Chapter 23- Being Handsome is not cool

8 0 0
                                    

Chapter 23- Being Handsome is not cool

(3rd Person's Pov)

"Ngayon lang yan, mag-sasawa din ang nga lalaki sa iyo." sabi ng isang babae na galit na galit kay Kaila.

"Girl, ano ng plano mo?" tanong ng kasama niya at tiningnan ito.

"Kinuha niya sa akin si Neo." sabi nitong babae at tiningnan ng masama ang mga banner na nakalagay sa school na nanggaling kay Neo.

"Yeah. Kinuha niya rin sa akin si Jaime. Ang aking mahal na pagkakilala ko pa lang sa kanya eh sa kanya na nag-may-ari ang puso ko." sabi ng kasama niya.

"Tsk. Di ko hahayaan na matalo tayo." sabi ulit nung babae at kinuha yung banner saka ginupit gupit at ginusot-gusot.

Tumingin bigla si Girl2 (yung kasama ni Girl 1) kay girl1.

"Girl. I know na kung paano mapaghihiwalay sila ni Jaime." sabi ni Girl2 at ngumiti ng napakasama.

Mukhang na-gets din naman ni Girl1 kaya tumigil ito doon sa banner at nag-apir ang dalawa saka tumawa ng parang witch.

"Humanda ka, Kaila Hermandez. Wahahaha." sabay nilang sabi at tumawa sa huli.

***

(Jaime's Pov)

"Whoa. Pre, sumama ka ah. Astig. Akala ko uurong ka na naman eh." sabi ng lalaking kaharap ko ngayon na siya ang dahilan kaya di ko nakasama si Kaila ngayon.

"Jam, lumayo na tayo rito." pagpipigil ni John sa akin at hinihila ako pero di ako magawang mahila.

Aalis ako kung kailan nandito na ako? Tanga rin itong si John paminsan-minsan eh. Tsk.
Kamusta na kaya si Kaila ngayon? Sino kayang kasama niya? Kasama niya kaya si Neo? Tsk. Kung magkasama sila, fvck. I'll stop this relationship.

"Ano bang kailangan niyo?!" irita kong tanong at tumingin sa kanya ng seryoso.

"Whoaaaa!!! Ang yabang mo ah!" sabi niya sa akin at lumapit pero nanatili lamang akong kalmado, pero ang dalawa kong kasama na si John at Russel ay hinihila na ako.

"Whatever. Why don't you just answer my question?" mukhang di niya naintindihan ang sinabi ko.

"Hoy. Wag mo kaming ma-english english! Wala akong panahon para mag-isip! Hindi sayo cool! Tangna!" sabi niya at tinulak ako ng mahina. Nag-sisimula na. Hmm.

"Why? Because all you know is to fight. Fight and to be cool which is uncool for you." sabi ko at ngumisi na ikin-tanggap ko ng isang malakas na suntok. Napapikit lang ako pero agad ko ito ulit iniharap sa kanya.

"Ayan lang ba kaya mo?" tanong ko dahil parang balewala lamang sa akin.

"Fvck, Jam! Stop it." rinig kong saway ni John.
"Jam, stop this. Baka mapagalitan kami ni Tita." sabi naman ni Russel. Pero di ko sila pinansin.

"Siraulo ka pala eh!" sabi ng lalaking kaharap ko at sinuntok na naman ako, pero humarap lang uli ako sa kanya at binigyan ulit siya ng isang malaking ngisi at dito na nila ako sinugod. 5 sila, 3 kami.

Sumugod sila, sumugod din kami. Di ko hahayaan na bumagsak kami ng wala man lang ganti.

Sino sila? Sila ang mga grupo na naiinis sa akin, dahil raw lahat ng babae eh nasa akin na raw. Fvck them! Nasa akin na? They are so stupid, ang mga babae ang pumunta sa akin. Hinayaan ko lang sila.

Jam, bakit ka kasi pumunta rito kung hindi mo naman kilala ang mga babae na nagkakagusto sayo.

Sinasapol ako sa bawat sinasabi ng utak ko. Tama siya eh. Tsk. Dapat di na lang ako pumunta. I'm wasting my time.

Susuntukin na sana ako ng isa niyang kamyembro pero agad kong napigilan ang kamao niya pero bigla na lamang ako nakaramdam ng masakit mula sa likod ko. Dobleng sakit. Dobleng sakit ang naramdaman ko. At nakita ko ang limang tao ay patakbo na palayo, napaluhod ako.

"Jam!!!"

"Fvck!!!"

***

(Russel's Pov)

I hate this! Ayokong nakakakita ng dugo. Nanghihina ako. Naiinis ako kapag nakakakita ng dugo.

"Fvck. Tumawag ka ng ambulansya!" sabi ni John kaya nataranta ako at agad kong kinuha cellphone ko sa bulsa at tumawag ng ambulansiya.

Tinawag ko rin si Tita Jackie at Tito James. Oh shet.

***

"Anong nangyari?!?!" bungad ni Tita Jackie ng makarating dito sa hospital.

Nailipat na naman siya sa isang room. Ligtas naman siya, medyo malayo lamang yung hospital sa bahay nina Tita kaya medyo matagal ang punta nila rito.

"Sorry, Tita. Di po kasi namin mapigilan si Jaime eh. As always, pumayag na naman siya sa isang kasunduan ng mga grupo ng gangster." sabi ni John at nag-bow pa siya.
Tumayo ako sa kinauupuan ko na katabi sa kama ni Jaime.

Pangalawang beses na siyang na-hospital. Kasi una, ganun ulit ang ginawa. Sinaksak na naman siya. Naaawa na ako sa kanya.
Umupo si Tita Jackie doon sa upuan na pinag-uupuan ko kanina at tiningna si Jaime.

"Russel. Kilala niyo ba ang mga yun?" tanong ni Tito sa akin, tumango ako bilang sagot.

"Mga kaklase ko lang rin po sila. Pero kadalasan, absent ang mga yun dahil nga po may mga ginagawang kalokohan." sabi ko kay Tito at nakita ko ang kamao niya na umikom napabuntong-hininga na lamang ako.
Tumingin ako kay John na hawak ngayon ang cellphone niya.

"Diba may girlfriend si Jam? Itext mo." sabi ko kay John. Tumingin naman siya sa akin at napa-iling.

"Wala akong number niya. Anong girlfriend? Fake girlfriend lang niya yun. Ano ka ba! Ikaw yung anak nung nag-gawa ng website wala kang alam." sabi niya at nagkamot sa ulo.

"Girlfriend na rin yun. Iisa lang yun sa FAKE GIRLFRIEND, may word na GIRLFRIEND kaya iisa na yun. Okay?" pag-iintindi ko sa kanya, kaya nag-face palm siya.

"Bahala ka diyan. Uuwi na ako, baka hinahanap na ako." sabi niya at tumayo saka nag-paalam kay Tita at Tito.

Ako naman eh nanatili na lamang ritong tahimik at pinag-masdan ang mukha ni Jaime.
Kahit puro pasa na mukha niya, ang gwapo pa rin niya. Yung katawan niya, ang daming tahi pero parang perpekto na perpekto pa rin ang katawan niya. Kaya lagi siyang hinahabol ng mga babae. Pinagnanasan at pinapanagarap. Pero siya yung tipong walang pakialam sa mga taong nakapaligid maliban sa mga mahal niya sa buhay. Iba si Jaime sa mga nakilala kong lalaki. Kasi siya, hindi niya sinasaktan ang mga babae, ngayon pa lang, yun kay Kaila. Alam kong sinusimulan na niyang saktan si Kaila. Pero wala eh, kasali sa rules. Mama kasi eh! Hindi na naawa doon sa tao. Gusto pa turuan ng leksyon.

Mahirap maging gwapo, ganito ang buhay, katulad kay Jaime.

Masarap maging simple. Simpleng tao. Walang problema.

***

Game OverTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon