Chapter 26: New life
Samantha's Point of View
🎶 Wake up in the morning brush my teeth before I see my queen🎶
Nagising dahil ako sa lakas ng patugtog ng pinsan ko na akala mo'y bingi at walang kapitbahay, nag kusot kusot muna ako ng mata at tinignan ang orasan and it's already 8:00 am in the morning at inaantok pa ko. Lechugas kasi eh lakas lakas mag patugtog tapos ganon pa yung tugtog, before I see my queen? Yuck, queen queen amp mag hihiwalay din naman. Bitter.
At kahit ayaw ko pa bumangon ay napilitan nalang ako, dumiretso ako sa cr para makapag linis ng mukha at katawan then tadaaa I'm done. Nag skin care routine nadin ako para alam mo na looking fresh and wild, tsarot.
Bumaba na ako dahil alam kong lahat sila ay gising na at nabulahaw sa lakas ng tugtog ni Maky, isa sa mga pinsan ko and hindi ko sya na meet before dahil busy daw sya sa academics at minsan lang umuwi. Sipag yarn? Kaya pala grabe din kung mag patugtog na parang wala ng bukas. And, nakarating nadin ako sa dining at tama nga ang hinala ko dahil lahat sila ay gising na at yung mga mukha ay hindi maipinta, oh diba hindi lang ako ang nabwiset.
Dumiretso ako sa kitchen para kumuha ng gatas, hindi ko pa man nabubuksan ay naunahan na ako ni Miko, pinsan ko din at katulad ni Maky ay minsan lang din sya umuwi dito. Kinuha nya yung natitirang bote ng gatas at sinara ang pinto ng ref, pipigilan ko sana sya dahil akin yun pero wag nalang kasi hindi naman mag papatalo yun and in the end nganga ako. Naisipan ko nalang na bumili sa malapit na convenience store dito, nagpaalam ako kila tito and tita at agad naman silang pumayag.
Kumuha muna ako ng pera bago pumunta sa pupuntahan ko, mabilis lang ako nakarating sa baba dahil naka elevator naman kami dito. Well, this is Paris. Habang naglalakad ako ay hindi ko maiwasang hindi mamangha sa mga gusali na nakikita ko, ang la-laki at ang ga-ganda pa. And sempre Paris to kaya ang dami ding mga gwapo. Chupapi.
Nakarating na ako sa convenience store at binili ko na ang dapat na bibilhin ko dahil naiilang ako sa mga tao dito lalo na't yung iba ay tingin ng tingin sakin. Alam ko namang maganda ako eh, enebe. Pumila muna ako dahil madami dami din ang bumibili dito kahit convenience store lang to, mga mura kasi ang bilihin kaya ganon.
May nag uusap sa likod ko pero hindi ko na iniintindi dahil hindi ko din maintindihan, tsaka hindi talaga actually nag aral ng French kaya yung mga malalalim na salita hindi ko nalang inaaral, sakit lang sa ulo. Ako na ang susunod na magbabayad kaya nag ready na ako ng pera. "Bonjour, madame." bati sakin ng kahera, hindi ako nagsalita bagkus ay tango at ngiti lang ang naisagot ko sakanya. Alam ko naman ang meaning non pero nakakatamad mag salita, pasensya na. Binayaran ko na kung magkano lahat at naglakad na papalabas, hindi naman hussle dahil mabibilis silang kumilos dito hindi kagaya sa pilipinas, hindi naman sa minamaliit ko ang pilipinas pero I'm saying the fact.
Nakarating agad ako sa apartment na tinutuluyan namin, pasakay na ako ng elevator at may nakasabay akong lalaki. At beh, ang gwapo like acckkk, hindi ko maiwasang hindi tumingin sakanya dahil hindi nakakasawang tignan ang gwapo nyang mukha. Halatang naiilang sya sa ginagawa kong pag titig kaya pati ako ay nailang nadin, ano ba yan samantha konting hiya naman sa sarili mo grabe ka!
Nauna sya sakin lumabas ng elevator pero hindi pa man nag sasara ang pinto ay tumingin sya sakin tapos ngumiti, waaaaaah ang ganda ng ngiti nya. Lechugas, ilabas lahat ng plato mga beh babasagin ko isa isa. Joke.
Hindi ko namalayan na nasa floor na pala ako ng tinutuluyan namin dahil hindi maalis sa isip ko yung mga ngiti nung lalaki like damn he so cute and totally hot. Shet, mukhang mabilis ko makakalimutan si Lux. Napatigil ako sandali dahil sa naisip ko at pinalo palo ang ulo ng mahina. "Stop thinking about him Samantha, forget that jerk and start a new life", pagkukumbinsi ko sa sarili at ng medjo nahimasmasan na ako ay tumuloy na ako sa unit namin.
Buong mag hapon lang ako na nakahilata dito sa kwarto, nakakabagot na sobra. Ilang linggo pa lang naman ako dito masasanay din ako. Tatanungin ko si tita kung may pwede bang applyan dito para naman makatulong ako kahit papaano sa mga gastusin, nakakahiya naman kung tutunga tunganga lang ako dito diba?
Tsaka ko na siguro kakamustahin ang mga naiwan ko sa pilipinas kapag medjo okay okay na ako, for sure si mama at papa nag aalala nayun dahil hindi pa ako natawag sakanila tsaka si Bea and Sky. Wala kasi akong load kaya ganon, kaya gusto ko nadin mag trabaho para naman may pang load ako. Oh diba, brilliant idea.
At dahil wala naman akong ginagawa at kain tulog lang ako ay hindi ko namalayan na mag gagabi na pala at mag hahapunan na. Boring na talaga ng buhay ko, lechugas na yan.
YOU ARE READING
MY CHILDISH HUSBAND (COMPLETED)
RandomSky, Samantha and Lux. Will you choose the person who will always be there for you or the person who will never be yours, again?