Chapter 1- Blind Date #5

56 1 0
                                    

Chapter 1- Blind Date #5

(Kaila's Pov)

"Oh, Kaila. Ready ka na ba?" paniniguradong tanong ni Jessie sa akin matapos kong mag-make up.

"Always." sagot ko at ngumiti ng napaka-tamis.

"Tara na, baka nag-hihintay na yung bilnd date mo." anyaya niya at lumabas na sa kwarto ko.

I'm Kaila Hermandez. Kilala niyo naman siguro si Dad diba? Walang iba kundi si Ajay Hermandez. Si Mom? Wala na si Mom. Stepmom meron!

Kinuha ko na yung bag ko at lumabas na sa kwarto ko, agad naman akong bumaba at pumunta kay Dad.

"Dad, alis na ako." sabi ko at kumaway na at lalabas na sana kaso humarang si Baby Kelly sa dadaanan ko.

"Ate, pasalubong." sabi niya at niyakap ako, niyakap ko na lamang rin siya at ngumiti na lamang saka tuluyan ng lumabas doon.

Nakita ko naman si Jessie na nakasakay na sa driver seat ng kotse niya, kaya agad din akong pumasok rito at umupo doon sa unahan.

"Game na?" tanong niya. Tumango na lamang ako at pinaharurot na agad niyang ng mabilis ang kotse papunta kung saan ang blind date ko.

Nang makapunta na kami eh tinigil niya yung kotse at nag-park sa isang tabi.

"Oh. Sa pinaka-sulok raw ang table niyo. Hanapin mo na lang, naka-red na tuxedo raw siya. Lol, ang badoy ng kulay." sabi ni Jessie habang binabasa sa phone at nang matapos eh tumawa ito.

"Gwapo ba?" tanong ko at tumingin sa kanya.

"Malay ko! Ayan na nga eh. Nandito ka na. Makikita mo na siya." sabi niya at tinarayan ako.

"Ehh... Sana naman gwapo, ayoko na ng pangit! Nakakaani eh." sabi ko at nag-pout saka nag-kamot ng ulo, pero agad ko itong tinigil, dahil baka magulo yung buhok kong inayos. Haha.

"Haha. Gwapo na yan. Trust me. Name palang eh." sabi niya at tinulak na ako palabas.

Inayos ko ang damit ko baka kasi gusot. Haha, tapos saka nag-paalam kay Jessie at pumasok na sa restaurant.

Hihintayin ako ni Jessie. Syempre, baka manyakis ang ka-blind date ko eh. Makaka-takas agad ako. :)

Pagka-pasok ko eh tumingin ako sa pinaka-sulok at nakita ko ang isang lalaki na nakaupo doon, pero nakatalikod.

Pumunta na ako rito.

Kinalbit ko siya sa likod niya, means hindi ko pa kita itsura niya.

"Ehem. Ikaw ba si Ash?" tanong ko mula sa likod niya at tumingin siya sa akin.

Para akong nakakita ng isang.... Isang....

"Yeah. Ikaw ba si Kaila?" tanong niya at tumingin sa legs ko.

Manyak ito! Shet. Itsura palang eh, mukhang abo, bagay sa pangalan niya. Shet!

"Hindi. Ako yung kasamahan niya eh. Nag-text siya sa akin sabi niya puntahan raw kita rito dahil hindi nga raw siya makakapunta."

Minsan, mahalaga rin anng pag-sisinungaling. Lord, patawad!!!

"Ah... Ganun ba? Ok lang. Ikaw? May ka-date ka ba?" toinkss!!! Ok na sana yung 'Ok lang eh.' tinanong pa ako kung may ka-date. Ano ng sasabihin ko?

"A-ako? O-oo, m-meron na akong ka-date. Kaso hindi kami rito magde-date. Talagang pumunta lang ako rito, para sabihin sayo na hindi makakapunta si Kaila. Pasensiya na ha? S-sige. Alis na ako, baka mainip yung boyfriend ko. Mabugbog pa ako, gangster eh." sabi ko at ngumiti ng pilit saka umalis agad doon at sumakay sa kotse ni Jessie.

"Oh? Narito ka kaagad? Haha, hindi ka makalabas ng kilig doon ano???" pambibiro ni Jessie ng makapasok ako sa kotse, agad ko naman siyag nabatukan.

"Sinong kikiligin sa itsura na mataba ang pisngi, may balbas, may bigote, may hikaw sa ilong, tapos may black eye pa. Tapos akala ko hot, yun pala natatakluban ng silya yung likod niya, buti pa yung silya may shape, eh yung kanya? Parang sampalok eh! Grabe! Manyakis pa! Tapos sasabihin mo, gwapo? Tapos sasabihin mo kinikilig pa ako? Gwapo yung name niya, ASH, pero nalaman ko, itagalog mo, abo. Bagay na bagay sa itsura niya. Woooo!!!" inis kong sabi sa kanya at dinescribe ko talaga yung itsura nung lalaki.

Shet, ang taba... T.T

"Easy lang, easy lang. Sorry naman! Oh? Paano na yan? Blind date #5, ekis na. At last na rin yun. Edi wala na? Ano ng plano mo?"

Ano ng plano ko? Awchu. Mukhang palpak lahat eh.

"Paano na si Mr. Paasa, na hindi naman talaga paasa, kasi una sa lahat ikaw ang nanguna, umasa ka. Paano na yun? Ha? Paano na si Neo?" sunod-sunod niyang tanong, pero nag-kibit balikat na lamang ako.

Siya naman eh nagbuntong-hininga, at binuksan ang engine saka nag-simula ng mag-drive.

Ang hirap naman kasi mag-isip ng plano para umiwas eh.

Kapag ba ang isang tao eh iniiwasan niyo, pero siya dikit ng dikit at lapit ng lapit, anong gagawin niyo? Ang hirap diba? Argg...

***

Game OverTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon