CHAPTER 23

100 9 0
                                    

Chapter 23: Paris, France

Samantha's Point of View

Ilang oras na din ang byahe bago makalapag ang eroplano, sa ilang oras na yun ay hindi tumigil ang phone ko kaka vibrate dahil marami ng missed calls and text messages ang natatanggap ko mula kay Lux pero hindi ako nag aksaya ng oras o minuto para basahin ito.

Sinalubong ako nila tito and tito sa labas ng airport kasama ang mga pinsan ko, alam ko na agad kung sino sila dahil may banner na welcome, samantha na akala mo ay galing akong ibang bansa pero sabagay galing akong pinas kaya hindi ko sila masisisi. Agad akong pumunta sa pwesto nila, kinuha ni tito david ang gamit ko at nilagay sa likod ng kotse. Niyakap ko si tita divine dahil sobrang miss ko na din sya matagal tagal nadin kami kasing hindi nagkikita.

"How's your flight?", tanong nya matapos kumalas sa pagkakayakap. "A little bit tired but it's okay po", sagot ko naman at ngumiti. Ginantihan nya din naman ako ng ngiti at tumambad naman sakin ang pinsan ko na babae, her name is gina. "Hey baby, how are you?", malambing na sabi ko sakanya. Ngumiti sya sakin sabay yakap. "I'm good ate samantha, you're so beautiful", sagot naman nya na ikinatawa ko. Humble naman nento, alam ko namang maganda ako joke. "Oh sya tara na, pagod si ate samantha mo sa byahe", singit naman ni tito david na ikinabusangot ni gina. Cute.

Sumakay na kami sa kotse at napag pasyahan namin na pumunta sa isang restaurant dito sa Paris which is Les Papilles. Masarap ang mga pagkain dito at hindi gaanong mahal kaya afford na afford ng karamihan. Nag park muna kami at sabay sabay na pumasok sa restaurant, sinalubong naman kami ng isang waiter dun sabay sabing. "Bonsoir, madame et monsieur. Bienvenue au restaurant Les Papilles" na ang ibig sabihin ay 'magandang gabi, madam at sir. Maligayang pag dating sa Les Papilles restaurant. Oh diba, sosyal. Kung nagtataka kayo bakit naiintindihan ko yun ay nag aral akong mag french. Well, maganda na ako matalino pa. Echosss.

"Bonsoir également, table for four please", sabi naman ni tita at tumango ang waiter at iginaya kami sa table kung saan kami uupo. Maganda ang restaurant na ito, malalaki ang chandelier at magaganda ang mga designs at mukhang mga expensive. Yayamanin talaga ang Paris kaya ang daming gustong pumunta dito eh. Umorder na kami ng makakain at sempre hindi magpapatalo ang mga putahe dito pero hindi ko masyadong kilala ang mga pangalan ang ang hirap bigkasin. Sorry na.

Si tita na ang umorder para samin, sinabi na nya sa waiter na nag hihintay samin kung ano ang order pero in french word, hindi ko na sasabihin kung ano yun basta french. Hindi kasi lahat ng french word ay naiintindihan ko kaya hindi ko nalang sila iniintindi.

After minutes dahil mabilis lang naman ang pagluluto nila dito pero masarap ay dumating na ang pinakahihintay namin na pagkain. Hmmm....saraaaap!! Kumain agad ako dahil nagutom talaga ako sa byahe, may pagkain naman sa eroplano pero nakakabitin. Natatawa nalang sila sakin habang pinapanood ako na kumain pero ako wapakels dahil nagutom na talaga ako. Sarap talaga ng pagkain pero mas masarap parin pagkain ng pinoy. Dabest.

"Brrpp!", napa dighay ako dahil sa sarap ng pagkain pero agad naman akong humingi ng sorry dahil nakakabastos ang ganon. Parang hindi babae eh. Anyways, tapos nadin kumain sila tito and tita pati nadin si gina, nag pahinga muna kami saglit at konting kwentuhan. "So, samantha bakit ka pumunta dito I mean vacation rather. Do you have a problem? I thought your engaged, your future husband know this?", walang prenong tanong ni tita. Grabe din bunganga nento eh mala arma light buti nalang hindi ganto si mama. Ngumiti muna ako sakanila dahil hinihintay nila ang sagot ko, huminga ako ng malalim bago mag salita. "We're not engaged I mean I'll stop that proposal as soon as possible", sabi ko at mukhang nakuha naman nila ang ibig kong sabihin dahil hinawakan ni tito david ang kamay ni tita divine na parang sinasabing wag na ako kulitin. Tenchu, tito david. That's a relief.

Ngumiti sakin si tita at hinawakan ang kamay ko, alam ko naman na nagaalala sya sakin pero hindi pa talaga ako ready na sabihin sakanila kung ano ang totoo. Napagpasyahan na naming umuwi para makapag pahinga na, mabilis naman ang pag mamaneho ni tito kaya agad kaming nakarating sa bahay nila.

Doon ako matutulog sa guest room dahil doon naman talaga natutulog ang mga bisita. Tanga eh no? Nagpaalam na ako kila tito at tita na magpapahinga na, gusto pa sana sumama sakin ni gina pero sinabihan sya ni tita na wag muna ngayon dahil kailangan ko mag pahinga, sumang-ayon nalang si gina pero nakabusangot. Pumunta na ako sa guest room at inayos na ang mga gamit ko, pagtapos kong ayusin ay humiga muna ako sandali para makapag pahinga.

Hindi ko namalayan na naka idlip na pala ako ng hindi nakakapag linis ng katawan. Iww, joke. Bumangon na ako at dumiretso sa cr para makapag linis at para fresh ako kapag matutulog na, after minutes na pag liliwaliw sa cr ay natapos nadin ako. Pajama lang na hello kitty terno ang sinuot ko dahil matutulog lang naman ako alangan namang mag make up pa ako edi nag mukha akong tanga ka. Joke.

Hihiga na sana ako ng may maalala ako, yung phone ko? Agad kong tinignan sa bag yung cellphone at inopen ito, tadtad ng missed calls and text messages galing kay mama, bea, sky pero mas marami kay Lux at may isang text message ang nagpakunot sa aking noo at nakapag pataas ng aking kilay. Sheena?

Hindi ko inopen yung message ni Lux at Sheena at dinelete ko ito, ayokong magkaroon ng communication sakanilang dalawa. Inopen ko ang message ni mama at puro habilin, imissyouuu ang nabasa ko napangiti naman ako dahil doon, nag reply ako sakanya at sunod na tinignan ko ay kay bea, puro naman mura ang natanggap ko dahil hindi pala ako nag sabi sakanya na aalis ako, nag reply naman ako sa kanya at humingi ng sorry, last na inopen ko ay kay sky napangiti din ako dahil sa message nya.

Sky message:

"I know you just arrived their, stay safe okay? Call me if you need help and I'm always here for you. See you soon. Ily, imy."

Ayan na naman sya sa elyen word nya na tatlong letra, ano ba kasi meaning non? Ily at imy na yan?

*
*
*
*
*

a/n: gagstok ka ba samantha? hindi mo alam meaning nyan? baka ikaw ang elyen.

{elyen agad miss author hindi ba pwedeng hindi ako pinanganak ng ganyang panahon at may ganyang word?}

a/n: *napasapo sa noo*, gagstok nga talaga jusko. stress bangs ko sayo, ang meaning ng ily tapos imy is iloveyou and imissyou. BOBO!

{ay sorry na miss author maka bobo naman to. hayaan mo mag aaral ako ng language nyo}

a/n: potangenaaaa!!

{sorry na hehe}

*
*
*
*
*

Mukhang gg na si miss author sakin eh ano bang malay ko sa mga language nila. Duhh..

So ibig sabihin love ako ni Sky? miss ako ni Sky? baka as a friend lang yun tsaka pinsan yun ni Lux, hello. Hindi magkakagusto sakin yun pero infairness ang sweet talaga ng mokong na'to eh haynako for sure ang swerte ng magiging gf nento eh, husband material and boyfriend material plus gwapo pa, oh diba. Edi wow. Nag reply naman ako sa message nya at napag pasyahan ng matulog dahil bukas ay simula na ng panibagong buhay at it's time to move on.

*
*
*
*
*

a/n: kay sky na message pinakita pero sa iba hindi, ano yun Samantha may favoritism ka?

{eh tinatamad ako mag type author, bakit ba?}

a/n: ikaw ba nag tatype? hindi naman diba?

{ayy oo nga noh author? sensya na beh, osige type mo sipag ka eh}

a/n: hindi na uyy, nakakatamad kaya hehe hayaan muna nga.

{oh tignan mo, tamad din pala}

a/n: same vibes beh.

{che, tulog na nga ako. goodnight author, mwah mwah}

a/n: taray yarn? osige, goodnight din.

*
*
*
*
*

Author's Note:

Pasensya mga beh kung nag sasagutan kami ni Samantha, ganyan kami mag lambingan hahaha.

Btw, tenchu for supporting my stories. Don't forget to vote and comment and also follow me. Iloveyou and keep safe everyone.♡

MY CHILDISH HUSBAND (COMPLETED)Where stories live. Discover now