Chapter 35- Revenge

14 0 0
                                    

Chapter 35- Revenge

(Sacha's Pov)

Yumakap ako sa braso ni Jaime habang papunta kami sa cashier. O-order kami eh.
Dapat kanina pa kami naka-order, umekstra kasi yung bitch na KAILA na iyon pati yung kasama niyang lalaki. Duh!!

Hinsi ba yun nakita ni Jaime? May kasamang iba yung Kaila niya, tapos sa kanya, kalma lang siya? Hahaha. Mukhang alam ko na, mukhang mas gusto talaga ako ni Jaime. Sadyang pinipigilan niya lamang.

"Jaime, gusto ko mamayang 5:30 doon tayo sa beach, gusto kong mapanood yung araw na pababa with you. Gusto ko yun." sabi ko kay Jaime habang umoorder siya. Hindi siya lumilingon sa akin pero sumagot siya bilang tango.

Hmm... Maybe ito ang last day na makikita ko si Jaime at makakasama. Pero hindi ito ang last day ng panggugulo ko. Manggugulo pa rin ako. Pero hindi lang kay Jaime, sa lahat ng ka-relatives ni Jaime at Kaila. I'm so sorry, Jaime. Because what I want, what I get. Because I am Sacha the maldita. >:)

***

(Jaime's Pov)

"Ang ganda ng sunset ano?" tanong ni Sacha habang nakatingin sa araw na pababa.

Tumango lamang ako at pinikit ko ang mata ko. I'm tired. Ang dami ko pang aasikasuhin. Ang family, school, and si Kaila. I need to finish my work. I realized, noong sumali ako sa website, gumulo ang buhay ko, dumami ang problema ko. At napapalabas tuloy ako sa bahay na dapat nasa kwarto lang talaga ako.

"Jaime." rinig kong tawag ni Sacha kaya napamulat ako at lumingon sa kanya.

"What?" tanong ko at tinaasan siya ng isang kilay.

"Nothint. I just want you to know that I Love You no matter what." sabi niya at ngumiti. Tumingin ako sa orasan ko and it's already 6pm. Thanks God. Makakauwi na ako.

"6 pm na. Ihahatid na kita pauwi." sabi ko at tumayo, tumayo rin naman siya at nagsimula na kaming mag-lakad.

"Uhm.. Can I have a favor?" tanong niya habang naglalakad kami.

"What?" tanong ko ulit at nagpamulsa ako.

"Can I hold your hand?" tanong niya at napatigil siya sa paglalakad. Napaikot na lamang ako ng mata at inilabas ko ang kamay kong isa at hinawakan naman niya yun.

Now we're walking while she's holding my hand.

Argg... God. Please, tapusin niyo na ang araw na ito.

***

(Ajay's Pov)

Remember me guys?

Aish... Bakit wala pa yung babaeng iyon?!
10 pm na, wala pa rin siya. Nasaan na ba iyon? Hindi man lang nagtetext, hindi ko rin macontact?

Malalagot talaga yung babaeng iyon sa akin eh. Lalo na yung dahilan ng pagkalate niya sa pag-uwi.

Habang naghihintay ako rito sa sala, biglang may nag-doorbell kaya agad akong pumunta at binuksan ang pintuan, at nakita ko si Neo na inaalalayan si Kaila na lasing.

"Anong nangyari?!" tanong ko at tinulungan ko si Neo na alalayan si Kaila. Pinasok namin siya at inihiga sa sofa.

"Tito, sorry po. Hindi ko po siya mapigilan." sabi ni Neo at tumingin kay Kaila.

Hindi pa ito nag-iinom. Ngayon pa lang ito uminom ng alak.

"Anong nangyari?" tanong ko ulit at tiningnan siya ng seryoso.

"Uhmm.... Yung boyfriend po kasi niya, nakita niyang may kasamang iba." sabi ni Neo at umupo sa tabi ni Kaila.

"You mean, Jaime?" tanong ko at tumango siya.
Nakita niyang may kasamang iba si Jaime? Fvck. Manang-mana talaga yung lalaking iyon sa ama niya. Pati anak ko, dinamay. Hanggang ngayon pa rin ba nanggugulo siya? Kung ako kaya ang manggulo, kung kunin ko kaya si Jackie si kanya. Tingnan natin kung hindi magkaroon ng war itong sitwasyon na ito. Pero bakit si Kaila nagpalasing? Hindi naman sila diba? Sinabi niya sa akin na laro lang ito.

"Bakit niya kailangan uminom? Bakit kailangan niyang magpaapekto sa taong iyon? Kung alam naman niyang isang laro lang iyon!!" sigaw ko kay Neo at napaupo sa isang sofa at ginulo ang buhok.

"Po? I-isang laro lang po iyon?" tanong ni Neo na para bang hindi siya makapaniwala, tumingin ako sa kanya.

"Yes. Wait... H-hindi mo ba alam?" tanong ko at tinuro siya, nagulat siya sa tanong ko, at naka-response naman agad siya at umiling bilang sagot sa tanong ko.

So ibig sabihin, kami lang ni Kaila ang may alam pati yung Jaime na iyon? Fvck na lalaking iyon! Magkaparehong-magkapareho talaga sila ng ama niya. Shit. Hindi ko hahayaan na masaktan si Kaila ng ganito.

Ako naman. Ako naman ang mananakit. Gaganti ako, pero ang sasaktan ko? Si James, pero mukhang dalawang tao ang masasaktan ko, ang asawa ko ngayon at si James. Oh well, sorry sila.

***

(Jackie's Pov)

"James. What is this?" tanong ko at ipinakita ko sa kanya yung plastic na may mga punit punit na papel.

"Yung picture niyo ni Ajay. Hindi ako ang pumunit niyan. Si Jaime." sabi niya at tumaas na saka punta sa kwarto namin.

Mukhang nainis na naman siya. Tinapon ko sa basurahan yung plastic at saka umakyat rin at pumunta sa kwarto namin at nakita ko siya ng nakahiga na.

"Sige, pagalitan mo na ak--"

"Bakit kita pagagalitan? Matagal ko ng hinahanap yung picture na iyon. Kasi nga tatapon ko na, pero hindi ko makita, at nakita ko lamang ulit ngayon." sabi ko at nagpameywang.

"So... Hindi ka galit?" tanong niya at bumangon saka tumingin sa akin.

"Hindi nga. Bakit nga ako magagalit?" tanong ko at tinaasan na siya ng isang kilay.

"Kasi, punit na yung inyong picture ni Ajay." sabi niya at nag-pout.

"Hahaha, ano ka ba! Okay lang yun. Basta ba, lahat ng picture na nasa loob ng bahay na ito ay puro picture natin tatlo." sabi ko at ngumiti sa kanya at lumapit.

"Iisa lang naman siguro yung picture niyo nung lalaking iyon diba?" tanong niya at tiningnan ako.

"Iisang picture lamang kasi itong dinala ko yung pauwi tayo rito. Sayang nga eh, naisip ko. Bakit ko pa itatapon. Naging part rin siya ng buhay ko, bakit di ko ilagay sa album ko?" pang-aasar ko sa kanya at nag-pout naman siya.

"Hahaha. Joke. Di ko iyon ilalagay ano. Hahaha." sabi ko at tumawa, pinitik namab niya yung noo ko kayang sinamaan ko siya ng tingin pero ngumiti rin siya at hinalikan ako sa pisngi sabay sabing...

"Goodnight." sabi niya at humiga na, hinampas ko naman siya pero syempre mahina lamang at humiga na rin saka pinatay na ang ilaw.

"Goodnight." sabi ko rin sa kanya.

Oopss, oo nga pala. Readers, baka hinahanap niyo si Jaime. Tulog na siya, ang init nga ng ulo niya nung umuwi rito eh. I don't know why? Medyo napagod lamang siguro sa school. :)

***

Game OverTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon