Chapter 24- Tsk

5 0 0
                                    

Chapter 24- Tsk

A/N: Bilisan natin, ha? Hihi. >:)

(Kaila's Pov)

Dalawang araw na ang nakakalipas, hindi ko pa rin siya nakikita o nakakausap. Nasaan na ba yun?

Nasaan na siya? Bakit di ako makatulog ng gabi kapag di ko siya nakikita? Nasanay na ba ako? Miss ko na siya. Miss ko na ang sweet kong TOY. Nasaan na ba siya?

"Hoy, kanina ka pang tingin ng tingin sa cellphone mo! Anong meron?" sabi ni Jessie na nagpabalik sa akin sa reality. Binigyan ko lang siya ng isang malungkot ng mukha.

"Hmm.. Namimiss mo na naman siya? Malay mo busy siya!" sabi niya at ngumiti.
Isang araw niya lang sinabi sa akin na mawawala siya, pero bakit pangalawang araw na ito?

"Ehh!! Nag-tetext pa rin yun sa akin eh." sabi ko at nag-pout saka isinubsob ang mukha sa lamesa.

"Hayaan mo muna siya. Ehem, nagiging tunay na pag-ibig na ata. Hayaan mo muna, nandyan naman si Neo eh. Siya muna kapalit." sabi niya at tinaas-baba niya ang kanyang kilay.

Si Neo? Tsk. Sunod pa rin ng sunod sa akin! Di pa rin natigil. Kakaani eh! Kung kailan kasi wala si Jaime saka siya wala! Tsk. Nakakainis! Di man lang niya ako tinatawagan o tinetext mo minemessage sa fb. Nag-aalala na ako.

"Best. Pagpalipas mo muna yan. Tara, gala muna tayo, tutal. Labasan na eh." sabi niya at hinila na ako. Nagpahila na lamang ako. Lutang pa rin ang isip ko! Lumilipad pa rin! Si Jaime pa rin ang iniisip! Baka naman iniwan na niya ako?

"Jessie! Pwede bang sa apartment ni Jaime tayo pumunta?" pagpapaalam ko kay Jessie, pero umiling siya bilang sagot, nag-pout naman ako at pumadyak ng isang beses na oara banng nag-tampo.

"Tingnan mo kaya fb niya, baka may balita." sabi niya at inirapan ako.

Sinunod ko naman siya kasi parang may kutob ako na may nangyaring masama sa kanya.
Pagkatingin ko sa profile niya sa fb, iba ang nakita ko.

Isang picture na babae kasama siya.

I miss you, Jam. Ingat ka palagi, babe. :*

Ayan yung status na nakalagay sa picture.

"Jessie. Tinusok mo ba ako ng krayom sa dibdib ko?" tanong ko kay Jessie habang nakatingin sa cellphone.

Binatukan niya naman ako.

"Stupid. Bakit ko yun gagawin? Ano na bang balita?!" irita niyang tanong at tumingin sa akin.

"Ah. Walang bago eh. Hindi kasi siya malimit na nagpo-post. Pati yung chat conversation namin. 3 days active now ang nakalagay." sabi ko at nag-pout. Inakbayan naman niya ako.

"Come on. Hayaan mo muna siya. Ngayon ka nga lang ulit naging free eh. Minsan lang may pagkakataon, enjoy muna kahit man lang ngayon." sabi niya at kinindatan ako. Napabuntong hininga na lamang ako ng malakas saka nag-pout.

I really miss you na, Jaime. Please, text me.

***

(Jaime's Pov)

"Jaime!! Kyaa!!! Buti ok ka lang." sabi ni Sacha ng makapasok sa room ko at niyakap ako pero umiwas ako. Mahigpit itong yumakap. :3

Lalabas na nga pala ako rito bukas. Sa wakas. Makakalabas na rin ako. Tsk. Humanda lamang yung gumawa sa akin nito.

"Ahh.. Sacha. I can't breathe." sabi ko dahik sobrang higpit na talaga ng yakap niya.

"Oopss! Sorry. Sobrang namiss lang talaga kita!!! Wahh!!!" sabi niya at kumalas na sa akin. Hinabol ko naman yun hinga ko. Umupo siiya at ngumiti sa akin. Inikot ko lamang ang mata ko at saka tumingin sa cellphone ko. Nag-vibrate na naman kasi. At siya na naman. Nag-text na naman siya.

Kaila:

Jaime? Kamusta ka na? Asan na u? Miss na kita eh. Sabi mo isang araw ka lang mawawala! :(

TSK. Girls will be girls. Mga babae nga naman. Tawag din siya ng tawag pero di ko sinasagot. Wala ako sa mood na kausapin siya. Why?

*Flashback*

"Jaime!" bungad sa akin ng isang babaeng pumasok sa room ko. Hindi ko siya kilala, pero familiar mukha niya.

"Who are you?!" masungit kong tanong at tiningnan siya ng masama.

"Friend ni Kaila. Hihi. My bad news ako sayo." sabi niya at umupo sa upuan saka nag-pout. Tinaas ko lamang aking kilay.

"About Kaila." sabi niya at umiwas ng tingin. Nagbago naman agad ekspresyon ko ng marinig ko ang pangalan niya. Tumingin ako sa kanya ng seryoso.

"What is it?" at tinanong ito.

"Alam kong wala akong karapatan na sabihin ito. Pero ayoko kitang masaktan. Niloloko ka ni Kaila. Nakita ko siya, kasama niya si Neo sa canteen. Nag-uusap sila and they are happy." sabi niya at lumapit sa akin saka may inaabot na isang envelope. Kinuha ko ito at binuksan at nakita ko ang dalawang imahe.

Ang isa eh, masaya silang nag-uusap habang nakain.

Pangalawa, pinupunasan ni Neo si Kaila sa labi.
At sila nga ito. Silang-sila. Tsk.
Nakaramdam ako ng inis. Naiinis ako dahil bakit kinuha-kuha pa niya ako kung binabalewala niya lamang rin? Fvck!

"Ok." sabi ko sa babaeng kaharao ko at isinauli yung envelope.

Tumingin ako sa ibang direksyon, o kaya sa bintana na katabi lamang ng kama ko.

"You may leave now." sabi ko sa babae at nakaramdam ako ng pag-alis na niya.

*End of Flashback*

Ayan ang dahilan kaya di ako nag-rereply sa kanya. Tsk. Promise is a promise pero bakit pinapako niya lamang?

Tsk. Fvck! Bahaka siya sa buhay niya.

***

(Neo's Pov)

Mukhang tatlong araw ng wala si Jaime. Tatlong araw ko na rin nakakasama si Kaila, kaso kapag break time lamang. :(

Aish. Sana mawala na si Jaime sa buhay namin ni Kaila. Para bumalik na kami sa dati.

Miss ko na talaga yung dating kami eh. Pero walang nabuo na kami kasi napakatorpe ko.

Kung kailan lamang nagkakaroon ng lakas ng loob, kung kailan wala na siya sa akin. Tsk.
Wrong timing bro? SHIT.

***

Game OverTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon