Chapter 15: Sky Griffin
Samantha's Point of View
"Goodmorning sunshine", bati ko sa aking sarili at sa haring araw. Good nga ba ang morning ko? Inalog ko ang aking ulo para mawala ang iniisip ko. Ayokong mag isip ng kung ano ano dahil medjo okay okay na ako ngayon, ilang buwan nadin kaming walang contact ni Lux sa isa't isa and the worst part is akala ko hahabulin nya ako, akala ko pupuntahan nya ako dito pero nagkamali ako at buti nalang hindi ako umamin sakanya dahil tama ang hinala ko na sa huli ako din ang masasaktan.
"Aisshh don't think about him Samantha, he's not interested to you okay?", pag kukumbinsi ko sa sarili ko at mahinang sinampal ang mukha ko para matauhan. Arrange marriage lang yun, walang feelings na involve sana pero nagkaroon ako ng feelings sakanya at hindi ko na mapigilan to. Bumangon na ako at dumiretso sa cr, nag hilamos ako para mahimasmasan dahil kung ano ano na naman ang iniisip ko.
Bumaba ako sa dining para makapag almusal na dahil nagugutom ako sa mga iniisip ko, bumungad sakin si mama at papa na nakain nadin pala tsss hindi man lang ako niyaya or ginising grabe. "Goodmorning ma and pa", bati ko sakanila at bineso. Tumango lang sila bilang sagot, umupo na ako at kumuha ng bacon, fried rice and eggs tapos nag timpla nadin ako ng kape. Sarap ng breakfast ko shemsss!! Habang kumakain ako ay hindi ko maiwasang hindi mailang dahil sa tingin nila mama at papa, nilunok ko muna yung kinakain ko bago magsalita. "Ahm ma? why are you staring me like that? may problema po ba?", takang tanong ko sakanila. Nagkatinginan silang dalawa at hindi man lang pinansin yung tanong ko. Owkaaaay ang awkward ha, hindi ko nalang din sila pinansin at pinag patuloy ang pag kain maya-maya pa ay natapos na ako sa pag chibog kaya iniwan ko nalang sila doon.
"Ang weird naman nila, ano kayang nangyari?", tanong ko sa sarili habang nag aayos ng susuotin dahil may lakad kami ngayon ni Bea isa sa mga kaibigan ko nung college, hindi ko kinakausap or chinachat man lang si Sheena kahit na madami na syang chats and missed calls sakin dahil hindi parin mabura sa isip ko yung mga nakita ko and the pain is still in my heart, tinatanong nadin ako ni Bea kung ano ang nangyari samin ni Sheena pero hindi ko yun sinabi dahil ayokong pati sya mag alala sakin or samin.
Minutes later tapos na ako mag asikaso sa sarili ko simple lang ang suot ko dahil gagala lang naman kami ni Bea and wala akong balak magpa charming like tf maganda na kaya ako. Jwk. I wear jeans and t-shirt then shoes, oh diba ang simple lang tapos naka pony lang yung hair ko. Chinat ko si Bea na I'm on my way, bumaba na ako at wala na sila mama at papa sa dining nandun naman sila sa sala nanonood ng tv. Nagpaalam ako sakanila na may lakad ako pero tinignan lang nila ako kaya hindi na ako nagsalita ulit. Weird talaga!
They didn't know what happen to me and Lux at nabigla din sila dahil sa biglaan kong pag uwi, nagtanong sila kung anong nangyari pero hindi ako nagsalita and hindi ko sinabi sakanila kung anong problema kaya hindi na nila ako kinulit pa pero naiilang parin ako dahil yung mga tinginan nila sakin iba kaya hinayaan ko nalang hindi ko naman sila masisisi.
I just arrive to the place where i and Bea meet, nakita ko agad sya dahil kumaway sya sakin pero may kasama syang lalaki and I don't know who is he and hindi sinasabi sakin ni Bea na may kaibigan pala syang lalaki. Ayy baka boyfriend nya. Pumunta ako sa pwesto nila pag kaupo ko ay agad na nagsalita si Bea. "Ganda yarn?", bati nya sakin na may nakakalokong ngiti. Tssss siraulo talaga, nginitian ko lang sya then umorder kami ng makakain. "Ow i forgot, Samantha this is Sky. Sky this is Samantha my bestfriend", pagpapakilala nya sakin sa lalaking nasa tabi nya which is Sky.
He is handsome at hindi ko yun ipagkakaila, he have pointed nose, thin pink lips, and have grayish eyes. Maayos ang pananamit nya and nakakadagdag pogi points yun sa mga lalaki and beh infairness mabango sya at ang sarap sa ilong ng amoy dahil hindi matapang. Perfect. Naalala ko tuloy si Lux sakanya, aishh don't think about him.
Ngumiti ako sakanya at inabot ang kamay nya na nakalahad sa harap ko, nag shake hands kami pero naiilang ako dahil hindi nya pa binibitawan yung kamay ko which is nakakahiya.
Ayy ganda yarn?
"I'm Sky Griffin, nice to meet you Samantha?", pakilala nya sa sarili nya at hinihintay na sagutin ko ang huli nyang tanong. I gave him a sweet smile and said, "Samantha Laxamana." Yes ginamit ko yung surname ni Lux dahil kakaiba ang pakiramdam ko sa lalaking to, the way kung tumitig at ngumiti sya sakin parang nakakailang.
Sus, miss mo lang si Lux eh
Ngumiti sya sakin at binitawan na ang kamay ko, nag umpisa na kaming kumain. Naiilang parin ako dahil tingin ng tingin sakin tong si Sky. Hindi ko nalang pinansin at tinuunan ko nalang ng atensyon ang pagkain. Maya maya pa ay natapos na kami, nag pahinga muna kami saglit at nag aya si Bea na mamasyal noong una ay ayokong pumayag pero dahil mapilit tong babaitang to sumang-ayon nalang ako.
Nandito kami sa enchanted kingdom at si Bea lang ang nag eenjoy dahil ayoko munang mag rides kasi may naalala ako which is si Lux na naman, nakakainis naman to si Bea eh parang nananadya. Nakaupo lang ako sa isa sa mga bench dito at inaantay na mag sawa si Bea sa mga ginagawa nya, naiinip na ako at gustong gusto ko na umuwi. Hindi na ako nagulat ng umupo sa tabi ko si Sky dahil kanina pa sya dikit ng dikit sakin at nakaka badtrip lang talaga, inabutan nya ako ng pagkain pero tumanggi ako at dahil mapilit din sya katulad ni Bea ay kinuha ko nalang ito. Nanatili kaming tahimik ng bigla syang tumikhim bago nag salita.
"Laxamana? sounds familiar yung surname mo", makahulugan nyang sabi at tumingin sakin. Ano bang gustong malaman nentong kupal na'to tssss. Hindi ko pinansin yung sinabi nya at tumingin sa direksyon ni Bea dahil kumakaway ito samin habang papalapit. "Lux Laxamana", bulong nya pero ang akala nya siguro hindi ko narinig yun. Bakit nya kilala si Lux? Anong pinaparating nentong lalaking to!? Tinignan ko sya bago nag salita "May sinasabi ka ba?", maangan kong tanong kahit narinig ko naman yung sinabi nya. "Nothing", tipid nyang sagot at ngumiti. Hindi ko nalang sya ulit pinansin at niyaya na si Bea na umuwi dahil kanina pa ako naiilang and at the same time nababadtrip.
Sumang-ayon naman sila sa sinabi ko at nag prisinta si Sky na ihatid kami at sempre kahit na anong tanggi ko ay mapilit talaga sila kaya gora nalang akeshh.
Tahimik lang kami sa buong byahe, naihatid na si Bea sa bahay nila at ako naman ang huli nyang ihahatid, hindi maganda ang pakiramdam ko kaya sinabi ko sakanya na ako nalang mag isa uuwi dahil kaya ko naman pero nag pumilit parin sya kaya eto ako nakasakay sa sasakyan nya.
Malapit na kami sa bahay at sinabi ko na sa may bandang kanto nya nalang ako ibaba tumigil naman sya at sandali pa ay may tumawag sa phone nya at dahil marites ako mga beh kunwari ay may hinahanap ako sa bag ko. "Yeah she's with me", sabi nya sa kausap nya sa phone tumango tango naman sya at nagsalita ulit. "Don't worry, she's safe and we're here near in her house." Naguguluhan ako at gusto kong mag tanong kung sino ang kausap nya pero nanatili akong tikom. "Okay Lux, you're always welcome dude", pahabol nya pa tsaka binaba ang tawag.
Nagpaalam na ako sakanya at nag pasalamat nadin sa pag hatid, ngumiti lang sya at tumango bago pinaandar ang kanyang kotse. Nanatili lang ako tulala dahil hindi parin nag sisink-in sa utak ko ang mga narinig ko.
Kilala nya si Lux? Alam ni Lux na magkasama kami? Paano nya nakilala si Lux? Kamag anak nya ba si Lux?
Gulong gulo ang isip ko dahil sa mga narinig ko, minabuti ko nalang na pumasok na sa loob ng bahay at para makapag pahinga nadin dahil sobrang napagod ako kahit wala naman akong masyadong ginawa mag hapon at napagod din ang isip ko kakaisip kung bakit kilala ni Sky si Lux.
YOU ARE READING
MY CHILDISH HUSBAND (COMPLETED)
RandomSky, Samantha and Lux. Will you choose the person who will always be there for you or the person who will never be yours, again?