CHAPTER 29

101 7 0
                                    

Chapter 29: Lucky Day

Samantha's Point of View

Gusto ko na magka trabaho, ayoko ng ganito kainis naman eh. May opportunity nga ang kaso naman may kamag anak si Lux dun hayss buhay nga naman parang life, nahihiya nadin ako kila tito and tita dahil hindi man lang ako makatulong sa kanila and besides hindi ko mabili ang gusto ko. I want a job right now, jwk alam ko naman na mahirap mag hanap ng trabaho ngayon and kailangan ikaw mismo ang gagawa ng way para magka trabaho.

I'm here now in my room and as what I've said, this is so boring. Kinuha ko ang cellphone sa desk at naisipan na lumabas malay mo naman sa pag gagala ko makahanap na ako ng trabaho diba. Nag bihis na ako at bumaba para magpaalan sakanila, pumayag naman si tita dahil alam nya na naboboring na ako. After minutes ay nakarating na agad ako sa baba, maglalakad lakad nalang ako para din tumingin tingin kung may nakapaskik na job dito. Habang naglalakad ay may nakita akong ice cream parlor, agad akong pumunta doon at bumili ng favorite kong flavor na ice cream oreo with sprinkles oh diba yummy.

Habang nag hihintay ng order ay may napansin akong naka sign na hiring, secretary sa may tabi ng ice cream parlor na to. Malaki yung building and siguro may ari ito ng isang sikat na negosyante, kinuha ko na ang binili ko at agad na nilantakan naka upo ako ngayon sa isang bench malapit sa may stall ng ice cream parlor at kalapit din non ang building na may hiring. Pagka ubos ko ng ice cream ay agad akong pumunta sa building, tumungo ako sa receptionist para itanong kung available paba yung naka sign sa labas pero in french word dahil hindi sila masyadong marunong mag english, hayss dugo utak at ilong ko kapag ganto lagi ang scene. Sana naman may kapwa pinoy/pinay ako dito para hindi na ako mag aaksaya ng utak sa pag iisip ng french.

Sumagot naman ang babae sa receptionist at agad akong pinapunta sa floor kung saan ang hiring at direct interview na agad buti nalang dala dala ko yung mga requirements at resume ko, oh diba bongga. Agad akong pumunta sa sinabi nyang floor at ang mga taong nadadaanan ko ay nakatingin sakin na parang may dumi ako sa mukha, tss. Hindi ko nalang sila pinansin at pumasok na sa elevator, minutes later ay nakarating na din ako sa floor. Habang naglalakad ay tumitingin tingin ako sa paligid, nakakamangha dahil ang ganda nito at kitang kita ang mga tao sa labas pati nadin ang mga building na matataas, parang terrace lang kung titignan.

Nakarating na ako sa destination ko at may mga applicants din ang nag hihintay, ang dami nila at puro babae siguro bilang lang ang lalaki. Fyi, may lalaki din kayang secretary pero karamihan talaga babae. Naiilang ako dahil nakatingin silang lahat sakin, hindi ko nalang pinansin yun at kunwaring kinakalikot ko ang phone. Bakit ba sila nakatingin sakin? tss ngayon lang ba sila nakakakita ng magandang babae charr. May lumabas na babae galing office at kinuha isa isa ang mga resume namin, sakin ang huling kinuha pero tumingin muna sya sakin at parang nag pipigil ng tawa, problema nento. "Mag aapply ka na ganyan ang itsura mo?", sabi nya na ikinagulat ko. Nanlaki ang mata ko dahil sa sinabi nya at parang hindi makapaniwala, pinay? "Pinay ka din?", takang tanong ko na ikinatawa nya. "Oo beh", sagot nya at umalis sa harapan ko. I'm still in shock kaya hindi ko naintindihan yung sinabi nya nung una. Buti naman may kapwa pinay ako ditong makakasama, hindi na ako mahihirapan sa wakas. Thanks papa G!

Isa isa ng tinatawag ang mga pangalan namin at buti nalang pang huli ako kaya hindi pa ako masyadong kinakabahan, habang nag hihintay ay tinext ko muna si tita na malalate ako ng uwi. Chineck ko ang facebook ko at ang daming message ni Sky at Bea pati nadin si mama. Medjo kinabahan ako dahil parang hindi maganda ang kutob ko, ioopen ko na sana ang message ng biglang "Samantha Camero, your next", tawag nung babaeng pinay sakin at agad kong nilagay ang cellphone sa sling bag at inayos ang sarili bago pumunta sa office kung saan ako iinterview-hin.

Ginuide naman ako nung babae at sinabihan ng good luck kaya napangiti ako sakanya at tumango, pagpasok ko sa loob ay bumungad sakin ang isang magandang opisina at gaya nung una kong napuntahan ay sobrang linis at aliwalas tignan nito. Napapanganga ako sa ganda nito, as in sobrang ganda. Kitang kita mo dito ang tanawin sa baba at mga naglalakihan na gusali. Nabalik ako sa wisyo ng may biglang umubo kaya napatingin ako dito na sana hindi ko nalang ginagawa pero huli na ang lahat, ang gwapooooooooo!!!! Amoy expensive mga beh, lechugas naman. Sya na ba ang sagot para maka move on ako kay Lux, charot. Ngumiti ako ng pilit at humingi ng pasensya, iginaya nya ang kamay nya sign na maupo ako agad naman akong sumunod at umupo, magkaharap kami ngayon at kitang kita ko na ang kagwapuhan nya, pointed nose, grayish eyes, brash up hair, red thin kissable lips. Perfect. At mas lalo syang naging attractive dahil sa suot nyang tuxedo na fit na fit sakanya. Heaven beh!

"Miss, shall we continue this or will you just stare at me?", pambabasag nya sa pag dadaydream ko na ikinabigla and at the same time ikinahiya ko. Landi kasi eh. Sungit naman nento tsss sayang gwapo pa naman. "I-im sorry, let's continue this Mr. I'm very sorry", sabi ko habang naka lapat ang dalawa kong kamay na animo'y nag dadasal. Eh kasi naman eh, sorry naman ang gwapo mo kasi eh kaya napatitig ako sensya na. "Apology accepted, so let's start this", sabi nya at kinuha ang papel ko sabay binasa. Tumango tango sya habang tinitignan ang resume ko at ako naman ay kinakabahan. "So, you is Ms. Samantha Camero right?", tanong nya. Ayy bobo? Obvious ba? May iba pa bang Samantha dito? "Gwapo nga bobo naman", bulong ko. "Are you say something, Miss Camero?", tanong nya habang nakakunot ang noo. Meron, bobo ka? Ngumiti ako ng pilit tsaka umiling. Pinagpatuloy nya ang pag tatanong sakin ng kung ano ano at ako naman ay sinagot ko din ito, hanggang sa "Your hired, you can start tomorrow Miss, Camero." Napanganga ako dahil hindi ako makapaniwala sa sinabi nya, wala naman akong experience sa gantong trabaho pero hired agad? Wow as in wow lang talaga, pero hayaan muna nandito na and luckily may trabaho na ako yesssss!!! "Thankyou so much Mr. Alvarez, thankyou so much", pagpapasalamat ko sakanya. Aalis na sana ako ng bigla nya akong tinawag. "Wait, Miss Camero." Napatingin ako sakanya. "Why, Sir?", takang tanong ko. Sinenyasan nya ako na lumapit sakanya at kahit naguguluhan ako ay lumapit naman ako dito. Nagulat ako at natameme dahil sa ginawa nya, "Maybe, you should clean your face before you proceed to the interview", sabi nya at pinunasan ang gilid ng labi ko gamit ang hinlalaki nya. Nanatili parin akong nakatanga sakanya at nadagdagan pa yun dahil sa ginawa nya, sinipsip nya ang hinlalaki na may ice cream at sinabing "Oreo, I love this flavor." Umalis sya sa harapan ko at naiwan naman ako dito nakatanga lang dahil sa ginawa nya, nabalik lang ako sa wisyo ng kalabitin ako nung babae kanina na nag sabi sakin ng good luck at ngayon lang din nag sink in sa utak ko ang sinabi nya kanina na dapat sana ay chineck ko muna ang mukha ko. Lechugas naman oh, nakakahiya talaga!!!

"Uyyy, ano nangyari? Bakit ganyan itsura mo?", pagaalalang tanong nya. "H-ha? Ah, wala wala. Btw, natanggap ako at mag uumpisa na ako bukas", masayang kong balita sakanya. "Talaga? Alam mo sa dami ng nag apply dito wala pang tinatanggap yan, yung tipong start na agad", paglilinaw nya. "Hala seryoso? So, ako pa lang yung direct na na hired?", takang tanong ko na ikinatango naman nya. Tumango tango nalang din ako at sabay na kaming lumabas ng opisina, it's already 5:00 pm at nagugutom nadin ako.

Nagpaalam na ako kay Lexy na mauuna na, niyaya nya ako na kumain sa labas pero tinanggihan ko ito dahil hinahanap nadin ako nila tita. Sumang-ayon naman sya at naglakad na pauwi, malapit lang naman dito ang apartment kung saan kami tumutuloy at marami rami pa naman ang tao kaya hindi ako matatakot mag lakad ng mag isa. Ilang minutong paglalakad ay nakarating na agad ako sa amin, sumakay na ako ng elevator at pagbukas ay agad akong tumungo sa unit kung saan kami tumutuloy. Pag bukas ko ng pinto ay bumungad sakin sila tito at tita na halata sa mukha nila ang pagaalala, lumapit naman ako sakanila at sinabi ang magandang balita.

"Tita, may trabaho na po ako at start na ako bukas", masayang kong sabi. "Congratulations, Samantha. Btw, ano trabaho mo?", tanong naman sakin ni Tito. "Secretary po", maikli pero masaya kong sabi. "Wow, saan?", tanong sakin ni tita. "Dyan po malapit lang satin, yung malaking building po dyan", paliwanag ko na ikinalaki ng mata nila. "Do you mean? Sa Alvarez Company?", manghang tanong nila at agad naman akong tumango.

Habang nakain ay kinuwento sakin nila tito at tita kung gaano ka popular ang kompanyang iyon at hindi lahat nakakapasok doon, kaya isa ako sa mapalad na nakapasok sa isang kompanyang sikat at tinitingala ng karamihan. Grabe self, I'm so proud of you. You did great!!

Umakyat na ako sa taas at nag half bath, pagtapos non ay matutulog na ako dahil maaga ang pasok ko bukas. Excited na ako mag trabaho. Good night self and good luck.

MY CHILDISH HUSBAND (COMPLETED)Where stories live. Discover now