Chapter 11- I saw them!

12 0 0
                                    

Chapter 11- I saw them!

(Jackie's Pov)

Hey! Kilala niyo pa siguro ako ano? ;)

Pasiit muna dito kahit sandali lang, mamaya niyo muna hanapin si Jaime.

"Kathryn, samahan mo ako pumunta kina Kurt." sabi ko kay Kathryn, nandito kasi ako sa bahay nila at kailangan ko ng kasama papunta kina Kurt. Ayaw kasi akong samahan ni James. Busy raw siya sa trabaho niya. Busy nga naman, ang hirap kasi ng trabaho niya. Ako eh paminsan-minsan lang ako pumapasok sa trabaho. Iisa lang naman kompanya ang pinag-tatrabahuhan namin ni James eh. Beside, amin din yon kompanyang iyon.

"Si James ang isama mo." sabi niya at kumuha ng gatas sa ref.

"Busy nga siya sa trabaho niya." sabi ko at nag-pout.

"Bakit ka kasi pupunta doon?!" irita niyang tanong tapos kumamot pa sa ulo niya.

"May itatanong ako kay Hazel." sabi ko at tiningnan siya ng seryoso.

"Tawagan mo na lang kaya." sabi niya at tinaasan ako ng isang kilay.

Wooo!!! Kunti na lang Jackie. Konting tiis na lang.

Tumayo na ako at kinuha ko bag ko. Saka tumingin sa kanya.

"Importante ito. Pero dahil wala ka naman alam, pwedeng wag ka ng sumama. Oo na pala, si Viathryn (anak niya). Bantayan mo, baka walang alam doon sa website na ginawa ni Hazel. Baka makakuha siya. Delikado." paalala ko sa kanya saka tuluyan ng umalis doon.

Sumakay ako sa kotse ko at iniuntog ko sarili ko sa manibela.

"Argg.. Bakit kasi di ko ma-contact si Hazel at Kurt. Nasaan na ba sila?! Pati si Russel (anak nila) , di ko ma-contact." sabi ko at inis-start na ang engine saka nag-simula ng mag-drive. Mabuti pang ako na lamang mag-isa ang pumunta sa kanila.

Sino ba kasing Kaila iyon? Bakit kasi laging wala si Jaime sa amin eh! Tapos hindi ko mahanap yung letter na ibinigay ni Hazel kay Jaime. Di ko mahanap sa kwarto ni Jaime. Kapag kasi di ko nalaman yun ng maaga. Mukhang magkakagulo pamilya namin. Di ko naman pwedeng isama si James. Mag-aaway kami. Hayss....

Lord, bakit hanggang ngayon pa rin?!

***
(Kaila's Pov)

"Kaila!" napalingon ako doon at nakita ko si Jessie na papalapit sa akin at niyakap ako agad ng makalapit.

Nandito kasi ako sa canteen, nagpapalipas ng galit at lungkot. Lowbat cellphone ko kaya di ko natext si Jessie.

"Grabe ka, best. Cannot be reach ka eh! Nag-aalala kami sa iyo!" sabi niya at umupo sa tapat ko, napataas naman ako ng isang kilay.

"Kayo?" paninigurado ko.

"Oo, kami ni Jaime. Hinahanap ka niya kanina eh. Hindi ko alam kung bakit?" sabi niya at ngumiti ng abot tenga.

Hinahanap ako ni Jaime? Ano na naman kaya kailangan ng lalaking iyon? Kailangan ko muna siya hindi makita ngayon. Kailangan ko munang mapag-isa eh.

"Ahh. Okay." tangi kong sabi at kumain na ulit ako.

"Ayiee!! Namimiss ka na ata ni Jaime eh. Grabe. Ito na! Level up na!" proud niyang sabi at kinilig ang loka.

"H-hinda ah! M-may kailangan lang yun!" pag-iintindi ko sa kanya at umiwas ng tingin.

"Ehem. Nagba-blush ang isa dyan..." parinig ni Jessie kaya napatingin agad ako sa kanya.

"Ako? Nagba-blush? Asa! Hindi ako nagba-blush. Maanghang lang itong kinakain ko." palusot ko. Pero seryoso? Ako nagba-blush. Tsk. Kalokohan!

"May maanghang ba na french fries?" pambabara niya kaya napatingin ako sa kinakain ko.

Ay tanga. French fries nga pala kinaain ko. May maanghang nga ba nito?

"Yung ketchup, maanghang." palusot ko ulit.

Parang totoo na nagba-blush nga ako. Mag-papalusot na nga lamang ako, sala pa. :3

"Mayonnaise yan. Walang maanghang na mayonnaise." sabi niya at inirapan ako.

"May ketchuo itong kasama diba? Kaya maang---"

"Magpapalusot ka na nga lamang sa bestfriend mo pa. Magpapalusot ka na nga lamang, sala pa? Nakss, best. Halata tuloy totoo na nag-blush ka." pang-aasar niya at ngumisi pa ito saka kinindatan ako. Napaface-palm na lamang ako.

"Hindi nga ako nagba-blush!" pilit ko pero siya umiling na lamang.

"Tsk. Best, nakakainis ka. Hayss... Ayaw mo kasing tanggapin na lamang. Ramdam ko ng malapit na." bigla na lamang sa dulo eh humina na boses niya kaya di ko narinig, di ko na lang pinansin at nagpatuloy sa pag-kain.

Hayss... Hindi naman kasi ako nagblush kanina eh. Ang kulit niya.

Napatingin ako sa bintana at bigla akong nagulat sa nakita ko. At ito na naman, kumirot na naman ang puso ko.

"J-Jessie. Ang sakit ng ulo ko. Uuwi muna ako." sabi ko kay Jessie at tumayo na.

"Paano?!" natataranta niyang tanong.

"Easy. Ako na bahala, pakisabi na lang kay Jaime kapag nakita mo. Masama lasa ko, kaya di muna ako makakapagpakita sa kanya." sabi ko at umalis agad doon saka pumunta sa likod na school.

Kalimitan, dito nadaan ang mga estudyantwng nagka-cut. Pangalawang beses ko na ito, at dahil na naman ito sa kanya. Iiyak na naman ako, pang-apat na beses na ito dahil na naman sa kanya.

Hindi ako nag-dalawang isip na tumawid sa bakod na ito at tuluyan tumakbo palayo sa school na iyon. Di ako uuwi, dahil baka malaman ni Dad na nag-cut ako. Una kasi nahuli niya ako. Pero ngayon, mag-iingat ako.

Sa park ako dumiretso doon sa lugar na maraming puno at konti lang tao, sa malilom ako pumwesto. Nang makaupo ako, tuluyan ng tumulo ang luha ko na kanina ko pang pinipigilan sa c.r. Ang sakit umibig. Ganito ba talaga kapag umiibig? Nasasaktan?

Ngayon ko mas naramdaman kung gaano kasakit ang umibig, dahil sa nakita ko kanina? Neo kissing another girl. Kita ko pa sa bintana ng room nila. Fvck. Napaka-PDA.

I hate you, Neo! Pero wala akong karapatan na mag-selos eh. Bwisit!

Bigla akong nakaramdam ng lamig sa paligid at hangin kaya napatingin ako sa paligid. Nakita ko ang lalaking ginagamit ko ngayon na nakatayo at nakatingin sa akin.

***

Game OverTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon