Chapter 32- Picture

9 0 0
                                    

Chapter 32- Picture

(Jaime's Pov)

Ajay?? Ajay ang pangalan niya? Hmm... Bakit familiar mukha niya sa akin? Nakita ko na ba siya?

Kasalukuyang tinitingnan ko ang album ng Dad ni Kaila. Mukhang magmula bata hanggang ngayon eh nakalagay rito.

Wala naman masama sa mga nakikita kong picture na nakalagay rito, pero merong isang picture na nag-agaw pansin sa akin.

Is this mom? Si mama ba ito? O baka namamalik-mata lang ako? No.... Hindi ako pwedeng magkamali. Si mama na si mama ito, kita ko yung taling niya sa leeg. Siguradong si mama ito.

Natigil ako sa pag-iisip nang may maglapag ng tray sa table.

"Hey, Jaime. Baka nauuhaw ka. Inom ka muna." sabi ni Kaila. Umiling naan ako at iniharap ko yung album na kung saan ko nakita yung picture ni Mom.

"Kilala ba ng Dad mo ang babaeng ito?" tanong ko sa kanya at tinuro ko yung larawan.

"Yes. Sabi ni Dad, kaibigan niya yan." sabi niya at ngumiti.

"May naging ex ba ang Dad mo?" tanong ko ulit at sinarado ko na yung album. Mukhang nagulat ko ata siya sa tanong ko.

"I-I don't know. Anong klaseng tanong iyan? Hahaha, ang alam ko walang naging ex si Dad." sabi niya at ngumiti pero alam kong pilit lang iyon. Tumango lamang ako para manatiling tahimik na rin.

"Uhmm... Sabi nga pala ni Stepmom, dito ka na mag-dinner." sabi niya at ngumiti.

"Stepmom? Stepmom mo yung babaeng nandoon?" tanong ko ulit para makasigurado. Tumango naman siya ay ngumiti ng pilit ulit.

"I thought she's your mom. Where's your mom?" tanong ko ulit. I don't know kung bakit tanong ako ng tanong. May bumubulong sa akin na magtanong raw ako, at may kakaiba akong kaba na ayokong marinig pero kailangan kong malaman.

"Gone..." sabi niya at umiwas ng tingin, agad naman akong nag-sorry nang marinig iyon.
Tumunog ang cellphone ko kaya tiningnan ko kaagad ito at nakita ko ang pangalan ni Gino. Gino is my friend. Magaling siya, he's a spy.
Nag-text siya.... So nahanap na niya agad?

Gino:

It's Ajay Hermandez. If you want to know more information, punta ka rito tomorrow.

Muntikan ko ng mabitawan yung cellphone ko sa nabasa ko. Ajay? Ajay Hermandez? Kaila is Hermandez, kaya di akong magkakamali na Dad iyon ni Kaila. Dad iyon ni Kaila? So.... Magkakilala si Mom at ang Dad ni Kaila? Then why they didn't tell me? At.... Bakit pilit na pinapalayo ni Dad sa akin si Kaila? Di kaya may kinalaman ang Dad ni Kaila kay Mom? No. This can't be.

***

Kinabukasan....

"What the fvck is the other information?" bungad ko nang makapasok sa apartment ni Gino.

"This is your Mom, right?" tanong ni Gino at tinuro niya yung mukha ni Mom sa picture na binigay ko kahapon sa kanya, tumango ako.

"You better read this information." sabi niya at may inabot sa akin na folder, agad ko naman ito kinuha at binuklat. Binasa ko ito at habang nagbabasa ako nag-sasalita si Gino.

"Ayon sa nakita ko, magkakilala sila ng Mom at Dad mo, pati na rin yung mga kaibigan ng Mom at Dad mo which is your tita at tito. Sabi ni Via hindi lang raw sil--"

"Wait what? Via? As in Viathryn Arcaya?" tanong ko sa kanya at tiningnan siya.

"Yeah. She's my partner. Any problem?" tanong niya..

"N-nothing. Okay, continue." sabi ko at pinagpatuloy na niya.

"Sabi ni Via hindi lang raw sila magkaibigan. Ex ng lalaking iyan ang mama mo. Pero.. Hin--"

"What the fvck?! Ex ng mama ko iyang lalaking iyan?!" tanong ko at tinuro ko yung larawan na nasa laptop niya.

"Yeah.. Pero may kasunod pa. Makinig ka kaya muna." sabi niya at sinamaan ako ng tingin, nag-taas naman ako ng dalawang kamay at tumango sa kanya.

"Ex ng lalaking iyan ang mama mo, pero hindi naman raw talaga ex. Muntikan palang maging ex. Kasi hindi pa naman raw nagiging sila noon, ay iniwan na ng mama mo yung lalaki kasi sinasaktan ng lalaking iyan yung mama mo, but remember, Past na ito. Actually, si Sir Ajay Hermandez ang naging rebound ni Jackie para kalimutan si Hiro Ricardo which is yung totoong ex na ng mama mo. Argg... Kahirap ba nito." sabi niya sa huli at humawak sa noo niya.

Okay, mukhang alam ko na kung bakit pinapalayo ako ni Dad kay Kaila. Pero why? Labas na kami ni Kaila doon.

"Aish. Basta ex ng mama mo si Sir Ajay Hermandez, okay? Period. Pero ang nakatuluyan ng mama mo ay yung papa mo. Gets dude?" explain pa niya at tinanong ako para makasiguradong na-gets ko talaga. Tumango ulit ako sa kanya.

Kinuha ko yung folder at yung picture.

"Thanks, Gino. Maaasahan talaga kita. Sa susunod ulit, kaibigan." sabi ko at tinapik siya sa balikat saka umalis na doon. Kailanga kong umuwi.

***

"Dad. Tell me, ito bang lalaking ito ay naging ex ni Mom?" tanong ko kay Dad na ngayon ay kaharap ko na.

Buti tulog si Mom sa kwarto. At nandito lang kami sa sala.

"Muntikan okay?" pagtatama niya at tiningnan ako ng seryoso.

"Then why the fvck na pinapalayo mo ako kay Kaila?" tanon ko sa kanya at binato ko yung picture sa lamesa.

"Para sa ikabubuti natin! Baka kasi kapag nagkita-kita kami, baka magkagulo." sabi niya at tumungo.

"Bakit magkakagulo? Bakit pa kayo magkilita kung ayaw mo nga silang makita?" tanong ko at tinaasan siya ng isang kilay.

"May reunion kami! Okay? And yung reunion na yun ay yung mga magkakaibigan noong teenager, at kasama na doon ang mga naging anak. At ang date na iyon ay kung kailan tapos na ang inyong trabaho ni Kaila. You told me na one month na lamang kayo diba? So pagkatapos nun. At natatakot ako, dahil baka.... Baka may feelings pa sila sa isa't isa!" explain niya at tumungin siya sa akin na halo-halo ang emosyon. Hindi ko mabasa, hindi ko alam kung ano na ang nararamdaman niya. Ngayon lamang si Dad nagpakita sa akin ng ganyan itsura...

"Dad. Bakit ka matatakot? Come on. Ilang taon na ang nakalipas, ikaw ang nakasama ni Mom sa matagalan na panahon. Bumalik pa kaya iyon? Dad, hindi na, okay? Hindi na yun babalik." sabi ko at tumabi sa kanya.

"Then bakit di niya pa tinatapon yang picture na iyan?!" inis na tanong ni Dad at tinuro yung picture na nasa lamesa. This time, nagkaroon na ako ng kaba, mas mabigat na kaba. Yung kabang ngayon ko lamang naramdaman.

Bakit nga ba? Mom..... Bakit..... Nga.... Ba???
Kinuha ko yung picture at hindi nagdalawang isip na punitin ito.

"Bakit mo ginawa yun, son?" nagtatakang tanong ni Dad.

"I'm sorry, Dad. Mahal ko kayong dalawa, pero kakampi mo ako. Aayusin ko ito. Pero wag niyo akong pipigilin sa ginagawa ko kay Kaila." sabi ko at tiningnan siya ng seryoso.

"Answer me. Are you inlove now?" tanong niya at natulala ako...

Inlove na nga ba ako? No. Ugh, this is so gay. So gay!! Hindi ako inlove, lalo na sa babaeng iyon. Ayokong mainlove sa babaeng karelative ang magulang niya ang magulang ko.

***

Game OverTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon