Chapter 12: Jealous
Samantha's Point of View
Nandito ako sa aking kwarto dahil nahihiya akong lumabas, ayokong magpakita sakanya na namumugto ang mga mata. Tinignan ko ang aking cellphone at tinignan ko ang oras it's 9 o'clock in the morning and may na receive akong message galing kay Lux. Binasa ko'to at parang binagkasan ako ng langit at lupa. Ang sakit sobra!
Lux's message: Aalis ako ngayon, may ka meet up lang ako.
Maikli nyang mensahe pero mararamdaman mo parin ang lamig, hindi na talaga ako sanay bakit ba ganto!!? Hindi nalang ako ang reply at dali dali akong nag bihis para sundan sya, nacucurious ako kung sino ang makikipag kita sakanya, babae kaya o lalaki? Hindi pa naman sya nakakaalis kaya for sure ay nandito pa sya.
Ayan naging tanga na
Nakita ko syang sumakay sa kotse pero inantay ko muna syang makalayo bago ako lumabas ng gate and nilock ito, agad akong nagpara ng taxi at sumakay. "Manong follow that car", utos ko kay manong taxi driver at agad nyang pinaandar ang taxi.
Ayy taraay mala wattpad yarn?
Nasa harapan namin ang kotse ni Lux at sinusundan lang namin sya kung saan sya pumupunta. Agad syang huminto sa parking lot at pinark ang kanyang kotse, dumiretso sya sa isang coffee shop. Bumaba agad ako sa taxi at nagbayad kay manong driver, pumunta ako sa coffee shop kung saan pumasok si Lux, dali dali akong pumasok at pumwesto sa dulo para hindi nya ako makita, sya lang magisa dun sa table at may inaantay.
Tumunog ang bell ng door sign kung may papasok ba pero bat sakin walang tumunog? Or baka tumunog pero hindi ko lang narinig dahil sa sobrang pagmamadali ko? Ay hayaan muna nga ang mahalaga hindi alam ni Lux na nandito ako. May pumasok na babae at kumaway kay Lux at nag wave back naman sya. Tssss.
Hindi ko maaninag ang babae kaya medjo umusog pako para makita ko yung mukha and luckily nakita ko at nanlaki ang mata ko dahil sa aking nakita, si Sheena!? wait magkakilala sila? kailan pa?! Sheena humanda ka sakin tignan mo. Nakikita ko silang nagtatawanan, sa sobrang saya ni Sheena ay hinahampas nya si Lux sa braso. Malandi kang ahas ka, asawa ko yan. Gusto kona sumugod kaso baka mapahiya ako kaya pinagpatuloy ko ang pagmamatyag kahit hindi kona gusto yung nakikita ko. Naiiyak na naman ako at dahil ito sa selos na dumadaloy sa aking katawan, nakakainis ka Lux Laxamana isinusumpa kita!
Nanlaki ang mata ko sa aking nakita, hinawi ni Lux ang buhok ni Sheena sabay pinisil ang pisngi nito. Hindi na napigilan ng sarili ko at bumagsak na ang mga traydor kong luha sa aking pisngi ang sakit, sobrang sakit!!
Pinilit kong umalis kahit alam kong nanghihina ako at ayoko ng makita ang susunod na mangyayari, habang naglalakad ako ay iyak ako ng iyak hindi kona alam kung saan ako dinadala ng mga paa ko ang gusto ko lang ay makalayo sa mga taong sinasaktan ako. Napahinto ako sa isang park at walang gaanong tao, pumwesto ako sa pinakadulong bench para walang makapansin sakin. Iyak lang ako ng iyak hanggang sa wala ng pumapatak na luha sa aking mga mata, may na receive akong text galing sakanya. Pakla akong napangiti sa nabasa ko.Lux's message: Nasan ka? Bakit wala ka dito?
Pagkabasa ko non ay inoff kona ang cellphone ko, wala akong ganang makipag usap sakanya ansakit ng ginawa nya sakin. Kasama nya pa ang bestfriend ko!
Nagpalipas ako ng magdamag dito para maalis ang lungkot at sakit na nararamdaman ko, inopen ko ang phone ko at tadtad ng messages and missed call from Lux hindi ko ito pinansin, tinawagan ko si Lesley para sana makituloy muna sakanila and luckily nag ring ang phone nya.
*On call*
"Ohh bat napatawag ka? hatinggabi na ah", takang tanong nya.
"Pwede ba ako makituloy dyan sainyo? for a couple of days lang?", tanong ko sakanya at pumayag naman sya.
"Sure, nasan kaba? sunduin na kita", sagot naman nya na ikinahinga ko ng maluwag.
"Imemessage kona lang sayo yung place," sabi ko sakanya sabay patay ng phone.
Tinext ko sakanya ang place kung nasaan ako at wala pang isang oras ay dumating na sya.
"Sakay na", aya sakin ni Lesley at sumakay naman agad ako. "Anong problema mong babae ka, hatinggabi gabi na nasa labas kapa at ikaw lang magisa ah, tapang mo talaga", pangbibiro nya sakin ngunit ngumiti lang ako sakanya ng pilit. "Lesley can I request u a favor?", tanong ko sakanya and nag nod naman sya. "Please don't tell to my parent's and Sheena na nandun ako sainyo?", sabi ko na parang nagmamakaawang ewan. Ayoko munang may gumulo sakin gusto ko munang mahimasmasan. "H-ha? bakit naman?", takang tanong nya sakin. Ayoko munang mag paliwanag ngayon. "Bastaaa pleaseeee!!!", sambit ko habang nag peplease sign sakanya at wala syang nagawa kundi pumayag, well malakas ako dito eh. "Fine", sabi nya sabay tingin sa harap at pinagpatuloy ang pag mamaneho.
Nakarating na kami sa bahay nila at umakyat na sa taas, dun ako sa guest room matutulog dahil dun naman talaga lahat ng guest and humiga na ako sa kama. Niyaya akong kumain ni Lesley pero tumanggi ako kaya wala syang nagawa. Chineck ko ang phone ko at wala na akong na receive na message galing sakanya.
Nakatulog na agad ako dahil napagod talaga ako sobra ngayong araw na'to.
YOU ARE READING
MY CHILDISH HUSBAND (COMPLETED)
RandomSky, Samantha and Lux. Will you choose the person who will always be there for you or the person who will never be yours, again?