Chapter 9- Friendzone

10 0 0
                                    

Chapter 9- Friendzone

(Jaime's Pov)

"Jaime, pwede bang isang buwan na lamang tayong mag-sama. Makakaya ko naman sa isang buwan eh." pagbabasag ni Kaila sa katahimikan habang ako'y nagda-drive.

"Okay." sabi ko at tinutok ko na lamang ang atensyon ko sa pagda-drive.

Isang buwan? YES! Mapapadali itong gagawin ko.

Nang makarating na kami sa bahay niya eg pinagbuksan ko siya ng pinto at saka siya bumaba.

"Do you have a phone?" tanong ko sa kanya nang makatapat na kami sa gate nila.

Hindi siya sumagot kundi may kinuha siya sa bulsa niya at ibinigay sa akin.

Pumunta ako sa contacts niya at inadd ko yung phone number ko. Tapos tinext ko ang sarili kong number para makuha ko number niya. Buti may load siya.

"Here." sabi ko at isinauli ko na sa kanya.

"Salamat, Jaime." sabi niya at niyakap ako bigla. Nagulat ako sa ginawa niya, ewan ko kung anong nakain nito pero hinayaan ko na lang siya.

"Kumain ka ng dinner at matulog ka na." sabi ko at inihiwalay ko na siya sa akin.

"Goodnight." sabi niya pero di ko na lang ito pinansin at pumasok na ulit sa loob ng kotse at saka nag-drive na.

Ganun ba talaga yung babaeng iyon? Ang tahimik, akala ko madaldal, noong una lang pala. Pareho sila ng kaibigan niya, tahimik. Tahimik nga ba? Kasi noong isang araw yung bago palang ako pumunta sa kanilang table yung break time, nag-uusap yung dalawa eh. Pero yung lumapit ako, tumahimik na.

Ganun ba talaga mga babae?

Kinuha ko yung cellphone ko at tinext ko siya.

***
(Kaila's Pov)

"OMG, Jessie! Di ako makapaniwala, nilagay niya yung number niya dito sa phone ko!!" sabi ko at pinakita ko sa kanya yung contacts ko.

"Sus! Sign ng love na yan, kinikilig ka na. Ang daldal mo, kanina mo pa yan sinasabi. Puro siya ang nalabas sa bunganga mo!" pang-aasar niya sa akin at nakangiti pa ang loka.

"Alangan naman na iba." sabi ko at inirapan siya.

"Si Neo naman. Dati lagi si Neo eh." utos niya at nag-pout. Bigla naman may lumabas na usok sa mga tenga ko. De joke lang, imagination ko lang yun. XD

"Tsk. Di na nga yun nagtetext, natawag, nagchachat eh simula nung nalaman niya na may boyfriend na ako." sabi ko at nag-pout.

"Nako... I know that face ha. Alam kong namimiss mo na siya." sabi niya at tinuro pa ang mukha ko.

"I miss him na." sabi ko at nagpatuloy sa pag-pout.

"Hahaha! Ganyan talaga sa una, best. Kapag iniiwasan mo ang isang taong mahalaga sayo, di mo maiiwasan na mamiss siya. Pero don't worry, sa una lang yan. Darating ang panahon, di mo na siya mamimiss, at ang taong mamimiss mo naman ay yung pinag-lalaanan mo ng oras ngayon." sabi niya at kinindatan pa ako.

Narito kami sa school, sa may garden. Kahit naman public school ito, may garden pa rin ano! Sus. Wala eh, vacant class kami. At pinapayagan kaming lumabas kahit vacant class. Kaya hindi boring ang life rito sa school na ito. :)

"Oopss! Speaking of!!!" nagulat ako dahil biglanh sumigaw si Jessir kaya tumingin ako sa kanya at nakatingin siya sa ibang direksyon, kaya tiningnan ko din yung tinitingnan niya. At nakita ko si....

"Jessie. Pwede ko bang makausap si Kaila?" pagpapaalam niya kay Jessie, tumingin ako kay Jessie na nakangiti na abot tenga tapos tumatango pa.

"Sige. Maiwan ko muna kayo." sabi ni Jessie at iniwan na ako ritong mag-isa este iniwan kaming dalawa rito.

Tumabi naman siya sa akin pero lumayo ako ng kaunti, narinig ko naman ang pagbuntong hininga niya.

"Look, Kaila. Sorry doon sa nasabi ko last na nagkita tayo." panimula niya pero tiningnan ko lang siya.

"Sorry kasi nanibago ako, parang nagbago bigla yung atmosphere eh. Iniiwasan mo ba ako? May nagawa ba akong mali o nasaktan kita bukod doon sa huli natin pagkita?" sunud-sunod na tanong niya at tiningnan ko siya sa mata. Di ko malaman kung ano ang emosyon niya, halo-halo eh.

Nasaktan mo ako at lahat ng ginawa mong pagpapasaya sa akin ay mali para sa akin, kasi di dapat ako masasaktan kung hindi mo to ginagawa.

Gusto ko sana sabihin yun, kaso nahihiya ako, ayoko siyang masaktan.

"Tanga ka pala eh, Kaila. Kita mong nasasaktan ka na, todo protekta ka pa rin sa kanya. Tsk."

Shit! Bakit kasi ang isip nakakapag-salita minsan kahit walang bibig!

"Wala lang. Busy lang kasi ako." sabi ko at umiwas ng tingin.

"Dati rati naman, tuwing busy ka. May time ka pa rin sa akin." sabi niya.

"E-Ehh... Y-you know, baka m-mag-selos yung b-boyfriend ko. Kaya dapat iwasan na kita, lalaki ka eh." lord, sorry po kung nag-sinungaling na naman po ako. Need ko lang po, patawad lord!!! T.T

"Hindi ba naiitindihan ng boyfriend mo na mag-kaibigan lang tayo?" nakaramdam ako bigla ng kurot na naman sa puso ko.

Mag-kaibigan lang? Talagang 'lang' ha??

Di ako umimik, dahil parang anytime, masasaktan ko siya kapag may nasabi akong mali.

Tumingin ako sa relo ko, at buti naman time na.

"Time na, baka may klase na kami. Babalik na ako." sabi ko at kinuha yung bag saka iniwan na siya doon. Kaibigan lang pala? Ang sakit.

Nalaman kong hindi ito ang daan na papunta sa room ko, daan ito papunta sa c.r.

***

Game OverTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon