Epilogue

17 0 0
                                    

Epilogue

(Kaila's Pov)

3 months passed...

Kung ikaw ang nasa kalagayan ko, malilito ka rin kay Jaime. Sino ba naman ang hindi magugulat sa inakto niya na ligawan ba ako? Tapos tagalog pa. Tapos nambobola na rin. Sino ang hindi magugulat?

Ibang-iba siya sa nakilala kong Jaime noong una. Hindi siya yung Jaime na kasama ko ngayon. Pero siya pa rin yun. Aish, bat ang gulo ko?

Sino ang hindi magugulat sa walang pakialam na sinabi niya? Walang pakialam kahit mag-ex pa ang aming mga magulang.

Sa bagay, pwede naman kasing magbago. Magbago at kalimutan yung nakaraan. Wag nang balikan, at maging masaya sa present.

3 months ang nakalipas, naging kami ni Jaime. Payag naman sina Tito James at Tita Jackie.

Pwede naman siguro kami ano? Magkakaibigan lang naman sina Tita Jackie at Dad noh? Tita lang tawag ko para may galang naman. Kaya pwede kami ni Jaime?

Monthsarry namin ngayon. Pero hindi ko pa siya nakikita. Sino pa ba ang tinutukoy ko? Syempre si Jaime.

2nd Monthsarry namin ngayon at totoo na ito. Si Dad medyo nagbabago na ang turing kay Stepmom, ewan ko ba. Pero gumagaan na rin ang loob ko kay Stepmom.

"Jessie!!!! Ano na naman bang ginagawa mo? Bat ka nasayaw? Tapos dito pa sa park? Nasisiraan ka na ba?!"

Si Jessie kasama ko ngayon, nandito kami sa park. Sabi kasi ni Jaime, tuwing monthsarry raw namin, dito kami magkikita. Pero wala pa siya, kaya si Jessie muna kasama ko. Himala ha, si Jessie may suitor na. Pinahihirapan pa niya yung suitor niya, hindi raw kasi siya easy to get, kawawa naman si Xander. And yes, it's Xander. Nagulat nga kami ni Jaime eh nang malaman namin na nililigawan na ni Xander si Jessie. Okay na yun, may lovelife bestfriend ko.

Bigla naman tumigil si Jessie at umalis palayo sa akin, hinabol ko naman, pero ang bilis niya kaya hindi ko na siya nakita. Marami rin tao.
Bigla naman may narinig akong beat na song...
Tiningnan ko yun mabuti at nakita ko ang mga tao ay nagsimulang kumanta.

At sa kalagitnaan ng kanta ay lumabas ang lalaking kanina ko pang hinihintay na may dalang bouquet. At lumapit ito sa akin sabay bulong.

"Happy monthsarry. I'm sorry kung medyo pinaghintay kita." sabi niya habang nakangiti.

Take note: Madalas na rin siya ngumiti. Yun nga lang, sa akin lang siya nangiti. Sa ibang tao, suplado at englishero pa rin siya. Katulad na lang ni John, kawawa nga siya eh, sinuspladuhan pa rin ni Jaime. Pero cute pa rin sila. Lagi ngang inaasar ni John si Jaime yung tungkol sa slumbook ni Jaime? Hahaha.

"Happy monthsarry din, JAM." sabi ko at diniinan ko ang caps lock. Kumunot naman ang noo niyo sa akin, dinilaan ko naman siya.

"Joke lang. Galit agad, sige ka. Papangit ka niyan." pang-uuto ko. Hahaha.

"Hindi ako bata para utuin." sabi niya habang nakasimangot, tumawa naman ako.

"I love you." sabi ko nang matapos ako sa kakatawa.

"I love you too." sabi niya at alam na this. Hinalikan ako pero smack lang. Nag-sigawan naman ang mga tao, at bigla kong nakita si Jessie at kinindatan ako. Nakita ko rin naman si Xander na umakbay kay Jessie at nag-bangayan na naman sila.

Nakita ko naman sina John at yung finacee niya. Si Via at Gino (kaibigan ni Jam) at si Russel na may kasamang isang lalaki. Sina Tito Hiro at Tita Kristine, wala na. Umalis na sila. Mga 1 buwan na rin ang nakakalipas. :)

Nalaman ko rin na si Tita Hazel at Tito Kurt yung may-ari ng websie na need boyfriend. At sabi nila, ginawa raw nila yun para matuto ang mga babae.

Well, buti naman ginawa nila yun. Dahil kahit papaano, may natutunan ako.

Oopss!!! Si Neo nga pala, ito single pa rin siya. Nagta-try pa daw siyang mag-move on. Kaya ito nag-babakasyon siya sa malayong lugar. Pero uuwi na siya. Tapos na kasi ang christmas at new year eh. :)

By the way...

Ito na ang ending ko. :)

Ba-bushh... Magde-date pa kami ni Jaime. Sige, dyan na kayo! Bye!!!

***

End.

***

A/N: Medyo napabilis. Pasensiya na. Hahaha.. Sige, thanks sa mga readers na tinapos basahin ito. :)

***

Game OverTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon