Chapter 46- I don't care

6 0 0
                                    

Chapter 46- I don't care

(Jaime's Pov)

1 week passed...

"Okay, pwede bang tapusin niyo na lang ito?" tanong ko kina Mom, Dad and Tito Ajay.

"Jaime, nage-explain pa siya eh." sabi ni Mom, napabuntong hininga naman ako.

"Mom, magbabati rin naman kayo sa huli eh. Tapusin niyo na, besides, anong magagawa namin ni Dad? Nangyari na ang nangyari. Past is past. Hindi na mababago, unless magsimula ng panibago." sabi ko kay Mom at siya naman ang bumuntong hininga saka pumayag na rin.

"Fine, ayoko ng may gulo. Patahimikin na natin ang ating mundo. Ayos na tayong lahat." sabi ni Mom at tiningnan si Dad at Tito Ajay, si Dad naman ay tumango-tango, tapos si Tito Ajay naman ngumiti.

"Okay, thanks." sabi ni Tito Ajay kay Mom at sa akin.

"At sorry." dagdag pa niya pero kay Dad naman sinabi.

Tumayo ako at nagpamulsa saka humarap sa kanila.

"May pupuntahan lang ako sandali, excuse me." sabi ko at saka umalis na doon nang hindi hininhintay ang sagot nila.

Pumunta ako sa lugar kung saan nagpa-iwan si Kaila kay Tito Ajay, malapit lang naman siya kina Mom eh. Nagpa-iwan siya dahil siguro iniiwasan na niya ako. I don't know, pero feeling ko iniiwasan niya ako. Wala naman akong magagawa. Nang makita ko siya ay agad kong tinawag ang pangalan niya at lumapit sa kanya, lumingon naman siya at ngumiti sa akin.

"Ikaw pala, Jaime. Bat ka nandito? Papunta na ba sil--"

Hindi ko siya pinatapos mag-salita, niyakap ko kaagad siya ng mahigpit. Kumalas din naman ako agad at iniharap ko siya sa akin.

"I miss you." sabi ko sa kanya at tiningnan siya sa mata.

"Jaime, wala na tayo diba?" sabi nito at tumawa-tawa pa.

"Yes, I know. Pero pwede pa rin naman siguro kitang mamiss diba?"

Tumawa ulit siya at hinampas ako ng mahina sa braso.

"Oo naman noh! Hahaha." sabi niya habang natawa. May tumawag naman sa kanya at lumingon din ito doon, at nakita ko ang isang lalaki na may dalang dalawang tubig.

"Kent! Tagal mo ah." sabi niya at humarap ito doon at kinuha niya yung tubig na dala nung lalaki.

"Anyway, Jaime. Pinsan ko." sabi ni Kaila at ngumiti ito, ngumiti din naman ako doon sa Kent na yun.

Pinsan lang pala eh. Bakit ako maiinis?
Hinila ko si Kaila at lumayo kami ng konti kay Kent at kinausap ko si Kaila.

"Kaila, pwede bang mag-sorry. Pwede ko bang bawiin ang mga nasabi ko noon na masasakit? Pwede bang ibalik natin ang meron tayo noon?" sunud-sunod kong tanong. Nagulat naman siya sa mga tanong ko.

"Ikaw na mismong nagsabi na laro lang yun. At walang permanente yun." sabi niya habang nakangiti.

"Wala naman kasi talagang permanente sa mundo, at mas lalong walang permanente yung ating larong relasyon na iyon. Ibig kong sabihin, kung pwedeng ibalik natin ang meron tayo noom pero wala ng halong laro. Gusto na kitang bigyan ng makakasama mo ng permanente pang-habang buhay, at ako yun." diretsahan kong sabi, at gulat na gulat siya.

"Jaime? Naka-drugs ka ba?" natatawang tanong niya.

"Yeah, at ikaw ang drugs ko." sabi ko at piningot ko ilong niya. Kahit gay yung sinabi ko, hindi ko napigilan ang sarili ko. Siguro kapag inlove talaga ganito ang mangyayari.

"Balik tayo, please. Pwede ba akong maging kapermanente mo habang buhay?" tanong ko at niluhod ko isa kong tuhod at hinawakan ko kamay niya.

This is not cool, pero lalaki ako, kaya walang magagawa. Bakit malimit ata akon magtagalog?

"Jaime. Ano bang ginaga--"

"Hindi ako nakabili ng roses or whatever, dahil wrong timing. Pero, ayoko nang patagalin pa. I need to know your answer, yes or no?" pagpuputol ko sa kanya at tahimik lamang siya. Hindi ko mabasa rin ang kanyang emosyon.

"Jaime. Okay lang ba sayo yan? Diba yung dad ko ex ng mom mo, paano yun? Baka magkaroon na naman ng gulo." natatakot niyang pagkakasabi.

"I don't care kung ex ni Mom yung Dad mo, basta ba hindi na magiging sila at okay na sila ni Dad at ni Mom. At saka kung mag-ex man sila. Tayo ang tutuloy nun. Medyo nakakalito pero wala akong pakialam." sabi ko sa kanya. Pati ako medyo naguguluhann. Tama kaya ito?

"Jaime. Wala naman akong ibang masasabi eh. Ang hirap pigilan. Syempre, alam mo na sagot doon." sabi niya habang nakangiti.

Napangiti din naman ako. God, bakit sa dinami-daming babae na nakilala ko at nakakakilala sa akin, bakit siya? But thank you, God. Arg...

Ngayon ko lang narealize. Mahal ko na pala talaga siya.

Damn, bakit parang ayoko na gusto ko siya? Fvck. This is bad.

***

Game OverTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon