CHAPTER 9

118 9 0
                                    

Chapter 9: Sleeping Together

Samantha's Point of View

One month and a half na pala kaming nagsasama ni Lux sa bahay na'to and andami ng nangyari like harutan, asaran, iyakan, bangayan at kung ano ano pa!

Nandito ako ngayon sa sofa at nanonood ng tv since wala si Lux dahil nasa business meeting sya ng parents nya, wala naman akong magagawa dahil sya ang susunod na tagapagmana ng company ng parents nya sya ang magpapatuloy nun kaya support lang ako sa husband ko. Busy ako sa panonood ko ng biglang nag vibrate phone ko, message galing kay Lux.

Lux's message: Wifey malalate ako ng uwi ahh, hindi kaba maboboring jan?

Ang sweet talaga ng lalaking to, haynako! Nag reply naman agad ako.

"Okay lang hubby take ur time okay, oks lang ako dito tsaka don't worry I can handle myself okay."

Lux's message: Sure ka wifey ahh, okay sige I have to go take care iloveyouuu.

Napangiti ako sa reply nya.

"See you later, iloveyoutoooo.

Sarap lang sa feeling na may taong nagaalaga at nagpoprotekta sayo kahit sabihin na nating may pagka isip bata ng konti ay hindi pala konti yun hahaha.

Nagtataka kayo kung bakit nasagot nako sa iloveyou nya? kasi nga inlove na ako sakanya pero hindi kopa sinasabi kasi natatakot ako na baka umasa lang ako sa wala, sabihin na nating mag asawa na kami, nagsasama kami sa iisang bahay pero nandun parin yung doubt na baka sweet lang talaga sya sa mga babae kaya ganun like bastaaa hirap explain eh manhid na kung manhid basta takot pa ako umamin at natatakot ako sa magiging resulta ng pag amin ko kaya quiet nalang muna ako.

Daming alam no?

Kain lang ako ng kain dito habang inaantay sya pero it's already 9 o'clock in the evening pero hindi parin sya umuuwi tsssk ano na kaya nangyari dun!? Inantay ko lang sya ng inantay hanggang sa nakatulog nako, diko namalayan na dumating na pala sya at ginising ako.

"Wifey wakeup I have something for you", sabi nya sakin habang nakangiti sabay abot ng supot. Anong pakulo na naman to! "Ano to?", sabi ko habang pupungas pungas pa ng mata dahil sa antok. "Open it", sabi nya ng may ngiti sa labi pero bago ko buksan yun ay tinanong ko muna sya. Akala mo makakaligtas ka. "Bakit ngayon ka lang umuwi? anong oras na ah!?", inis kong tanong na ikinatawa nya naman. Aba'y lokong to ahh tinatawanan pa ako ehh hatinggabi na kung umuwi, ano to pokpok lang!?

"Sorry na wifey, nagpahatid kasi sila mommy and daddy sa bahay eh tapos pinakain pa nila ako dun tsaka nagkwentuhan kami about sa company and about satin", pagpapaliwanag nya. Ahh kaya naman pala, ikaw kasi self eh todo daldal ka kaagad dapat inaalam mo muna.

Pahiya 101

"Ay ganun ba hehehe sorry naman, bakit hindi ka man lang nag text or tumawag?", dagdag ko. "Lowbat na kasi yung phone ko wifey ehh hehehe sorry na", nakapout nyang saad. tsssk suntukin kona talaga nguso nento eh!

Sus! gusto mo lang halikan eh

"Oh sya sige na, pout pout kapa suntukin ko nguso mo e tsssk", sabi ko sabay taray. "Grabe naman to kiss muna lang", sagot naman nya sabay nguso. "Ang landee mo hayp ka", inis na sabi ko at binalingan nalang ang supot.

Uto uto pa naman ako

Binuksan ko yung supot at nashock ako sa laman, set ng jewelry na tatak is Eiffel Tower ng Paris ang sweet talaga nentong kutong lupa na'to kinikilig na naman ako lechugas talaga!

"Omgggggg para sakin to!?", hindi ko makapaniwalang tanong sakanya. "Yes wifey para sayo yan dahil nalate ako ng uwi at pinagantay kita ng matagal kaya naisipan kong bilhan ka nyan para mawala nadin galit mo sakin", sabi nya at ngumiti. "Halaaaaa omgggggg, thankyouu thankyouuu talaga!!", masaya kong sagot at hindi kona napigilan sarili ko napatalon ako sakanya at niyakap ng mahigpit sabay kiss sa noo, ilong, pisnge at labi. Ay pota!

Oh ayan buti nga

"Ayy sorry na carried away lang ako hehehe", nahihiya kong sambit sabay talikod sa kanya. Hindi nya pwedeng makita yung namumula kong pisngi. "Ang cute mo, okay lang wifey", sabi nya sabay yakap sa likuran ko. Eto na naman puso ko taenaa sana hindi nya marinig ang lakas ng tibok nento, lupa kainin mo na ako pleasee!! "S-selemet ulet", sabi ko sa pabebeng tono. Tangina ano ba tong ginagawa ko!! "HAHAHAHAHA pano ulit?", natatawa nyang sagot, kainis naman to pinapaulit pa eh parang tanga! "Balakajan!!", aktong aalis na sana ako pero hinila nya ako papalapit sakanya sabay yakap at halik sa noo. Eto na naman ang pakeneng hartue ko lechee talaga! "Tabi tayo matulog ah", sabi nya sabay buhat sakin papunta sa kwarto.

Wait! magtatabi kami? sa iisang kwarto!? ohh noooo!!! Ibinaba nya ako sa harapan ng pintuan ng kwarto at pinagbuksan, nauna akong pumasok sa kwarto tapo sumunod din sya. Laaah gago teka lang bakit naiilang ako?

"Di kaba sanay na nandito ako? pwede ka naman tumanggi eh", sabi nya sa malungkot na tono. Abaaaa gagong to ahh meganon pang nalalaman sipain ko'to eh. "A-ah e-eh hehehehehe hindi ko alam eh", nahihiya kong sagot. Eh hindi ko naman kasi talaga alam kung papayag ba ako or hindi eh bakit ba?

Asus papayag na yan

"Ohh ayaw mo nga, ayush lang wifeyy sige na matulog kana", akmang aalis na sana sya ng hawakan ko ang braso nya. Huy Samantha ano bang ginagawa mo? "To naman mukhang tanga eh tara na dito dami mong alam", sabi ko sakanya sabay bitaw sa braso at upo sa kama. "Yeeey makakatabi kona din asawa ko", tuwang tuwa nyang sambit na akala mo nanalo sa lotto. Eto na naman sya haysss.

Ginusto mo yan eh

"Panget mo umarte, matutulog nako balakajan!", sabi ko sabay higa sa kama at tulakbong ng kumot. Naramdaman ko namang tumabi na sya sakin at humiga nadin, tinanggal ko ang tulakbong at taka ko syang tinigan. "Ohh dika pa matutulog?", tanong ko sakanya. Napangiwi nalang ako dahil sa naka busangot nyang mukha. "Eh payakap ako wifey pleasheeee", nakalapat ang dalawa nyang kamay na sign na akala mo nagdadasal. Ano na naman to hayss jusko ewan ko ba! "Ang arte mo talagang lalake ka", irita kong sagot sabay ayos ng higa. No choice ako dahil sa kakulitan nentong tukmol na'to at baka hindi pa kami makatulog. Humiga na ako at umayos nadin sya ng higa at inilagay nya ang braso nya sa ulo ko at humarap sakin sabay himas sa aking buhok at pisngi, sarap sa pakiramdam ng ganto parang ayoko nalang mag umaga.

Ang landeeeee

Nakakatulog nako ng maramdaman ko ang pag halik nya sa aking noo, ilong at labi dahilan ng aking pag ngiti at narinig ko ang sinabi nya. "Goodnight and sweet dreams wifey, iloveyouuuuuuu." yan ang huli kong narinig at nakatulog nako ng tuluyan.

Iloveyoutoooo....

MY CHILDISH HUSBAND (COMPLETED)Where stories live. Discover now