Chapter 33: Luxurious Laxamana
Lux's Point of View
4 months later.....
I'm here at the waiting area of hospital at hindi ako mapakali dahil nanganganak na si Sheena sa ER and hindi ko din alam kung ano ang lagay ng mag ina ko, pabalik balik ako habang nag hihintay na may lumabas sa pinto ng ER, natatawa nalang sakin ang mga taong dumadaan at pati sila mom and dad pero hindi ko sila pinapansin dahil ngayon lang ako nakaramdam ng ganito sa buong buhay ko. Halos kalahating oras ako nag hihintay at sa wakas may lumabas nadin na nurse galing ER, agad akong lumapit sakanya at sumunod naman sila mom and dad pati nadin magulang ni Sheena.
"Nurse, how's my baby condition?", agad na tanong ko sakanya. Ngumiti naman ito sakin at sinabing okay ang bata. "H-how about my wife? How is she? Is she okay?", utal kong tanong dahil first time ko lang tawagin na wife si Sheena. "She's okay now", nakangiting sagot nya sakin. Nakahinga ako ng maluwag dahil okay silang pareho, nag tanong si mom na kung pwede na silang puntahan, sumagot naman ang nurse sakanya. "Ililipat pa ho namin sya sa maayos na kwarto at doon nyo palang sya makikita", paliwanag nung nurse. Sabay sabay naman silang tumango, napag pasyahan namin na kumain muna sa labas dahil ililipat pa naman sila, bibili nadin ako ng pagkain ni Sheena para may makain sya dahil alam ko na naubos ang lakas nya.
After minutes ay nag mamadali sila mama at papa pati nadin sila tito and tita dahil gusto na nila makita ang kanilang unico'ijo, natatawa nalang ako dahil titignan daw nila kung sino ang kamukha ng anak ko. Pinauna ko na sila dahil bibili pa ako ng pagkain ni Sheena, habang nabili ako ay may pumukaw na isang babae sa aking atensyon at hindi ko alam kung ano ang mararamdaman ko, Samantha.? Bakit nandito sya? nakauwi naba sya? At sino ang kasama nyang lalaki? Sky?!
Nagmamadali na akong umalis dahil ayoko mag pakita, matapos ng mga ginawa ko sakanya ay mukhang wala na akong mukhang ihaharap, nahihiya ako as in sobrang nahihiya ako sakanya. I'm sorry Samantha pero hindi pa kita kayang harapin ngayon, meron isang oras at panahon na makaka hingi ako ng tawad sayo.
Naging mabilis ang lakad ko pabalik sa hospital at kinalimutan muna ang nakita kanina dahil kailangan ako ng mag ina ko ngayon, masisilayan ko na ang anak ko. Hindi ko sya sinisisi at hindi ko sya sisisihin sa kung ano man ang nangyari sa buhay ko dahil sya na ngayon ang buhay ko.
Habang umaandar ang elevator at nag hihintay ay hindi maalis sa isip ko ang nakita ko kanina, kailan pa kaya sya nakauwi, and for sure alam na nya din ang tungkol kay sheena at sa baby namin. Napa buntong hininga nalang ako at saktong tumunog na ang elevator dahil nandito na ako sa floor kung saan inilipat si sheena at ang baby ko, excited na medjo kinakabahan ako dahil first time ko'to.
Papasok na sana ako ng kwarto ng may narinig akong nag tatawanan galing sa loob, "Alam mo ba sheena, si lux kanina naku kung makita mo lang ang itsura nya at ginagawa siguradong matatawa ka. First time ko lang makita na ganun ang anak ko, nakakatawang isipin", kwento ni mama at dahan dahan akong sumilip para tignan sila, nakita kong sabay sabay silang natawa at si sheena, ngayon ko lang sya nakita na tumawa ng ganun. Napapangiti nalang din ako dahil komportableng komportable sila sa isa't isa, nagulat ako dahil may tumulak sakin para makapasok ako sa loob and that's my dad. Hayss naman, napatingin sila sakin kaya napangiti nalang ako ng pilit, kaasar naman oh.
"Oh anak, kanina kapa ba dyan?", takang tanong ni mom kaya napatango nalang ako. Nag tawanan naman sila kaya napakamot nalang ako sa aking ulo, tumingin ako kay sheena na pasimple din na natatawa lumapit ako sakanya kaya nag iba agad ang expression ng kanyang mukha. "Ahm, p-para sayo alam ko na gutom ka kaya kumain ka muna", paliwanag ko sakanya kaya napangiti din ito at kinuha ang bitbit ko. Sabay sabay naman akong napalingon kila mama dahil nag bubungisngisan sila na parang kinikilig, natatawa nalang ako at hindi ko yun pinansin, mayamaya pa ay may pumasok na nurse at dala nya ang aking baby hindi ko mapigilan na mapaluha dahil mahahawakan at masisilayan ko na din sa wakas ang anak ko.
Nilapit muna ng nurse ang anak ko kay sheena dahil mas maganda daw na mag skin-to-skin sila para maramdaman ng baby ang presensya ng kanyang ina, napapangiti nalang ako dahil sa mga nakikita at nasasaksihan ng aking mga mata, unti unti nadin akong lumapit kay sheena at sa anak ko para masilayan at mahawakan ko sya. Binigay naman sakin ni sheena ang baby ko kaya hindi ako nag dalawang isip na kunin ito pero medjo natatakot at kinakabahan ako dahil first time ko'to.
Habang karga ko ang aking anak ay hindi ko mapigilang maging emosyonal, ganito pala ang pakiramdam na mahahawakan at masisilayan mo ang sarili mong anak, habang hinehele ko ito ay nagtanong si sheena kung ano ang ipapangalan namin sa baby.
Ngumiti ako sakanya at sumagot, "Luxurious, Luxurious Laxamana." Napangiti din si sheena, maging sina mom, dad at magulang ni sheena. Sobrang saya ko ngayon dahil may isang tao na nag bigay ng kahulugan sa buhay ko at hinding hindi ako gagawa ng mga bagay na ikasisira ng pamilya ko.
Welcome to the world, Luxurious Laxamana!
YOU ARE READING
MY CHILDISH HUSBAND (COMPLETED)
RandomSky, Samantha and Lux. Will you choose the person who will always be there for you or the person who will never be yours, again?