Chapter 10- Where is she?

10 0 0
                                    

Chapter 10- Where is she?

(Jaime's Pov)

Kagagaling ko lamang sa bahay at dahil wala akong magawa. Pumunta ako sa school ni Kaila, pero hindi ako naka-uniform.

Wala akong pakialam kahit na hindi ako makapasok sa school ko. Tsk. Malakas naman ako sa mga teacher namin, mga babae kasi, tapos mga dalaga pa, isa lamang ang aming teacher na lalaki, si Panot. Tsk. Pero close na close kaming tatlo nina John, kaya malakas kami sa kanya.

Narito na ako sa school nila Kaila. Mukhang may mga klase pa ang mga estudyante.

Sa garden muna ak--

"Fvck. Tumingin ka nga sa dinadaanan mo!" galit niyang sabi sa akin, pero mukhang sinadya niya. Ewan ko ba, pero awtomatikong kumilos ang mga kamay ko, kaya napigilan ko siya sa braso niya.

"Ikaw si Neo diba?" tanong ko at iniharap ko siya sa akin, nakatingin naman siya sa akin ng masama.

"Oo, at ikaw? Ikaw ang boyfriend ni Kaila. Tsk." sarkastiko niyang sabi at inikot niya mata niya.

"Tsk. Di ko alam kung bakit ka nananadya. What do you want? Trouble? Tsk. Anyway, stay away to my girlfriend." pag-babanta ko sa kanya.

"Why would I? Bro, I'm her bestfriend. Back off." sabi niya at tinulak ako pero hindi naman ako natumba. Tsk, masyadong mahina ang kanyang pag-tulak sa akin.

"Weak." pag-hahabol ko na pang-asar. Tumigil siya sa pag-lalakad pero hindi lumingon sa akin.

"Thanks." sabi niya at saka umalis na.

Thanks? May sira ba yun sa utak? Thanks talaga? O nang-aasar lang siya? Fvck him! Nakakainis pala ang lalaking iyon. Hindi ako naiinis dahil karibal ko siya. Aish, teka. Bakit ko siya magiging karibal? Hindi ko naman gusto si Kaila. Tsk! Nakakainis dahil napaka-yabang! Nasaan na ba si Kaila?

Hindi ako nag-dalawang isip na pumunta sa room niya at buti walang teacher, pero pagtapat ko sa pintuan ng room niya, nagsi-tinginan ang mga estudyante sa akin.

Oh no.

***
(Jessie's Pov)

Napansin kong tumahimik ang mga kaklase ko, wala kasing teacher kaya maingay, eh pinag-bawalan na kaming lumabas. Tapos si Kaila, wala pa rito. Eh nag-cecellphone ako tapos nakatungo ako, nakapatong ang ulo ko sa desk, bale sa ilalim ako nag-cecellphone. Tapos naramdaman kong tumahimik mga kaklase ko kaya tiningnan ko sila, lahat sila nakatingin sa pintuan. Yung mga babae, nakanganga tapos yung mga mata nila naka-heart ang shape (imagine lang, dre), tapos ang mga lalako, nakatingin ng masama. Kaya tumingin na lamang rin ako kung bakit mga ganun itsura nila.

Oh shit! Anong ginagawa ng lalaking ito dito? Hinahanap niya ba si Kaila? Patay, deads na me. Di ko alam kung nasaan si Kaila. Hindi ko rin ma-contact eh.

"Excuse me. Nandito ba si Ms. Hermandez?" lakas loob niyang tanong. Nag-simulang mag-bulungan ang mga kaklase kong babae. Pero ako, ay tumayo saka lumapit sa kanya. Di pa ako nakakalapit, eh may pumigil sa akin.

"Excuse me, Jessie. Hindi ikaw si Kaila. Kaya wag kang malandi. Feeler." sabi ng isang napaka-arte kong kaklase na naalala kong muse pala namin. Akala ko hindi, mukha kasing negra. Tsk.

"What? Landi agad? Pucha naman pala oh! Ikaw ang wag feeling. Hindi ako lalandi. Kaibigan ako ni Kaila, hindi mo ba alam? And I know him. Yan! Wala kang alam, kasi puro ka landi. Bitch." pagbabara ko sa kanya at inalis ko yung kamay niyang nakaharang na ginawa niyang pang-harang sa akin. Tsk. Buti kontrolado ko sarili ko, kasi kung hindi. Baka mabali ko yung kamay niyang nakaharang, nag-aral pa naman ako ng taekwando!

Lumapit ako kay Jaime at hinila ko siya palayo sa room namin. Saka hinarap ko siya sa akin ng makalayo kami.

"Jaime. Wala si Kaila. Di ko alam kung nasaan. Di ko ma-contact. Pero sigurado akong nandito lang siya sa loob ng school, hindi kllasi siya palalabasin ng guard. Sorry ha." sabi ko sa kanya.

"Alam mo ba kung nasaan siya?" tanong niya.

Ehem. Ngayon ko lamang ito nakausap ng ganito.

Nag-isip muna ako bago ko siya sinagot.

Nasaan na ba kasi yung babaeng iyon? Bakit ang tagal? Ano kayang ginawa ni Neo sa kanya? Wait! Si Neo?!

"Teka lang." sabi ko kay Jaime at kinuha ko yung cellphone ko at kinontact si Neo, mabuti naman sinagot niya. Pero mukhang may klase sila, nag-excuse lamang.

(Napatawag ka?)

"Neo! Diba kasama mo si Kaila kanina. Alam mo ba kung nasaan siya?"

(Si Kaila? Nauna siyang umalis sa akin. Sabi niya may klase na raw kayo.)

Shet. Mukhang iniiwasan niya talaga si Neo.

"May nasabi ka bang mali sa kanya?"

(Mali? Wala ah!)

"Okay. Thanks." saka binaba ko na yung tawag. Tumingin ako kay Jaime. Why so hot?!

Erase erase erase!!! Takte naman Jessie. Ang landi ahh...

"Mag-kasama sila ni Neo kanina?!" gulat na tanong ni Jaime sa akin ng makatingin ako sa kanya pero agad naman akong napatango.

"Yeah. Nag-usap lang naman sila, kaya wag kang mag-selos." sabi ko at nginitian siya. Sumimangot naman siya, hindi pala. Lagi pala siyang nakasimangot. Sinamaan niya ako ng tingin.

"Hindi ako nag-seselos. Kasi iniiwasan diba yun ni Kaila, then she used me to avoid that damn Neo. Pero bakit lumalapit pa rin siya, nag-sasayang lang ako ng or--"

"Relax, dude. Chill lang dude. Si Neo ang kusanh lumapit. Tapos si Kaila? Iniwan nga raw si Neo ni Kaila. Tapos ayun, di ko alam kung nasaan na siya." pagpapakalma ko kay Jaime, kasi mukhang highblood eh at umuusok na ang tenga niya at ilong. Nakakatakot, baka maging toro ito. Pumangit pa. Joke! Hindi naman umuusok, nakakaramdam lamang ako ng atmosphere na sobrang init. Pero mukhang hindi yung galit niya ang nagdadala ng init. Mukhang sarili niya at katawan niya dahil HOT siya! Leche, hanggang dito ba naman. Lumalandi anng kalandian ng isip ko. Takte naman oh!

"Uhmm... Jaime, tingnan mo siya sa rooftop. Baka nandoon siya. Titingnan ko na lang siya sa canteen or locker room, o kaya sa c.r." sabi ko, siya naman tumango na lamng at nag-simula na siyang mag-lakad.

Di ko man lang natanong kung bakit niya hinahanap si Kaila! Dahil malay niyo, inlove na pala si Jaime kay Kaila, tapos nagkataon na nainlove din si Kaila kay Jaime. Oh! Adi M.U na sila. May pagkakataon na maging official pa sila! Edi wow!

***

Game OverTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon