Chapter 30- Tomorrow

12 0 0
                                    

Chapter 30- Tomorrow

(Jackie's Pov)

"Pumasok si Jaime?" tanong ni James na para bang hindi makapaniwala. Tumango ulit ako sa kanya. Nakailang-tango na ako sa kanya pero ayaw pa rin niyang maniwala eh. -_-

"Seryoso ka?" tanong ulit niya, sinamaan ko na siya ng tingin, tumawa naman siya.

"Ano bang nakain mo at ang lakas mong mang-asar ngayon?" irita kong tanong sa kanya.

"Nakain ko? Wala nga eh... Lagi kasi akong busog. Busog sa pagmamahal mo." sabi niya at nginitian ako saka tinaas-baba niya ang kilay niya, nagface-palm naman ako.

"Ang cheesy mo!!" sabi ko at binato siya ng unan, umilag naman siya kaya hindi siya natamaan.

"At least, sweet." sabi niya at kinindatan ako.

"Seryoso, James. Anong nakain mo?" tanong ko ulit sa kanya at tinaasan ko siya ng isang kilay.

"Wala nga... Hahaha, busog nga ako araw-araw sa pagmamahal na binibigay mo." sabi niya at tumawa na.

Iniwan ko naman siya doon. Saka humarap sa laptop.

Nakauwi na nga pala si Kurt at Hazel rito... Mukhang matatanungan ko na sila... Ayoko kasi kay Jaime, di ko minsan makausap ng matino.

***

(Kurt's Pov)

"Russel! Nasaan siya?" tanong ni Hazel kay Russel. Busy naman kasi si Russel sa laptop niya... Tsk.

"Pumasok siya kanina sa school, sabi sa akin ni John. Pero umalis din agad dahil nainis ata kay Sir Kalbo nila. Di ko alam kung nasaan siya. Pero kaya kong mahanap siya gamit itong laptop dahil naka-GPS ang kanyang cellphone." explain ni Russel habang nakatingin lamang sa laptop.

Mana talaga sa amin ni asawa ko, napakatalino. Bilib na talaga ako sa kanya.

"No... Thanks. Wag na lang." sabi ni Hazel at tinuloy na niya ang ginagawa niya sa kusina. Ako naman tiningnan ko ang cellphone ko at nakita kong nag-missed call si James... May kailan kaya ito? Dati si Jackie ang tawag ng tawag, ngayon siya naman? Malaki ba ang galit ng mag-asawang ito sa amin?

"Pa, pakisabi kay Ma. Nasa SM si Jaime.." sabi ni Russel. Tumango na lamang ako. Tinatamad pa akong tumayo. Ang sarap kasi ng higa ko rito sa sofa. Like a boss. Hahahahaha.

***

(Kathryn's Pov)

"Marami bang galit kay Kaila?" tanong ni Via ng makaupo ako sa sala. Kakaupo ko lang, kakapahinga ko lang, mag-iisip na naman ba ulit ako?

"Ewan ko. Bakit di mo alamin? Ikaw dyan ang interesado." sabi ko at pumikit.

"Ma, Hermandez siya. Remember?" sabi ni Via pa na ikinagulat ko.

"H-Hermandez?!" ulit ko kung tama lamang dinig ko. Tumingin siya sa akin at tumango, tumayo naman ako at kinuha cellphone ko saka tinext si Jackie.

Ackie, Kaila Hermandez ang name. Alam mo na ba?

Sinend ko na yan sa kanya, at hindi na ako nag-hintay ng reply. Dahil di na mahalaga kung magreply yan. Kasi alam kong hindi kayang hawakan ni Jackie ang cellphone niya sa isang araw, kahit may James na yan. Alam kong nagtetext pa rin yan at nag-ffb. Come on, teenager pa rin ang isip nun. Hahahaha.

"Ohh... Meron pang page si Kaila.. Biruin mo yun, Ma? 2000+ ang likes nung page, ibig sabihin 2000+ ang haters ni Kaila. Bakit ganun? Maraming nagagalit sa kanya dahil lang kay Jaime? How poor of them. Nagpapakahirap sila." rinig kong sabi ni Via habang nakaharap sa laptop niya.

Lumingon ako sa kanya at kitang-kita kong busy siya sa pag-hahanap ng dahila kung bakit maraming galit kay Kaila. Hindi ito kaibigan ni Via, sadyang mahilig lamang siya sa mga ganitong bagay, nagspa-spy.

Well, sana ingat pa rin siya. Dahil balita ko....

"Ma! Kilala niyo po ba ito?" tanong ulit niya at may pinakita na picture sa akin.

"Si Hiro at Christine yan, bakit?" tanong ko at tiningnan siya. Nagtataka na ako sa mga ginagawa niya. Bakit napasali si Hiro at Christine doon?

"Okay..." sabi niya at di sinagot ang tanong ko at nagpatuloy na ulit doon.

Sana okay lang ang pinag-gagawa ng babaeng ito!!!! Baka may madamay siya. Mukhang lalong lalaking ang problema nina Jackie. Pero I'm always here. Laging ready tumulong. Sina Kurt? Mukhang kailangan na kailangan sila. Sila ang nag-simula, sila din ang tatapos, pero dapat with Jackie, dahil si Jackie ang nag-accept.

Arggg... Naguguluhan na ako sa nangyayari!! Ano ba ang dapat kong gawin?

Akala ko ba tapos na ito, puro kaligayahan na. Pero wala pala itong katapusan.. Magkakaroon at magkakaroon ka pa rin ng malaking problema bukod sa maliit na problema.

***

(Kaila's Pov)

"Xander." tawag ko kay Xander lumingon naman siya at tinaasan ako ng isang kilay.

Umiling ako sa kanya. Bakit ganun? May gusto akong itanong sa kanya pero hindi ko malaman kung ano? Hindi ko alam kung bakit kailangan kung magtanong?

Lumingon ako sa kaliwa kong katabi na si Jaime, nakapikit siya. Tulog na ata eh. Patapos na kasi itong pinapanood namin, kaya gigisingin ko na siya.

Kinalbit ko siya para magising... Madali naman siyang gisingin.

"Tutulog ka lang pala, sana sinabi mo sa akin kung ayaw mo nito. Edi sana umuwi na lang tayo." sabi ko sa kanya, tiningnan niya naman ako ng seryoso. Mukhang wala pa siya sa sarili niya, ang sarap ata ng tulog niya. -_-

"Kaila. Tara na." tawag sa akin ni Xander, magtatanong pa lang sana ako kaso hinila na niya ako palayo, at iniwan si Jaime.

Lumabas kami sa sinehan at tumigil kami.

"Bakit tayo lumabas?! Bakit din natin iniwan si Jaime?!" inis kong tanong kay Xander at kumalas sa kanya.

"I'm sorry, kasi may kailangan pa akong puntahan. Kaya nakalimutan kong kasama nga pala natin siya." sabi niya at nagkamot pa sa ulo.

"Tsk. Umuna ka na, hihintayin ko siya." sabi ko sa kanya at nag-crossed arm.

"Baka iniwa--"

"Pwede ka ng umuna. Nandito na ako." rinig kong pagpuputol ni..... Teka... Ni Jaime? Buti nakalabas agad siya.

Hinila ko si Jaime at tumakbo kami, iniwan namin si Xander doon.

"I'm sorry, Jaime." sabi ko ng makalabas na kami sa Mall. Malapit lang kasi yung exit at papuntang parking yung sa sinehan kanina.

"It's ok. Ano? Uuwi na ba tayo?" tanong niya at tumingin siya sa cellphone niya. Tumango naman ako bilang sagot.

Hinanap na namin yung kotse niya. Nag-kotse nga pala kami, kanyang kotse, nasa apartment niya eh, kaya di siya nakita ng magulang niya. Nang mahanap na namin eh sumakay na kami at nag-simula na siyang mag-drive.

"Jaime. Busy ka ba bukas?" tanong ko sa kanya at tumingin.

"Why? Date na naman ba kailangan mo?" tanong niya at tumingin sandali sa akin at binalik ang tingin sa daan.

"Nope. Ipapakilala kita kay Dad na." sabi ko at tumingin sa bintana at nagulat ko ata siya sa sinabi ko kasi naitigil niya bigla ang kotse pero naipagpatuloy pa rin naman ang pagda-drive.

"Are you serious?" tanong niya. Hindi ba yun kapani-kapaniwala?

"Yes. Ayaw mo ba?" tanong ko sa kanya.

"No... Nasa rules yun. Kaya okay lang." sabi niya at tumingin ulit sa akin.

"So.... Pupunta ka bukas?" tanong ko sa kanya.

"Yes. Tomorrow, 6pm. Busy ako sa umaga." sabi niya. Tumango na lamang ako.

Sana okay lang ang mangyari bukas.
This is it.... Sana... Okay lang kay Dad.

***

Game OverTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon