Chapter 17: Suspicion
Samantha's Point of View
Hindi ako nakatulog ng maayos dahil hindi parin maalis sa aking isip yung mga narinig ko kagabi, wala naman nababanggit sakin si Lux na may kakilala sya dahil masyado syang pribadong tao and hindi kami gaano nakakapag usap about sa mga sarili namin at family. Baka naman kamag anak ni Lux si Sky pero bakit naman nya sinabi na kasama nya ako at ligtas ako at mabuti ang lagay ko? hindi kaya?
"No, Samantha mali yang iniisip mo okay? hindi nagaalala sayo si Lux and wala syang pake sayo. Baka nagkataon lang na kasama mo si Sky then tinanong nya kung sino yung kasama nya tapos sinabi nyang ako and ayun. Wag mong isipin masyado Samantha, mali ang iniisip mo", pagkukumbinsi ko sa sarili habang nakatingin sa salamin. Para akong tanga na nakikipag batehan sa aking sarili ng biglang may kumatok sa pinto kaya dali dali akong pumunta doon para buksan at bumungad sakin si mama na nakangiti. Anong meron?
"Oh ma bakit po?", taka kong tanong. "Anak may tao sa labas hinahanap ka", sagot ni mama habang naka ngiti. Eh? anyare dito? Napangiwi nalang ako dahil sa itsura nya. "Sino daw?", tanong ko. "Sky daw eh", sagot naman nya tsaka tumalikod at bumaba. Si sky? ano naman ang ginagawa nya dito?
Nag ayos muna ako tsaka bumaba para puntahan si Sky at tanungin kung anong ginagawa nya dito, nakakapag taka lang talaga. Pagbaba ko ay nakita ko sya na nakikipag usap kay mama at ang mama ko naman tawa ng tawa.
Saya yarn?
Tumikhim ako para malaman nila na nasa harapan na nila ako, tumigil naman si mama at sinenyasan ako na pupunta lang sya sa kusina tumango nalang ako bilang pag sang-ayon. Tumingin ako sakanya na para bang nagtatanong at umiling naman sya sa ginawa ko. "What?", maang nyang tanong. Pa what what ka pa jan, watawatin ko peslak mo eh. "What are you doing here", mataray kong tanong. Natawa sya sa inasal ko kaya mas lalong naningikit ang mga mata ko sakanya. "What's funny? Ano ba talagang ginagawa mo dito at bakit close na close kayo ni mama?", inis na tanong ko kaya napaayos sya ng upo. "Chillax Samantha wag kang masyadong high blood baka pumangit ka", sabi nya habang nagpipigil ng tawa. This guy is getting to my nerves. "You don't care, answer my question. Bakit ka nandito?", irita kong tanong kaya tumahimik sya.
Nabwibwiset lang ako sa lalaking to at nasisira ang araw ko sakanya, aalis na sana ako para bumalik sa kwarto ng bigla syang nagsalita. "Pinapasundo ka sakin ni Bea, mamasyal daw ulit kayo." Pasyal na naman? hindi ba sya naboboring at bakit hindi sya nag chat or tumawag sakin para alam ko. "Bakit hindi sinabi sakin ni Bea?", iritado kong tanong. "I don't know", kibit balikat nyang sagot. Inis akong tumungo sa kwarto para mag ayos tinext ko muna si Bea kung totoo ba ang sinasabi ni Sky, totoo nga ang sinasabi ng mokong nayun tssss.
Mayamaya pa ay natapos na ako sa pag aayos, bumaba na ako para puntahan si Sky at para makaalis na kami agad dahil masyado na silang close ni mama dapat kay Lux lang sya close. Lah ano daw? Naabutan ko na naman sila na nag kukuwentuhan, niyaya ko na si Sky na umalis pero bago yun nag paalam muna sya kay mama. "Wag kang masyadong madikit kay mama, nakakainis tignan", pagtataray ko at nauna na sakanya sa parking lot sumunod naman sya agad at sinabing, "Nakakatuwa kasi ang mama mo eh, kung buhay pa siguro si mama ganyan din sya kalambing at kakulit." May bahid na lungkot sa pagkakasabi nya, naawa naman ako dahil naging mataray ako sakanya ni hindi ko man lang napansin yung nararamdaman nya. "I'm sorry", pabulong kong sabi na narinig nya pala. "Don't be Sam. Okay lang yun", sabi nya at ngumiti. Napangiti nalang din ako at tumango bago sumakay sa kotse nya, nakakatuwa din pala kasama tong si Sky kasi madaldal at ang daming baon na corny jokes. "Anong tawag sa anak ng shell?", natatawa nyang tanong dahil hindi pa sya nakaka move on sa una nyang joke. Napataas naman ang isang kilay ko bago sumagot, "Ano?" Natatawa pa sya bago sabihin yung sagot kaya natatawa nadin ako. "Ano nga?", natatawa kong saad. Nakakahawa naman tong kupal na'to.
"Edi shelldren hahahahahahaha", sabi nya at tumawa ng malakas. Potaena ano daw? hindi ako natatawa sa jokes nya dahil natatawa ako sa expression nya kasi parang maluha luha na sya ang cute lang, natatawa nalang din ako dahil sobrang nakakahawa ang tawa nentong mokong na'to. Nawawala pa ang mata nya habang natawa sabayan mo pa ng pamumula ng mukha, ay chinitong tisoy. Hindi namin namalayan na nandito na pala kami, napag pasyahan na naming bumaba nauna sya sakin at pinag buksan ako ng pinto gentleman yarn? ngumiti ako sakanya at sabay na kaming pumasok sa loob.
Nakita namin si Bea sa dulo nitong coffee shop at parang makahulugan ang tingin nya samin, problema nito. Umupo kami pero pinag hila ako ni Sky kaya napangiti nalang ulit ako sakanya, nagulat ako sa expression ng mukha ni Bea dahil para kaming mga kriminal na gustong umamin sa mga titig nya. "Hoy anong problema mo? bakit ganyan ka maka tingin?", irita kong tanong na napalitan ng ngiti sa kanyang labi. Ay nabaliw na. "Uyy, may something ba sainyo? ang sweet sweet nyo kasi eh tapos kanina nakita ko pa kayo sa kotse nag tatawanan, yieeeeee kayo na ba?", sunod sunod nyang tanong. Napataas nalang ang isa kong kilay sa huli nyang tanong at tinignan sya diretso sa mata, "Hoy wag ka ngang oa jan, masyado kang tamang hinala eh. Me and Sky are just friends okay?", sabi ko at may diin sa salitang kaibigan. Para malinawan tong babaitang to dahil kung ano ano na naman ang iniisip tsssss. Nag taas sya ng kamay na parang nasuko na at tumawa lang si Sky sa inakto nya, nag order na kami ng makakain dahil nagutom talaga ako sa byahe namin plus sa mga corny nyang jokes.
Nag simula na kaming kumain, galit galit muna kami ngayon dahil pare parehas lang kaming gutom mayamaya pa ay nag paalam si Bea samin na pupunta sa restroom, tumango nalang kami ni Sky dahil tapos naman na sya kumain. Tahimik lang kami habang nilalantakan ang pagkain na nasa harapan namin ng matapos na kami ay saktong balik naman ni Bea, nag pahinga muna kami bago pumunta sa gustong puntahan nentong babaeng to naka batak ata to eh hindi man lang napapagod jusko!
Sinusundan lang namin sya hanggang sa mapadpad kami sa isang parang water falls or fountain ata yun, yung mag hahagis ka ng barya tapos matutupad yung hiniling mo basta yun na yun. Kumuha ako ng barya sa wallet ko at nag hagis ng barya sa fountain, wala namang masama tsaka malay natin matupad diba? Pagkahagis ko ay pinag lapat ko ang dalawa kong kamay tsaka pumikit at humiling.
"Anong hiniling mo?", tanong sakin ng lalaking katabi ko. Tumingin muna ako sakanya bago nagsalita. "Wala kana don", pagtataray ko na ikinatawa naman nya. Hinayaan ko nalang sya at pinuntahan si Bea dahil nandun sya sa may stall ng cotton candy and that is my favorite, bumili din ako ng isa at umupo kami sa bench kasunod naman namin si Sky na umupo din sa tabi namin habang lumalantak din ng cotton candy. Mahilig din pala dito, taraay.
Mayamaya pa ay naagaw ng atensyon namin ang nag riring na cellphone ni Sky, tumingin muna sya samin at parang nanghihingi ng permiso kung maaari nya bang sagutin ito. Tumango naman kami bilang pag sang-ayon, habang may kausap sya sa phone ay hindi ko maiwasang hindi makinig. "Yeah kasama ko sya and yung friend nya, don't worry ako na bahala", sagot nya sa kausap nya. Nagpaalam na sya tsaka binaba ang phone para ipagpatuloy ang naudlot na pagkain. Out of curiosity ay tinanong ko sya. "Sino yung kausap mo?", takang tanong ko habang nakatitig lang sakanya. Kita ko ang pagkataranta nya at hindi alam kung ano ang isasagot. "A-ah he's my friend then he ask me where am I. Sinabi ko na kasama ko kayo", nakangiti nyang sagot pero kita parin sa mata nya na parang may tinatago.
Tumango nalang ako bilang sagot, ngumiti lang sya sakin. Hindi parin maalis sa isip ko yung mga sinabi nya nung nakaraang gabi at sa binanggit nyang pangalan. Tanungin ko kaya sya wala namang mawawala eh.
"May kilala kang Lux?", tanong ko. Muntik na syang mabulunan sa tinanong ko. Oa ah, mabubulan sa cotton candy? Uminom muna sya ng tubig at tumingin sakin. "S-sino yun? I don't know him is he your boyfriend?", tanong nya din sakin pabalik. Hindi ko sinagot ang huli nyang tanong kaya minabuti nya nalang na tumahimik. Siguro nga hindi nya kilala yung mokong na yon.
Ayokong sagutin yung tanong nya dahil kahit ako ay naguguluhan kung ano ko nga ba sya.
Napagpasyahan na naming umuwi dahil mag didilim nadin.
YOU ARE READING
MY CHILDISH HUSBAND (COMPLETED)
RandomSky, Samantha and Lux. Will you choose the person who will always be there for you or the person who will never be yours, again?