Chapter 20- This night

8 0 0
                                    

Chapter 20- This night

(Jaime's Pov)

"Ikaw ang unang taong dinala ko rito." sabi ko sa kanya habang hawak-hawak ko ang kamay niya saka tumingin sa kanya.

I can see her smile, slowly falling in love. Like I see in other girls.

"Ikaw lang ang lalaking nakilala ko na napaka-sweet kahit ganyan." sabi niya at tumawa.
Napataas naman ang isa kong kilay. Kahit ganyan?

"What do you mean?" tanong ko sa kanya at pinakita ko ang mukha kong naguguluhan.

"I mean... Yung kahit suplado, seryoso, misteryoso, napaka-sweet pa rin. Yun bang, hindi naman kita boyfriend, pero parang." explain niya, niyakap ko naman siya mula sa likod at ipinatong ko yung baba ko sa ulo niya.

"I can be your boyfriend from now. Act like I'm only yours. Act like I like you. I can be your boyfriend and help you in everything. But... It's only an act." explain ko at kinuha ko pa ang isa niyang kamay at hinawakan rin ito.

"You already doing it. Mr. Young." sabi niya, di ko alam kung anong reaction niya, remember? Nasa likod niya ako, yakap-yakap siya.
Yeah. Ginagawa ko na. Kaya mag-ingat ka. Fvck, why I feel so sorry?
Bumitaw na ako at tumabi naman sa kanya.

"Kaila. About Neo... Do you.... Do you still love him?" tanong ko at tiningnan siya mata sa mata.

Ang tagal niyang sumagot, mukhang naguguluhan pa siya.

"Hi... Hindi na... Nakamove-on na ako." sabi niya at ngumiti sa akin.

Ang bilis naman kapag ganun? Mukhang nagdadalawang isip pa siya.

"You still love him." sabi ko at tumingin sa buwan. Di naman siya umimik, kaya tumingin ulit ako sa kanya.

"You know what? Don't waste my time. Wag mong sayangin ang oras na ibinibigay ko sa iyo araw-araw. Napapagod din ako. So...." This is the time... Ito na talaga...

"So??" nag-hihintay na siya sa sasabihin ko. Sorry, Kaila.

"Kalimutan mo na si Neo simula ngayon. Forget him. Avoid him. Basta, ayoko ng maalala mo siya o mababanggit mo siya sa akin o makikita ko kayong mag-kasama." sabi ko at tinitigan siyang mabuti.

"Nakalimutan ko na si--"

"Di ganun kadaling kalimutan ang isang tao." sabi ko at umiwas ng tingin.

"Fine. Anong gusto mong gawin ko?" irita niyang tanong. Tumingin ako sa kanya at inilapit ko ang mukha ko sa kanya.

"Forget and avoid him. And... Try to.... Love another guy." sabi ko at inilapit ko ng dahan-dahan ang mukha ko sa kanya hanggang sa mag-dampi ang mga labi namin.

I'm sorry Kaila. Ilang beses ko na bang sinabi na sorry sa isipan ko ito? Kasali ito sa plano. At dito tinuturuan ang isang tao para malaman kung gaano katibay.

Humiwalay ako at tumingin sa kanyang mata.

"Jaime..." tawag niya kaya tumingin ako.

"Pwede ba kitang.... Mahalin?"

Fvcking shit.
***

(Kaila's Pov)

Anong sinabi ko? Bakit kusang lumabas ito sa bibig ko? Di ko yun sinasadya.

Shit. Ano kayang sasabihin ni Jaime? Baka sabihin niya, game over. Shit shit shit! Ayoko, baka... Baka masaktan na naman ako.

"It's your choice." simple niyang sagot at lumayo sa akin at tumingin ulit sa langit.

*DubDubDub*

Ibig sabihin... May pag-asa? May pag-asa akong mamahalin niya rin ako.

"But... Remember, it's game over." sabi niya at iniwan ako saka pumasok sa kotse.

Game over! Ayan na nga ba sinasabi ko eh. Takte, bakit kasi putol-putol kung mag-salita.
I hate this feeling. Yung bang nasasaktan ka na pero nagagawa mo pa rin ngumiti, yung ngiting parang walang sakit.

What if mainlove ako sa kanya? What if mahulog na ako sa kanya? Paano yun sa huli? TSK. Kung mangyari man na mamahalin ko siya, gagawin ko ang lahat para mapasa-akin na rin siya. Di ko na gagawin pa ang ginawa ko katulad kay Neo. Kung gusto ko akin lang, akin lang. Pero yun ay kung nahulog ako kay Jaime.

Naga-I love you na nga siya sa akin eh, hinahalikan pa ako. Ibig sabihin, baka nahuhulog na rin siya. Sabi ni Jessie, kung nageeffort lang daw, walang I love you. Hindi ka nun mahal, like Neo. Pero kung may effort na at may I love you pa, mahal ka na niyan, like Jaime. So may pag-asa ako.

Hindi ko hahayaang maging Game Over ang buhay ko ulit.

***
(Jessie's Pov)

"Hello. Tita?"

(Jessie. Simula na.)

"Alin po?"

(Nag-simula na ang di mo inaasahan.)

"Alin nga po?"

(Hangga't maaga pa, paiwasin mo siya sa taong kasama niya ngayon. Before it's too late. Magkakagulo ang buhay niya, buhay nung kasintahan niya, buhay ng kasabwat niya lahat. Ikaw ang rason, ikaw rin ang tumapos.)

***
(Kurt's Pov)

"Si Kaila Hermandez ang nakakuha kay Jaime Young? Patay tayo. Bakit ayun pa ang ini-offer mo? Remember? Hermandez ang kasintahan ni Casio noong mga binata't dalaga pa tayo. At ngayon... Shet! Di ko alam ang mangyayari. You better cancel it, Hazel. Patapusin mo na kay Jaime." sabi ko at ginulo ko buhok ko.

"Hindi ko na ma-kontrol si Jaime." sabi niya at napahiga na lamang sa kama.

"What? Di mo na siya makausap o mapigilan? Anong ginawa mo? For sure, lagot tayo sa Young. Magkaka-digmaan na." sabi ko at nanlaki mga mata ko pero binato niya ako ng unan.

"Digmaan agad? Digmaan talaga? Wag ka ngang OA. Hindi naman ganun si Jaime. Mabait siya, si Russel ang makakausap ng matino kay Jaime." sabi niya at nagbalungot na. Napatawa naman ako.

I guess. Hinahanap na kami ni Jackie at James. Magkikita din tayong apat. Hintay lang. Kapag natapos na namin ang gawain namin rito. Uuwi na kami.

***

Game OverTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon