Chapter 36- Blackmail

7 0 0
                                    

Chapter 36- Blackmail

(Kaila's Pov)

"Kailaaa!!!!" rinig kong tawag ni Jessie na ikinagulat ko. Pinansin niya ako? Miss na niya kaya ako.

Lumingon lamang ako sa kanya at nang makalapamit siya ay agad akong nakatanggap ng isang mahigpit na yakap.

"I'm really sorry, Kaila. Sa lahat-lahat na pag-iwas ko sayo. Mali pala yung ginawa ko. I'm sorry, masyado kasi akong natakot.... Natakot ako na baka kung anong gawin nila sa iyo." sabi niya habang nakayakap sa akin, inalis ko naman siya at tiningnan ko siya sa mata.

"What are you talking about?" tanong ko at medyo ako natatawa.

"I'm serious. Binalack mail ako ng mga bitches na yun na mga nagkakagusto kay Jaime at Neo." sabi niya at nag-pout.

"Bakit ka nila binalack mail?" tanong ko pa at tinaas ko ang isa kong kilay.

"I don't know. Iwasan raw kita kung ayaw ko raw saktan nila ikaw. Kasi kapag di raw ako umiwas sa iyo, sasaktan ka nila. Pero mukhang malli ang naging desisyon ko. At least kahit hindi kita iwasan, kahit masaktan ka. Handa akong ipagtanggol ka at tulungan, at hindi ang iwan sa ere ng basta na lang." sabi niya at nag-pout.

"Wala naman nanakit sa akin ah?" si Jaime lang... Gusto ko sanang idagdag yun, kaso wag na. Para saan? Wala naman mangyayari.

"Meron." sabi niya at umiwas ng tingin.

"Sino? Bakit wala nam--"

"Kilala mo ba ang leader ng mga haters mo?" tanong niya at tumingin sa akin ng seryosong seryoso, umiling naman ako bilang sagot.

"Ang leader nila ay si Sacha Mendez. Sacha Mendez na kilalang tinulungan din ni Jaime noon, pero hindi dahil sa website. Dahil si Jaime ay masyadong naiinis sa mga bitches na nambubully sa mga babaeng simple lamang. At nawala yung relasyon nila dahil sa iyo, and that's why, gumaganti si Sacha sa iyo." kwento niya, at sa sinasabi niya, mukhang naguguluhan ako lalo.

"Bakit siya gumaganti sa akin?"

"Aish.. Dahil nga nasira relasyon nila dahil sa iyo, pero ang totoo naman wala talaga silang relasyon." sagot niya at tiningnan ulit ako ng seryoso.

"Si Sacha ay sa school rin ni Jaime pumapasok. Kaya mag-ingat ka. The more na hindi mo nakakasama si Jaime, baka nilalandi na niya si Jaime. Kaya dapat kasama mo siya o bigyan mo ng warning si Jaime." sabi niya at kumunot ang noo niya.

"Like duh... Okay lang sa akin na landiin nila si Jaime, nakita ko nga siya kahapon na may kasama siyang ibang babae eh. At sino ba ako para magal--"

"Nakita mo siya na may kasamang ibang babae?!?!" tanong niya at lumaki ang mga mata niya sa sobrang gulat.

Oopssyyy, nadulas ata ako. Nasabi ko tuloy ng wala sa oras. Buti naman hindi paga ang mata ko...

Anyway, wala kami sa school, nandito kami sa bahay, lasing kasi ako kagabi, adi tinanghali na ako ng gising, pinagalitan pa nga ako ni Dad kanina eh, layuan ko na raw si Jaime, pero nanatili lamang akong tahimik.

Tumango ako kay Jessie bilang sagot.

"Anong itsura?! Ganito ba?!" tanong niya at kinuha niya cellphone niya at may sinearch, at nang makita na niya ay agad na pinatingin sa akin.

"I-I don't know, Jessie. Nakaside-view kasi sila noong pumasok sa ice crea--"

"Oh shit! Wala ng hindi-hindi alam. Siya nga ito, Kaila. Siyang-siya ito. Look." sabi niya at pinakita niya ulit ang cellphone niya sa akin.
May nabasa ako sa facebook news feed ni Jessie na....

"Woo!! Nakadate ko ang Jaime ko!!! Haha, mission accomplished pa because nakita kami ng girlfriend niya na magkasama. >:)"

Kumulo ang dugo ko sa nabasa ko. Pero bakit.... Bakit pumayag si Jaime?!?!

"Pero bakit siya pumay--"

"Sinabi ng bawal kang pumasok rito! Nalasing ang anak ko ng dahil sayo!!!!!" naputol ang sasabihin ko dahil sa narinig kong sigaw ni Dad sa baba, agad naman kaming lumabas ni Jessie sa kwarto ko at nakita ko si Dad na pinipigilan si Jaime.

Natigil naman sila nang makita nila ako.

"Please, let me talk to her." sabi ni Jaime at ewan ko kung namalik-mata lamang ako, dahil nakita kong may luha na muntikan ng lumabas sa mga mata ni Jaime.

"I said N--"

"Dad, please...." sabi ko at tiningnan ako ni Dad ng masama at saka bumuntong hininga siya.

"Sa labad kayo mag-usap. Ayokong nasa loob ng pamamahay natin ang lalaking ito." sabi ni Dad sa harap ni Jaime.

Sinamaan ko ng tingin si Dad, wala ng galang kung wala! Pero mukhang nakakasakit na ata si Dad eh, sa harap ba naman niya sabihin din?!

Agad naman akong lumapit sa kanila at hinila ko papalabas si Jaime at hinarap ko siya sa akim, agad naman akong nakatanggap ng yakap.

"Hey. I'm sorry." agad niyang sabi habang niyayakap ako. Nanatili lamang akong tahimik.

"Yung nakita mo kahapon? Hindi ayun ang dahilan kung bakit ako busy. Busy talaga ako sa school, dahil may mga kailangan akong habulin na lessons. Pero sumulpot na lamang siya bigla at nagmakaawa." dagdag pa niya, pero this time, nagsalita na ako. At inihiwalay ko siya sa akin.

"Bakit ka pumayag?! Pwede ka naman umayaw eh! Ang sabihin mo, gusto mo siyang makasama kaysa sa ak--"

"Hindi iyon, Kaila. Pumayag ako dahil binalack mail niya ako. Anong gusto mo? Ang guluhin ang buhay mo? O ang maging tahimik na kasama ako?! Pumayag ako dahil ang sabi niya, kapag pumayag ako iiwasan na niya tayong dalawa, lalayo na siya sa atin at hindi tayo guguluhin!" sabi niya at humawak siya sa kanyang buhok at ginulo ito.

Napahawak ako sa labi ko. At tiningna siyang mabuti.

"Sa totoo lang.... Hindi ako papayag kung hindi ang buhay mo ang nakasalalay. Kung ang buhay ko, okay lang. Pero yung mga mahahalagang tao sa buhay ko? Hindi ako papayag na sila ang guluhin niya." sabi niya habang nakatungo at kita ko sa kamay niya na umiikom na dahil sa galit. Tumingin ulit siya sa akin.

"Importante ka sa akin. Kaya ko yun ginawa. Kaya I'm sorry, okay?" sabi niya. Hindi ko alam ang sasabihin ko. Bakit ang daming nangbablackmail ngayon?

Bakit kailangan pa nila mandamay ng ibang tao? Bakit ayaw nilang ako na lang ang targetin nila, mas okay pa yun sa akin. Kasi kung binlacmail nila ang mahahalagang tao sa buhay ko, mas masakit yung mararamdaman ko kaysa sa mararamdaman ko kung ako na talaga ang target nila.

So gusto nila, i-blackmail nila ang mga nakapaligid sa akin. Para kapag tinarget nila ako? Ako lamang mag-isa? Ganun ba? Asa! Isa lang ang masasabi ko sa kanila. BITCH.

***

Game OverTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon