ang isang kilay.
Ayy taraay yarn?
Natawa nalang ako sa inasal nya at bumangon na, nagtungo ako sa cr para maghilamos pero nagulat ako dahil sumunod sya, aba't bakit nandito tong kutong lupa na'to!
"Ohh bat ka nandito!? maninilip kalang eh", irita pero may pang asar kong sabi. "Nasilip kona yan kagabi kaya hindi kona kailangan manilip", saad nya sabay ngisi at kindat sakin. Teka tama ba ang narinig ko!!? binosohan nya ako habang tulog!? humanda ka sakin Lux magsisisi ka sa ginawa mo. "Ah ganon?!", sabi ko sakanya at unti unting lumapit at sinamahan ng tingin. You'll pay for this Lux Laxamana, this day is your gonna be painful day.
Ayy englishing yarn?
"Calm down wifey I'm just joking okay? sorry na binibiro lang naman kita eh", pagmamakaawa nya pero hindi ako natinag. Humanda ka sakin Lux, unti unti nakong lumalapit sakanya hanggang sa nagharap na kami kitang kita sa mukha nya ang takot, talagang matakot ka sa gagawin ko sayo!!!
*Booggssshhhhh*
"Araaaaaaaaaaaaaay!!!!", hiyaw nya ng sapakin ko sya sa mukha. Ayan ang napapala mo, kulang pa nga yan eh. "Wifey naman eh binibiro lang naman kita eh masyado ka namang seryoso", sagot nya habang hawak hawak ang kanyang mukha. Sabi ko sayo wag moko bwibwisiten ang aga aga eh yan ang napapala mo. "Tssk", matipid kong sagot sabay alis sa harapan nya.
Nawala nako sa mood ko at ayoko syang makita, oa na kung oa eh kung ikaw ganun gawin sayo? di porket magasawa na kami eh pwede na nyang gawin yun wala pa nga kaming certificate of marriage eh and besides VIRGIN pa ako.
Yes 1000000%
Bumaba ako sa sala para manood nalang ng movie dahil ayoko syang makita, narinig kong bumaba din sya at papalapit sakin. "Sorry na wifeyy hindi na mauulit promiseee", pagmamakaawa nya habang nakanguso. Tinignan ko lang sya at focus ulit sa pinapanood ko, hanggang sa mag gabi na ay hindi ko parin sya pinapansin, bahala sya jan nababadtrip ako! "Wifey naman eh sorry na kasi pleaseeee!!!", pagmamakaawa nya pero hindi ko parin sya pinapansin. Manigas ka dyan!
Dumiretso nako sa pintuan ng kwarto ko at tumigil nadin sya sa pangungulit sakin tinignan ko sya bago sya pumasok sa loob ng guest room, ni hindi man lang nag goodnight.
Tapos ngayon hinahanap hanap mo, Gaga
Bahala sya dyan bubuksan kona sana ang pinto ng bigla nya akong tawagin. "Samantha", walang emosyong tawag nya sa pangalan ko at para bang nanlumo ako sa inasal nya. Hala mukhang nasobrahan ata ako sakanya. Lumingon ako at tinignan sya. "Goodnight", matipid nyang sabi at lumakad na papuntang guest room. Hindi ako nakalagaw sa kinatatayuan ko dahil sa inasal nya at hindi din ako sanay. Mukhang nasobrahan na ata ako, napaka oa ko kasi masyado eh tangena hindi ko man lang inisip yung mararamdaman nya.
Tanga tanga mo kasi samantha
Pumasok ako sa kwarto ko at nahiga sa kama pero hindi ako makatulog dahil nakokonsensya ako sa nagawa ko babawi ako bukas PROMISE ako naman manghihingi ng SORRY sakanya, akala ko normal day lang to pero hindi pala haysss.
Nag iisip ako ng plano kung paano ako makakapag sorry sakanya hanggang sa hindi ko namalayan na nakatulog na pala ako kakaisip.
YOU ARE READING
MY CHILDISH HUSBAND (COMPLETED)
RandomSky, Samantha and Lux. Will you choose the person who will always be there for you or the person who will never be yours, again?