Chapter 4- 1st Day

22 1 0
                                    

Chapter 4- 1st Day

(Kaila's Pov)

Pagkalabas ko sa bahay eh nakakita ako ng isang lalaki na nakasandal sa gate namin. Siya na ba ito?

Omg, likod palang hot na eh. Paano pa kaya kapag humarap na? Panigurado mas lalong hot. :D

Lumapit na agad ako rito.

"Uhm... Excuse me, kuya? Bubuksan ko po yung gate, eh nakasandal po kayo." pagpapaalam ko doon sa lalaki. Malay niyo hindi pala siya.

Umalis siya at tumayo na ng ayos at humarap sa akin..

Para akong nag-slowmotion, pero panira yung pag-bati niya.

"Hindi kita kapatid. Kaya wag mo akong makuya-kuya." seryoso niyang sabi.

Grabe? Eh pag-galang lang yun.

Binuksan ko yung gate at lumabas na ako, at saka sinarado agad din ito.

"Ikaw ba si Jaime?" tanong ko at tinuro siya.

"Yeah. Whatever." sabi niya at nauna ng mag-lakad.

Hmm.. Ngayon ko lang nalaman, parang narinig ko na yung pangalan niya.

"Uh... Lakad lang ba tayo?" tanong ko at sumunod na ako sa kanya.

"Try to crawl." sarkastiko niyang sabi habang nag-lalakad.

Awchu.... Parang masyado naman sagad ata yung napili ko.

Nanahimik na lang ako hanggang sa makarating kami sa school ko. Pero siya? Mukhang iba ang school na pinapasukan niya.

Bakit... Papasok din siya sa school na 'to?

"Pwedeng hanggang dito na lang. Salamat." sabi ko at ngumiti sa kanya, pero siya tiningnan lamang ako.

"Hindi ako papasok. 2 months, kaya dito muna ako sa school mo. Pwede naman siguro dito tumambay ang iba ano? Public naman eh." sabi niya habang nakatingin sa aking mga mata.

Kung nakakatunaw lang siguro talaga ang tingin, matagal na akong tunaw. Pati rin siya siguro?

Simple lang naman, gwapo siya, syempre maraming mga babaeng titingin sa kanya.

"Uwian mo, hintayin kita. May mga bagay tayong dapat pag-usapan tungkol sa rules." sabi niya at lumapit siya sa tenga ko.

"And remember, I'm your toy boyfriend. You can use me." sabi niya at hinalikan ako sa pisngi. Natulala naman ako sa ginawa niya.

Napatango na lamang ako dahil yung dila ko, umuurong, walang lumalabas na salita sa bibig ko.

Aalis na sana siya kaso biglang may tumawag sa akin kaya pati siya napalingon.

"Kaila!" Argg.... Ano ng gagawin ko? Heto na naman siya.

"N-neo! Oh?" bakit ako nauutal? Kaani naman eh.

Hinawakan niya ang dalawa kong kamay at tumingin sa akin na para bang nag-tatampo siya.

"Bakit di ka nag-rereply sa akin? Bakit di ka na nago-online? Bakit di mo sinasagot tawag ko? Bakit bigla-bigla ka na lang hindi namamansin? Nakakapanibago at.. Nakakatampo." sabi niya at halatang malungkot na siya.

2 years mo ba naman maging kasama ang lalaking ito, ka-text mo lagi-lagi. Hindi mo pa makilala?

Mag-sasalita na sana ako kaso nauna si Jaime, at habang nag-sasalita siya, pinaghihiwalay niya yung kamay namin ni Neo.

"Because she's busy. We're having a day, just the two of us." sabi niya kay Neo na ewan ko ba kung anong meron sa boses niya. Di ko maintindihan? Parang walang emosyon.

Tumingin si Neo kay Jaime at ngumisi ito.

"Ehem. Ayaw ko ng away, dude. Sino ka ba?" kalmadong tanong ni Neo at nagpamulsa ito.

Mag-sasalita na ulit sana ako kaoso naunahan na naman ako ni Jaime.

"I'm her boyfriend." sagot ni Jaime.

Nakita kong biglang nag-bago ang ekspresyon ni Neo pero hindi ko na ito binigyan ng kahulugan pa.

"Okay. Pwede ko ba mahiram muna ang iyong GIRLFRIEND na BESTFRIEND ko? Sabay na kaming papasok." pagpapaalam ni Neo kay Jaime at hinawakan ako sa kamay.

Bestfriend? Bat di ko yun naisip? Hanggang mag-bestfriend lang talaga kami. Bestfriendzoned!!!!

"Tsk. Okay." payag ni Jaime at tumalikod na ito saka umalis. Agad naman akong inakbayan ni Neo at nag-simula na kaming mag-lakad.

"Hey. Pinag-palit mo ako sa lalaking iyon?" tanong ni Neo agad ng makalayo na kami kay Jaime.

"Pinagpalit?" ulit ko, dahil baka nagkamali lamang ako ng rinig.

"I mean. Yung oras na dapat sa akin mo na lamang inilaan, bakit ibinigay mo doon sa lalaking iyon?" pag-tatama niya na lalo ko atang ikinagalit, napatigil ako sa pag-lalakad at humarao ako sa kanya.

"Oras na dapat inilaan ko na lamang sayo? Bakit? Ano ba kita? Bakit kailangan nasa iyo lagi ang atensyon ko? Wala naman patutunguhan ito diba? And beside, ikaw na mismo nag-sabi, bestfriend mo ako. So dapat iniintindi mo ako, at sana naman isipin mo, kailangan ko rin bigyan siya ng oras dahil boyfriend ko siya." sabi ko harap-harapan at umalis na roon at saka dumiretso sa room ko at umupo sa upuan ko.

Hindi niya ba nararamdaman ang nararamdaman ko? Sa bagay, manhid siya eh! Hindi niya alam na nasasaktan na ako kasi hindi niya yun nararamdaman kasi nga manhid siya!

Ugh! Siguro may magagamit na ako para maka-iwas sa kanya, at si Jaime iyon. Gagawin ko siyang rebound, pero hindi ako mahuhulog sa kanya. Promise!

***

Game OverTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon