Chapter 25- Stupid Answer

7 0 0
                                    

Chapter 25- Stupid Answer

(Kaila's Pov)

Bakit nagbubulungan ang mga estudyante rito habang nakatingin sa akin? May dumi kaya ako sa mukha?

Tumigil ako sa isang place para makinig sa usapan nila.

"Balita ko raw, iyang babaeng iyan. Ibe-break na raw ng kasama niya laging lalaki na napaka-gwapo." sabi nung babae. Nagulat ako bigla sa narinig ko.

Ibe-break na ako ni.... J-Jaime? B-Bakit?
Nagulat na lamang ako ng makita ko na dinadala na pala ako ng mga paa ko sa likod ng school.

Magka-cut na naman ba ako? No, no, no! Di ako papaapekto.

Pero di ko napigilan sarili ko. Umalis ito ng school, at naglakad papunta sa isang lugar. Lugar na iniyakan ko dati, kasama siya. Nilakad ko lang ito. Kahit alam kong napaka-layo. Hindi naman ako napapagod at nasasaktan. Mas masakit pa kasi yung nararamdaman ko ngayon sa puso ko. Parang binabaril eh. Tapos yung lalamunan ko, parang may bumabara na ewan. Parang gustong umiyak pero di ko magawa. Lalo na yung mata ko, gustong pumatak ng mga luha ko at lumabas na, pero di ko rin magawa.

Teka. Bakit ganito ang nararamdaman ko? Bakit ako apektado? Kung ibebreak ako ni Jaime. Ok lang yun diba? Sa totoo lang, hindi naman kami.

Bakit pa rin ako nasasaktan? Tangna naman itong nararamdaman ko!

Biglang nag-vibrate ang phone ko noong nandito na ako sa lugar na kung saan masarap ilabas ang nararamdaman.

Tiningnan ko lang ito at nakita ko ang pangalan niya na tumatawag.

Pinatay ko cellphone ko at inalis yung battery saka kinuha yung sim saka pinutol at itinapon sa buhangin.

Nasabi na ba sa inyo ni Jaime? Isa itong karagatan. Itong iniiyakan kong lugar. Isa itong dagat.

Umupo ako at saka ipinatong ang ulo sa tuhod saka nag-simula ng umiyak.

Kaya pala di siya nagpapakita sa akin dahil galit siya?! Galit nga ata. Dahil makikipag-break na eh, kahit wala naman kaming relasyon. -_-

Huhuhuhuhuhuhu?!!!! Bakit ba kasi ako naiyak?!?! Aga-aga eh!!!
Nakakainis naman eh!!!

***

(Jessie's Pov)

Natigil ako sa paglalakad dahil biglang may humarang sa akin na pader este na lalaki.

"Nasaan si Kaila?" ayan agad ang tanong niya sa akin at nakatingin siya ng seryoso.

Ngumiti ako ng pilit. Sa totoo lang, umiiwas ako sa kanya. Pero nahuli pa rin pala niya ako.

"H-hindi ko alam." sabi ko at umiwas ng tingin.
Di ko naman kasi talaga alam kung nasaan na ang babaeng iyon. Cannot be reach din eh.

"Sabihin mo, break na kami." sabi niyaat tumalikod na pero agad ko itong pinigilan.

"Ikaw ang magsabi. Bahala kayo sa buhay niyo!" sabi ko sa kanya at tumigil siya sa paglalakad.

"Bahala ka rin. Hindi ko sasabihin sa kanya, dahil inutos ko sa iyo. Ikaw na lang bahala kung gusto mong sabihin o hindi. Basta di ko kasalanan na masaktan siya o maghintay sa wala. Kasalanan mo na yun." sabi niya ng hindi lumilingon sa akin at umalis na siya.

Argggg!!!!!!! Kung may hawak lamang akong file case, naibato ko na iyon sa kanya! O kaya itong pader kung kaya ko lang sirain para lang ibato sa kanya, nagawa ko na! Arggg!!

Nakakainis talaga ang lalaking iyon! Bakit kasi medyo badboy ang kinuha ni Kaila?!
Grrr!!!!! Amph!!!!!

"Wala kang kwenta!!! Mr. Young!!!!" sigaw ko dahil di ko na talaga mapigilan ang sarili ko. Buti nga walang tao rito. Medyo malakas kasi sigaw ko. Hihi!

"Ehem. May natutulog rito. Ang ingay mo?" nakarinig ako ng boses mula sa isang sulok. May natutulog pala? Hmm...

Agad ko itong tiningnan at para akong na-lpve at first sight. Ang gwapo niya. Kainlove.

"S-sorry. Naglabas lang ng sama ng loob." sabi ko at ngumiti ng pilit.

"Bakit dito pa?!" tanong niya at tumingin siya sa akin saka nag-hikab.

"Eh kasi.... Bigla ko na lamang nakita yung nagpasama ng loob ko. Kabwiset kasi." sabi ko at nag-kamot ng ulo.

"Anong pangalan?" tanong pa niya at pumikit.

"Jaime." simpleng sagot ko at tinitigan ko mata niya. Minulat naman niya bigla yung kanan niyang mata kaya umiwas ako ng tingin. Pero kita ko sa peripheral view ko ay ngumiti siya saka umiling.

"Jaime ano?" tanong pa niya.
Bakit ang daming tanong ng lalaking ito? Baka gusto niya akong makausap pa?!?! Hayyyy!!!

"Jaime Young." sagot ko. At mukhang nagulat siya.

"Sorry. May kumagat kasi sa likod ko." sabi niya ng mapansin niyang nakita ko siyanng nagulat at kinamot niya likod niya. Tumawa lamang ako.

"Xander nga pala. Kaw?" sabi niya at tumayo saka lumapit sa akin.

"J-Jessie." nauutal kong sagot. Sino ba naman hindi mauutal kung na-amazed ka sa kagwapuhan niya ng lumapit siya sayo? Ang gwapo niya lalo eh. Kainlove. Mukhang tumitibok na naman ang puso ko. Nabuhay na naman ako. May kulay na ang mundo ko ule--

"Sige. Nice to meet you." savi niya at kumaway saka umalis na.

Awchu.. Ganun lang yun? Di man lang nakipag-shake hands. Sana nahawakan ko pa kamay niya. Huhu T.T kadaya!

***

(3rd Person's Pov)

"Teka lang!" sabi ni Xander kay Jaime. Nahabol pa niya ito kahit papano. Nasa labas na sila ng school. Magkakilala sila. Bakit at paano? Basahin mo na lang.

"Bakit?" tanong ni Jaime at tumigil ito sa paglalakad saka humarap kay Xander.

"Ikaw yung pumalit sa akin diba sa website na iyon?" tanong ni Xander para makasigurado kung si Jaime nga.

"Oo, aalis na ako. Pwede ka ng bumalik." sabi ni Jaime at maglalakad na ulit sana, kaso pinigilan ito ni Xander.

"Teka lang. Hinahanap mo diba si Kaila? Narinig ko usapan ninyo ni Jessie kanina." sabi ni Xander kay Jaime habang pigil-pigil niya ito sa braso.

"Oo. Ba't dami mong tanong?" iritang tanong ni Jaime at inalis niya ang pumipigil na kamay ni Xander sa braso niya.

"Haha. Wala lang. Nakita ko si Kaila. Nag-cut. Nakita ko rin na umiiyak siya. Haha. Wag ka ng magtanong kung bakit ko nakita. Iisa lang naman sagot ko riyan eh." sabi ni Xander at tumalikod na ito.

"Saan mo siya nakita?" habol na tanong ni Jaime kay Xander.

"Simple lang. Sa isang lugar na kung saan ko siya nakita." sabi ni Xander at bigla na lamang ito nawala.

"Fvck that guy. Di pa rin nagbabago. Pilosopo pa rin. Well, actually.. His answer is right. But it is not the right time to answer a stupid answer. Lalo na at seryoso ako. Sh!t. Di ko alam gagawin ko." sabi ni Jaime sa sarili niya habang nakatingin pa rin sa daan na pinagdaanan ni Xander.

"I hate asking me in a stupid question. So I answer them in a right way. Damn! Tanga na nga magmumukha pang tanga. Tsk. Bakit kasi magtatanong ng patanga?!" sabi ni Xander habang naglalakad sa puro usok na lugar.

***

Game OverTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon