Chapter 19- Date

10 0 0
                                    

Chapter 19- Date

(Neo's Pov)

"Pupunta tayo doon sa pinupuntahan natin dati." sabi ko at sinimulan ko na ang pagda-drive.

"Kahit saan, bilisan mo na lang. Hanggang 3pm lang ako." sabi niya at inirapan ako.

"Pinagpaalam na rin kita sa Dad mo. 12:30 am kita ihahatid sa inyo." sabi ko at mukhang nagulat siya sa sinabi ko kasi bigla siyang humarap sa akin.

"Seryoso ka ba, Neo? Hatinggabi ha? Baka hanapin ako ni Jai--"

"Please, kahit ngayon lang. Wag mo munang banggitin ang pangalan niya kahit ngayon lamang. Please, nagmamakaawa ako." sabi ko at nakatingin lamang ako sa daan. Baka maaksidente pa kami. Kaya dapat nakatuon lang ang tingin ko rito.

"At bakit? Bakit hindi ko siya babanggitin?" hamon niyag tanong.

"Because I hate him. Kumukulo ang dugo ko kapag naririnig ko pangalan niya at lalo na kapag nanggagaling sayo." sabi ko, meron pa akong di sinabi sa kanya. Next time na lamang.

"Bakit naman kumukulo?" tanong niya at narinig ko ang pag-ngisi niya.

"Please, ayoko ng pag-usapan pa. Ayokong mag-away tayo. Lalo na at may problema pa tayo." pagpapahinahon ko sa sarili ko.

Wala na akong narinig na salita o boses sa kanya, kaya tumahimik na lamang rin ako.

God, sana ma-enjoy ko ang day na ito. Chance ko na po ito eh. Please,make this day special for me.

***

(Kaila's Pov)

"Arcade games?!" gulat kong tanong, at tumawa siya saka ako inakbayan.

"Come on, Kaila. Namiss ko ito, namiss mo rin ito for sure. Tara, doon tayo sa basketball." sabi niya at hinila na ako papunta doon.

Enjoy ako sa ginagawa ko, kinalimutan ko muna yung mga sakit. Ieenjoy ko muna ito. Tama siya, wag ko munang isipin si Jaime. Isa lang siyang sagabal.

"T-Teka. Basketball. Di pa ako marunong niyan." sabi ko at bumitaw sa kanya, pero hinawakan niya ulit ako.

"Alam kong first time mo. Tuturuan kita, yun nga lang isang beses lang. Kaya makinig ka, kasi pagkatapos kitang turuan. Mayroon tayong deal." sabi niya at kinindatan ako.

Pero wala akong naramdaman kundi ang mapangiti na lamang at kabahan.
Nag-simula na siyang mag-basketball at habang nag-lalaro siya, sinasabi niya sa akin kung paano raw gagawin ko. Tanda ko yun, syempre. At saka nakatuon lang ang tingin ko sa kanya. May deal eh.

Hanggang sa makatapos siya, pawisan siya. Ang galing niya mag-shoot. Nakakainlove panoorin. Hayss....

"Oh? Ikaw na?" tanong niya sa akin, ngumiti ako at nag-thumbs up saka kinindatan din siya saka pumwesto na, pero pinigilan niya ako.

"Ang deal, kapag di ka naka 20 points diyan, magde-date tayo sa next Saturday. Pero kapag na-20 pataas mo yan, pwede mo akong utusan, tanungin, o kung ano man gusto mong gawin sa akin. Basta limang beses lamang." sabi niya sa akin.

Date sa Sabado kapag di ko ito naging 20 points?

Shet! Ano ba talagang gustong mangyari ng lalaking ito? Sana naman, hindi magkagulo lalo. Wag please, hindi ko pa natatanong yung tungkol sa babaeng kahalilan niya noong isang araw.

Nag-simula na akong mag-laro. Dapat ma-20 pataas ko ito, para matanong ko sa kanya ang lahat ng bagay na gumugulo sa aking isipan.
Pero mukhang di ako maka-concentrate ngayon. 12 points na, 10 points na lang, para 22. Pero ang tanong? Paano ka ba naman makaka-concentrate sa paglalaro kung yung taong mahal mo eh bigla na lang may yumakap dito na babae? Diba nakakairita?
10 seconds na lang, pero 16 points pa, mukhang matatalo na ako.

"Kaila!" awchu.... Di pa nag-shoot, sino ba ang bwiset na tumawag yun sa akin?

Napatingin ako doon sa tumawag sa akin, at yung kasamahan lang pala nung malanding babae. Argg!!! Naiinis ako!

"Paano ba yan, Kaila. Talo ka. Deal natin." sabi ni Neo at nakangiti siya ng abot tenga, habang naka-akbay pa sa babae.

"Ikaw na lang mag-isa!" sabi ko at iniwan siya doon, pero hinahabol niya ako.

"Kaila!" tawag niya habang habol-habol ako. Binilisan ko ang paglalakad ko at lumiko ako doon sa maraming tao.

Tumakbo pa ako. Hanggang sa makarating na ako sa isang lugar na kaunti na lamang ang tao. Pumunta ako sa pinaka-sulok at likod ng lugar na ito saka umupo doon.

Hingal na hingal na ako. Nakakapagod.
Biglang nag-vibrate phone ko kaya tiningnan ko ito.

Jaime:

Hey. Where are you? I'll fetch you on 8pm. Be ready. I love you, Kaila.

Di ko alam ang sasabihin ko o ano ang irereact ko. Basta naramdaman ko na lang, nakangiti na pala ako. Two timer ba ako? Nah... Hindi ako nagtu-teo timer, kasi alam naman ni Jaime na mahal ko si Neo.

Pero, Kaila. Nandiyan nga siya para tulungan ka. Parang ganun na rin yun. Binabalewala mo lan yung ginagawa nung tao.

I'm not. Hindi ko binabalewala yung tao. I love Neo, pero nasasaktan niya ako. I don't love him, pero napapasaya niya ako. Anong gagawin ko?

***

(Jaime's Pov)

"Kamusta na kayo ni Kaila?" tanong ni Ma nang makababa ako. Nakabihis na ako, 8pm na mamaya, baka naghihintay na siya.

"Ok lang." matipid kong sagot.

"Anong apelyido niya?" tanong niya pa.

"Hermandez." sagot ko at tumingin sa kanya. Nakita ko ang reaction niya na halatang nagulat sa sagot ko.

Why? May mali ba sa sinabi ko? Sinagot ko lang tanong niya.

"Alis na ako." sabi ko at lumabas na sa bahay, pagkalabas ko nakita ko si Dad na papasok pa lang.

"Saan ka pupunta?" tanong niya at tumigil sa paglalakad.

"Kay Kaila. May pupuntahan kami." sabi ko at nagpamulsa.

"Sa oras na ganito?" tanong niya kaya tumango na lamang ako bilang sagot. Bumuntong hininga naman siya.

"Ingat kayo. Jaime, yang puso mo." sabi niya at itinuro yung dibdib ko, napataas naman ang isa kong kilay.

"Wag mong hahayaang mahulog sa maling tao. Ayokong maranasan mo kung gaano kasakit ang iwan ka sa ere." sabi niya at tinap ako sa balikat.

"Hindi ako ang iiwan ni Kaila. Siya ang iiwan ko." pagpapalinaw ko at tinginan siya, ngumiti naman siya at ginulo buhok ko.

"Well, tandaan mo na lang yung sinabi ko sayo." sabi niya at nilampasan na ako at pumasok na siya sa bahay. Ako naman eh sumakay na sa kotse ko at pinaharurot na papunta sa bahay ni Kaila.

Sa kalagitnaan ng pagda-drive ko, nakita ko siya malapit sa tapat ng kanilang bahay. Itinigil ko ito at binaba ko yung salamin.

"Bat ka nandyan?" tanong ko pero siya nagkamot lang ng ulo at ngumiti ng pilit.
Napailing na lang ako.

"Pumasok ka na." sabi ko at binuksan ko yung pintuan, pumasok naman siya.

"Salamat." sabi niya at ngumiti. Tumango naman ako at tumingin ulit sa kanya.

"Dadalhin kita sa lugar na pinakamataas, kung saan kita ang buwan at yun tayong dalawa lang." sabi ko at nag-drive na ulit.

Sa kanya ko lang ito gagawin. I wanna be with her tonight. I wanna show how much I love her. But... All of these, are a lie.

This is my first time to break a girl's heart.
I hate doing this, but I need to do this.

***

Game OverTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon