Chapter 29- Seriously?

13 0 0
                                    

Chapter 29- Seriously?

(Kaila's Pov)

Sa SM lang kami nag-date ni Jaime. Ayaw raw niya sa malayo eh... Window shopping lang tuloy kami. Wala akong dalang pera, ewan ko lang siya kung meron? Haha, ako yung nagyaya tapos wala akong pera. Kamusta naman yun? Ang saya ko ngayon!!! Promise, di pa kasi kami hiwalay ni Jaime. Ang cute niya kanina yung naasar siya. Ang sarap i-flashback sa utak eh.

Tahimik lang kaming naglalakad. Hayy.. Gusto kong hawakan ang kamay niya.. Seryoso ako. Gustung-gusto ko. Gusto kong ipamukha sa mga babaeng tingin ng tingin kay Jaime na akin siya at ako ang girlfriend niya. Pero di naman talaga niya ako girlfriend. Diba?

Kanina pa kasing tingin ng tingin ang mga babae kay Jaime, take note pa, may boyriend pa silang kasama tumitingin pa sa iba. Leche! That's called malandi at ang happy ending nito ay walang forever.

Yung iba naman makatingin sa akin, halod patayin na ako. Siguro sa utak nila, pinapatay na ako. Si Jaime? Siguro pinagnanasaan na si Jaime sa mga utak nila. Tsk.

Naramdaman kong hinawakan ako ni Jaime sa kamay at hinila papasok sa isang shop na puro accessories. Ang gaganda, at the same time, ang mamahal rin.

Pumunta si Jaime doon sa puro singsing at may saleslady na lumapit sa amin.

"Goodmorning, Sir and.... (tingin sa akin sabay sa kamay ko na hawak ni Jaime)... And ma'am." at kita kong umirap pa siya. Wow! Siya pa ang galit.

"Patingin raw nito." sabi ni Jaime at may tinuro sa glass. Yung saleslady naman tumungo ng kunti at tinitingnan kung ano yung tinuturo ni Jaime. If I know, may pinapakita lang siya.

"I-ito po sir?" tanong nung saleslady na may boses pang nang-aakit.

Nadiri naan ako at kumulo ang dugo ko.

"Yes. Please, make it fast. Gutom na ang girlfriend ko. Ayokong nagugutom siya." sabi ni Jaime na para bang nairita na rin siya. Tumingin namn yung saleslady sa akin at kinuha na yung singsing saka binigay kay Jaime, kinuha naman ito ni Jaime at humarap ito sa akin.

Kinuha niya yung kaliwa kong kamay at isinuot yung isang singsing sa aking ring finger. Sakto naman siya. Kinuha niya ulit yung isa at sinuot din niya, sakto rin sa kanya.

"Magkano ito?" tanong ni Jaime sa saleslady.

"P 1599.00 lang po. Doon lang po sa counter. Thank you po." sabi nung saleslady at tinuro yung counter. Hinila naman ako ni Jaime at pumila na kami.

"Bibilhin mo ito?" tanong ko kay Jaime at tinuro yung sinsing.

"Pipila ba tayo kung hindi ko ito bibilhin?" pambabara niya at tumingin sa akin.

"Okay. Sabi ko nga bibilhin mo na. Sorry naman." sabi ko at umiwas ng tingin at inalis yung singsing sa ring finger at binigay ito sa kanya.

"Labas lang ako, bayarin mo na iyan." sabi ko sa kanya at iniwan siya doon. Pero sa labas lang ako tulad ng sinabi ko sa kanya. Baka niyan, mag-away pa kami.

Buti nga lalaki yung cashier sa counter eh. Kaya iniwan ko siya, pero kung babae, di ko siya iiwan.

Nakaramdam naman ako bigla ng may humawak sa aking beywang na ikinagulat ko at lumingon ako rito.

"Tapos ka na?!" medyo gulat kong tanong. Di lang ako makapaniwala.

"Inuna ako nung cashier na babae. I don't know why. Let's go." sabi niya at nagsimula na kaming maglakad. Nakahawak kasi siya sa bewang ko! Buti nga hindi ako nakiliti eh... Bumilis lang yung tibok ng puso ko.

Dumiretso naman kami sa McDonald. Yeah, dito nga.

"Dito tayo? Sure ka?" paninigurado kong tanong kay Jaime. Tumango naman siya at pumila na.

Mas gusto ko sa Jollibee, mas masarap doon. Dito? Fries lang ang masarap eh... Tsk... Para tukoy ang badoy ni Jaime ngayon, McDo ba naman? Errr.

***

(Xander's Pov)

Yoohoo!!! McDo?? Ang badoy, dude. Seriously? Dito pa nila naisipan kumain? O si Jaime lang ang may gusto rito? Yuck, this is so fvcking gay.
Guess what? Sinusundan ko sila. Walang pakialaman. Magkagulo na kung magkagulo.
Nakaorder na sila at nakita kong umupo na sila. Magkatapat sila kaya wala silang katabi, at mas lalong hindi sila magkatabi.

May fries naman ako eh, kasi umorder din ako. Kakahiya naman diba kung pupunta lamang ako rito para lang panuorin sila?

Dumiretso ako kung nasaan sila at inilapag ko yung tray ko sa table nila.

"Pa-share ako." sabi ko at umupo agad sa tabi ni Kaila. Tiningnan naman ako ni Jaime ng masama, ngumisi naman ako.

"Wait. Ikaw si.... Xander diba?" tanong ni Kaila at tinuro ako.

"Yes, babe. Ikaw si Kaila." sabi ko at inakbayan siya at nginitian.

Let's see.. Itetest ko si Jaime kung meron ba siyang gusto kay Kaila o wala...

"Yeah. Anong ginagawa mo sa lugar na ito?" tanong niya at sumubo siya ng fries niya.

"May hinihintay kasi akong movie." sabi ko at sumubo rin ako.

"Anong movie?" tanong niya at kumain siya. Hmm, bakit kaya di niya inaalis ang pagkaakbay ko sa kanya? :/

"Yung *insert*." sabi ko at kinindatan siya.

"Ahh.. Yun ba! Palabas ba yun sa sinehan ngayon? Aww... Matagal ko na rin yun hinihintay eh." sabi niya at nag-pout siya.

"Gusto mong manood?" tanong ko at tumingin ako kay Jaime na nakatingin sa akin ng cold.
Hahaha. Mukhanng naiinis na siya.

"Yeah. Pwede ba akong sumama sa iyo?" tanong niya at tumingin sa akin.

"Sure babe. Ikaw pa." sabi ko at kumain na.

"Jaime. Sama ka?" tanong ni Kaila kay Jaime at tumingin ako sa kanya.

"Yeah. Sure." sabi ni Jaime at kumain na rin.
Hmm... Mukhang maganda ang araw na ito ah.

***

(Jaime's Pov)

Damn this guy!!! Maka-akbay siya kay Kaila, akala mo boyfriend siya nung babae, at kung makatawag ng babe akala mo sila! He need first my permission. Tsk.

Napasama pa nga ng wala sa oras. Ayokong iwan si Kaila sa lalaking ito, wala akong tiwala rito. Sinira pa niya yung date namin. Tsk.

Nakabili na kammk ng ticket at papunta na kami sa loob ng sinehan. Ako eh nasa kaliwa ni Kaila, at si Xander nasa kanan niya.

Tumingin ako kay Xander at tumingin din ito sa akin.

"I like Kaila." he mouthed. Kumulo naman ang dugo ko sa sinabi niya. Hinawakan ko yung kamay ni Kaila. Intertwined na holding hands kami ngayon. Nakita ko rin naman na hinawakan ni Xander ang kanang kamay ni Kaila. Bumulong naman ako kay Kaila.

"Let go of Xander's hand. I feel so jealous." sabi ko na malungkot ang boses. Kahit ang totoo hindi naman. Sadyang wala lang akong tiwala sa lalaking ito.

Umupo na kami sa sinehan ng makapasok kami, dito kami sa pinakataas umupo.

This movie is so fvcking gay. Argg... Kung hindi lang talaga si Xander ang kasama ni Kaila, iiwan ko na itong babaeng ito eh... Kapangit naman kasi ng movie na ito. Makatulog na lamang.. Pero.... Baka may gawin si Xander kay Kaila... Tsk... Arggg!!!

Jaime, wag mo silang pakialaman. Kung meron man gawin, hayaan mo sila.

Fvck.... This is so ughhhh..... Really? Huh? Is this a date? We're dating with this guy? This is a big shit.

***

Game OverTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon