Chapter 42- Like a Wind

2 0 0
                                    

Chapter 42- Like a Wind

(Kaila's Pov)

Friday na at kami ay nag-iimpake na ng mga gamit namin para bukas sa reunion. Ewan ko kung sino sino ang kasama doon sa reunion? Ayaw kasi sabihin ni Dad eh. Tapos si Stepmom umalis na. Doon daw siya matutulog sa Daddy niya para bukas raw ng death anniversary ng Mom niya ay nandoon na siya, kasama rin niya si Baby Keira. Kaya kami na lamang ni dad rito. Gabi na rin naman eh.. Hmm...

Alam na ni Neo ang katotohanan na laro lamang yung meron kami ni Jaime. Si Jessie naman, yun masaya siya dahil may nanliligaw sa kanya at crush pa niya, at kilala ko pa, si Xander siya. Pero malungkot din siya dahil sa akin, dahil nakikita niya akong laging walang gana.. Hindi na daw kasi ako natawa eh.

Paano ako ngingiti o tatawa kung ang happiness ko ay nawala na at iniwan ako? Paano yun?

Damn, miss na miss ko na siya, apat na araw ko na siyang hindi nakikita at nakakausap. Pero thanks pa rin kay Neo dahil nandyan siya para pasayahin ako. Napapasaya naman niya ako kahit papaano. Kaya nagpapasalamat din ako sa kanya.

Naging tahimik naman yung buhay ko simuka noong nawala kami ni Jaime. Yung tipong sa tuwing papasok ako sa school, wala ng mga mata na nakatitig sa akin na halos patayin na ako sa isip nila, at dahil iyon kay Jaime.

Pero napansin ko, kahit napakatahimik at hindi na magulo ang buhay ko. Bakit parang hindi na siya adventure? Hay... Nakakalungkot isipin yun.

Tapos si Dad? Si Dad galit na galit kay Jaime. Buti nga eh hindi niya sinusugod, baka magka-gulo pa ang buhay namin. Sa bagay, di naman namin alam ang bahay ni Jaime kaya hindi niya masusugod. At kung alam man niya, sana hindi niya sugurin.

"Kaila. Kapag nandoon na tayo, sa akin ka lang sasama." bilin ni Dad, umo-o naman ako na may kasamang pag-tango.

Hayss, napansin ko rin na masyadong naging mahigpit si Dad sa akin. Pero intindi ko naman yun, ayaw niya lang akong masaktan.

Pagkatapos kong nag-impake ay humarap ako sa salamin at ngumiti.

New hairstyle at color na nga pala ako, ginawa kong lightbrown yung dulo ng mga buhok ko at pinakulot ko rin yung dulo din nito, i forgot, pinabawasan ko rin.

Wala lang, blooming nga raw ako sabi ng mga kaklase ko, inlove daw kay Jaime. Haha, gusto ko ngang sabihin sa kanila, blooming ako dahil nakamove-on na ako. Pero yung totoo, magmo-move on pa lang. Hindi naman ako pwedeng umasa na makipag-balikan sa kanya dahil una pa lang, di naman talaga ako gusto niya. Trabaho nga lamang diba ang tingin niya sa akin?

Napabuntong hininga ako at saka lumabas na ng kwarto at nakita ko si Dad na nilalabas naniya ang mga gamit niya. Bumalik ulit naman ako sa kwarto para kuning yung bagahe ko at ibinaba ito saka inilabas na rinm matapos kaming mag-ayos ng mga daldalhin, ay pumasok na kami sa kotse. Ni-lock na naman ni Dad yung pintuan at gate namin saka umalis na kami.

"Dad, malayo ba yun?" tanong ko habang nagda-drive si Dad, tumango na lamang siya bilang sagot sa aking tanong.

"Mga anong oras tayo makakapunta doon?" tanong ko kay Dad.

"Mga madaling araw." sabi naman niya kaya tumahimik na lang ako at sinandal ang ulo sa bintana na saka ipinikit ang mata para matulog. Pero bago ako tuluyan na matulog, ay nakita ko muna ang mukha ng aking minamahal na si Jaime. I miss you, Jaime Young.

***

Kinabukasan....

Ang ganda naman ng place na ito.

"Anong place ito, Dad?" tanong ko kay Dad na binababa niya ang aming maleta.

"Ewan. Sabi nila, may swimming pool raw yan, tapos may beach din daw, may bar, hotel, and etc." sagot ni Dad, tumango na lang ako at kinuha yung aking gamit.

"Una na ako Dad?" pagpapaalam ko sa kanya, umu-o naman siya kaya pumasok na ako, nakita ko naman na may 4 na mag-asawa.
Sila kaya yun?

Naramdaman ko naman na si Dad ay nasa tabi ko na.

"Sila yun, tara na." sabi ni Dad at naglakad na, naglakad na rin naman ako.

"Oh ayan na pala eh." rinig kong sabi nung isang lalaki at tumayo ito saka ngumiti kay Dad.

"Long time no see, Ajay." sabi niya at naglahad ng isang kamay para makipagshake hands.

"Musta, bro?" pacool na sabi ni Dad at nakipagshake hands din.

"Tara na?" anyaya naman nung isang babae at yumakap ito doon sa braso nung lalaking kausapin ni Dad.

Tumango naman yung iba.

"So... Kathryn and Vince, ang room niyo ay number 5. Kurt at Hazel, ang room niyo ay number 6. Ang kay Jackie at James ay room 7. Inyo Ajay, katapat ng room 7, which is yung room 8. At amin ay room 9 katapat ng room nina Kurt at Hazel. Gets?" sabi nung babae. Tumango naman sila. Ako naman inikot ko lang ang mata ko sa paligid.

"Russel, tara na. Mamaya na yung pag-sesearch mo." sabi nung babae at tinawag niya yung lalaking nagce-cellphone nga.

"Okay. Via, mamaya na lang natin hanapin." sabi nung Russel na ikinagulat ko at ikinalingon ko.

"Via?" tanong ko rin naman at napatingin siya sa akin.

"Hi, Kaila. Ikaw pala yun. Di kita nakilala, new hair." sabi niya at kumaway sa akin habang nakangiti at sumama naman ito doon sa magulang niya.

"Dad. Mga kaibigan mo ba yun?" tanong ko kay Dad, tumango naman siya.

So magkakakilala din pala kami? Ayos, may makakausap ako rito.

"Tara na." sabi ni Dad at naglakad na rin.
Napatingin naman ako doon sa dalawang babae at lalaki na may kasamang dalawang binata at isang dalaga.

"Haha. Ang cute, kambal yan? So ito si Tan, at ito si Tin?" tanong nung babae at tinuro yung isang binata at isang dalaga, tumango naman yung babaeng nag-sabi sa amin kanina ng kung anong number ang room namin.

Napatingin naman ako doon sa lalaking tahimik. Bakit parang familiar yung likod niya? Nakatalikod kasi siya. Hayss, at kausap niya yung Dad niya ata?

Humarap siya bigla kaya nakilala ko siya. Damn, si Jaime?!?! B-bakit siya nandito?

Nagkatitigan kami sandali at siya ang umiwas agad sa tingin ko at naglakad ito papunta sa akin. Akala ko kakausapin niya ako, pero dadaanan lang pala ako na parang hangin lamang ako rito.

Akala ko lang pala yun, marami talagang namamatay sa maling akala.

So ibig sabihin... Kaibigan ni Dad at magulang ni Jaime? Oh shet.

***

Game OverTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon