CHAPTER 31

99 6 2
                                    

Chapter 31: Breaking News

Samantha's Point of View

5 months later............

Limang buwan na pala ang lumipas at wala naman ako masyadong balita sa pinas dahil siguro sa busy ako sa trabaho ko, halos wala nadin akong time para sa sarili ko i mean is nakakapag ayos naman ako pero hindi na ako nakakagala, nakakakain ng marami at nakakapag pahinga dahil tutok ako masyado sa trabaho ko. 5 buwan na ako dito sa work as secretary parin and tumaas din ang salary ko dahil maganda ang pinapakita kong performance, well nasasanay na ako sa mga gawain ng secretary and parang professional na ako dahil alam ko na lahat. Well ganon talaga siguro kapag may sipag at tyaga ka sa trabaho at kapag mahal mo ang trabaho mo, nakahilata parin ako dahil today is my rest day at makakagala na ako yeeey!!!

Babangon na sana ako ng biglang nag vibrate ang aking phone, pumunta muna ako sa banyo at nag linis ng katawan then pagkalabas ko ay agad kong kinuha ang cellphone. Nanlaki ang mata ko dahil sa daming notification, messages and kung ano ano pa. Hindi ko masyadong nahahawakan ang cellphone ko dahil nga busy ako and no cellphone allowed sa trabaho and I don't know why, siguro para hindi maka sagabal sa trabaho. For almost months ngayon ko lang nahalungkat ang cellphone ko na as in bulatlat talaga ganon! Alam nyo naman workaholic kaya ganto, chariz.

Tinignan ko muna ang message ni mama at papa, puro pag aalala lang at miss miss na daw nila ako pero may isang message nila ang nagpaangat sa kilay ko.

Mama's Message:

"Anak, alam mo na ba ang balita?"

Anong balita? tungkol saan? naguguluhan man ay nag reply ako sakanya, sunod naman na tinignan ko ay ang message ni Bea. Ganun din ang message nya na ikinakunot ng aking noo, ano bang nangyayari? Huli kong binuksan ang message ni Sky at ganun din ang message nya. Ano bang balita? Ano bang meron? May nangyari ba?

Wala nadin akong balita kay Lux at Sheena, hindi narin nag memessage sakin si Lux i mean hindi na nya ako kinukulit at mas maigi nadin yun para maka move on na ako and luckily unti unti ko na syang nakakalimutan, at sana kapag nag kita kami ulit hindi na bumalik ang nararamdaman ko para sakanya. Nag reply ako sa mga message nila at inaantay na mag reply pero hindi parin sila nag rereply kaya minabuti ko nalang na bumaba at kumain dahil nagugutom nadin ako, nakita ko sila tito and tita na nanonood ng balita. Binati ko muna sila pero parang hindi nila ako narinig, kukuha na sana ako ng gatas sa kusina ng biglang magsalita ang reporter sa tv at binanggit ang pangalan ni Lux Laxamana. May channel sa tv namin na pwedeng malaman kung ano ang nangyayari sa pilipinas kaya hindi kami nahuhuli sa balita kung ano ang kaganapan sa bansa namin.

Napatigil ako at tumingin sa tv, habang nagsasalita ang news reporter ay halo halo ang nararamdaman ko at hindi ko alam kung bakit. Natulala ako at halos hindi makagalaw sa kinatatayuan ko dahil sa sinabi nung reporter.

News reporter:

"Lux Laxamana, the soon to be CEO of Laxamana's Company is now having a child. The woman who stole his heart is Sheena Hidalgo. Congratulations in advance to the both of you."

Sabi nung reporter habang nakangiting nakatingin kay Lux at Sheena na nakaupo sa couch na parang iniinterview sila, tinignan ko si Sheena at malaki nadin ang tyan nya. Hindi ko alam kung ano ang mararamdaman ko, parang may tumusok sa puso ko at halos hindi ako makahinga. Hindi ko din napansin na luha ko na tumulo na pala na parang ilog sa walang tigil na pag agos, hindi parin naaalis ang mata ko sa screen ng tv at kitang kita ko kung paano ngumiti si Lux at Sheena.

Kailan pa? Matagal na ba? Bakit hindi sinabi sakin nila Sky, Bea at Mama, pati nadin si papa? Alam din kaya nila tito at tita ito? Napatingin ako sakanila na nakatingin na sakin ngayon at bakas sa mukha nila ang pagaalala. Aakyat na sana ako papuntang kwarto ng pigilan ako ni tita, lumapit ito sakin at niyakap ako. Napayakap nalang din ako sakanya at doon ko na binuhos ang luha ko, umiyak ako ng umiyak hanggang sa gusto ko ng mawala tong sakit na nararamdaman ko.

Akala ko okay na ako, akala ko magiging maayos na ang lahat, akala ko hindi na ako masasaktan, akala ko naka move on na ako. Akala ko lang pala ang lahat ng iyon.

Umakyat ako sa taas at nag kulong sa kwarto, tinignan ko ang cellphone ko at may mga reply na sila tinignan ko isa isa at pare parehas lang ang mga sinabi nila. Alam nadin pala nila pero hindi nila sinabi sakin pero alam ko naman na ayaw lang nila akong nakikitang masaktan ulit at nahihirapan. Pero wala eh, nandito na to kailangan ko ng tanggapin na hindi na, na wala na. Itutuloy ko na lang ang binabalak ko na kalimutan sya kahit masakit para sakin, minahal ko sya eh, i mean mahal ko sya, mahal na mahal pero hanggang dito nalang talaga to.

Kailangan ko ng tanggapin, kailangan ko maging malakas at kailangan ko tulungan ang sarili ko.

Congratulations to the both of you...........

MY CHILDISH HUSBAND (COMPLETED)Where stories live. Discover now