Chapter 41- Mom

6 0 0
                                    

Chapter 41- Mom

(Kaila's Pov)

Argg... Bat ang sakit ng ulo ko? Ano ba ang nangyari? Hindi ko maalala. Arg..

Minulat ko ang mata ko at nakita kong nasa aking kwarto na pala ako. Huh? Kasama ko lang kagabi si Xander ah?

Tumayo at ako lumabas sa kwarto at nakita ko si stepmom na nanonood ng t.v.

"Ma, asan si Dad?" tanong ko kay stepmom.

"May pinuntahan eh." sagot niya nang hindi lumilingon sa akin.

"Anong oras na po?" tanong ko rin.

"11:26." matipid niyang sagot. Nagulat naman ako.

"What?! May pasok pa ako! Late na ako? Este, absent na ako?!?!" taranta ko, kumirot naman yung aking ulo kaya napa-aw ako at natigilan. Shit, ang sakit ba ng ulo ko. :3

"Wag ka nang pumasok, magpahinga ka muna." sabi niya at nanibago ako sa sagot nia. Dati kapag sinasabi kong ganun, ang sinasabi niya. 'Obvious ba?' pero ngayon, bat hindi na siya mataray?

Gaya nga ng sabi ni Stepmom, magpahinga ko. Bumalik ako sa kwarto ko at humiga ulit, tiningnan ko ang cellphone ko at nag-online ako sa facebook at agad sinearch ang pangalan ni Jaime. Pero... Wala na, hindi ko ma-search. Hinanap ko naman sa contacts ko ang number niya at dinial ito. Cannot be reach naman. Sadya bang ganun dapat ang gawin niya? Ang hindi na magparamdam? Ang sakit naman nun, grabe.

***

(3rd Person's Pov)

'Nakaka-ilan na talaga ang lalaking iyon sa akin. Last day na nga lamang sila. Hindi pa nagawang ihatid sa amin. B*llshit. Parang makakasugod ako ng wala sa oras ah.' Sabi ni Ajay sa isipan niya.

Kasalukuyang si Ajay ay papunta sa bahay ni James at Jackie at saktong nakita niya na papalabas pa lamang ang kanilang anak na si Jaime.

Bumaba naman agad siya sa kotse ng mai-park ng maayos sa isang tabi at saka lumapit agad ito kay Jaime at sinuntok agad. Nagulat naman si Jaime at napahawak siya sa ilong niya na dumudugo naman.

"Ganti dahil sinaktan mo si Kaila. Last day na nga hindi mo pa nagawang ihatid sa bahay? Tanga o nagtatanga-tangahan?" singhal ni Ajay kay Jaime na si Jaime ay cool pa rin at nakahawak lamang sa ilong niya.

"Tangnang gago ka! Ayaw mong magsalita!" sabi pa ni Ajay at sinuntok na naman si Jaime at hinawakan niya ito sa kwelyo.

"Kasama yun sa trabaho ko." sabi ni Jaime habang nakakunot ang noo.

"Eh tanga ka pala eh. Bakit hindi mo man lang inihatid pauwi?! ha?!" singhal ulit ni Ajay at akmanh susuntukin na sana kaso may sumuntok rito kay Ajay kaya nabitawan niya si Jaime.

"Wag mong saktan ang anak ko." banta ni James. Ngumisi naman si Ajay at tumingin kay James.

"Hindi pa tayo tapos." sabi ni Ajay at saka tumalikod at sumakay sa kotse niya at umalis na. Agad naman tiningnan ni James si Jaime.

"Fvck. Ano bang nangyari?!" inis na tanong ni James kay Jaime na may dugo sa ilong at pasa ang pisngi.

***

(Jaime's Pov)

Fvck. Nasira ang mukha ko, dahil lang sa lalaking iyon. Wow! Alam pala ng lalaking iyon ang bahay namin? Tsk.

"Jam." tawag ni Ma pero di ko siya pinansin.

"Jam." tawag niya ulit kaya nag-side view ako ng higa para hindi siya makita.

Nasa kwarto kasi ako at pinapahidan ng yelo itong mukha ko.

Narinig ko naman ang pagbuntong hininga niya kaya napapikit na lang ako.

"Bakit ba hindi mo hinatid si Kaila pauwi?" tanong ni Ma kaya napakunot ang noo ko.
Kakampi ba siya sa lalaking iyon? Takte, bakit ba kasi mahalaga pa yun? Sa tiningin nila maibabalik ko pa yung oras? May magbabago ba? Tsk.

"Jam." tawag ulit niya kaya bumangon ako at humarap sa kanya.

"Ayoko kasing makita siya na umiiyak sa harapan ko at nagmamakaawa na bumalik ako sa kanya." sabi ko at inikot ko ang mata ko.

"Hindi naman siya iiyak kung hindi mo siiya iniwan ng ganun ganun na lamang. Babae siya, Jam." sabi niya at tinitigan ako.

"Argg... Tapos na ang nangyari?! Okay?! Hindi na maibabalik pa. Bakit ba napaka-big deal sa inyo?! Buti pa si Dad naintindihan ako!! Bakit kakampi ka pa sa lalaking iyon?! Ano bang meron kayo ha?!" sunud-sunod kong tanong na ikinagulat niya, pati ako nagulat sa mga nasabi ko at natanong. Fvck, ayokong masaktan si Ma.

"Ma... Hindi ko sinasadyang banggi--"

"It's okay." sabi niya at saka ngumiti at alam kong sa ngiti na iyon ay nasaktan ko siya, kitang-kita ko sa mata niya. Lumabas siya at iniwan ako rito sa kwarto.

Naibato ko na lang sa sahig yung yelo.

"Fvck." ayan ang nasabi ko at ginulo ko ang buhok ko.

Bigla naman nakita kong sumilip si Dad sa kwarto ko at umalis na rin.

Agad naman akong tumayo at nag-jacket na may hood saka umalis sa bahay na iyon. Ayoko munang makita sila. Ayokong makita ko na ang sarili kong ina ay sinaktan ko.

Naglakad lang ako papunta sa bahay ni John at naalala ko, wala na nga pala siya rito dahil lumipat na siya ng bahay at para makasama niya yung fiancee niya.

Wala naman akong nagawa kundi ang pumunta na lamang sa beach yung favorite place ko.

Pumunta ako doon sa tambayan ko at may nakaupo ritong babae.

Lumapit ako at kakausapin ko na sana siya para paalisin kaso naunahan niya ako.

"Hello Jaime." sabi niya na ikinataas ng maa balahibo ko at humarap siya and damn, it's Sacha.

"Sacha. How many times do I have to tell you. Layuan mo na ako." sabi ko at napahawak sa noo.

"No, Jaime. Bakit kita lalayuan? Mahal kita. At ngayon, wala na kayo ni Kaila. Pwede na siguro akong lumapit sayo?" sabi niya at ngumiti.

"Sacha... Argg... Hindi nga kita mahal. Hindi, hindi, hindi. Please. Intindihin mo naman yun, ang sakit na sa ulo eh. At kung paano mo man nalaman yung tungkol sa amin ni Kaila. Just please, tama na." pagpapaumanhin ko at tinitigan siya.

"Jaime. Bakit kasi hindi mo ako magawang mahalin?!" sigaw niya at tumayo.

"Kasi ayaw ko sayo. Okay? Ayaw ko sayo. Maghanap ka na lang ng iba, wag ako. Wag mong ipilit ang sarili mo sa akin. Lalo kang masasaktan eh."

"Jaime naman, ang hirap." sabi niya.

"Ibalik mo muna yung dating Sacha. Yung Sacha na nakilala ko, Sacha na mabait. Hindi yang ganyan. Gusto ko yung dati. At sa pagbabago mo, maraming magbabago. Takot lamang sila sayo, Sacha. Takot sila dahil sa ugali mong pinapakita. Pero sa tingin ko. May nagmamahal pa rin sa iyo kahit ganyan ka, yung tanggap ka. Wag kang magpakabulag sa pag-ibig. Wag mong isiksik ang sarili mo sa akin. Magbago ka para sa ikabubuti mo." sabi ko at tumalikod na saka umalis na doon.

Saan bang lugar na pwedeng ako lamang mag-isa?

***

Game OverTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon