Chapter 44- Hot

5 0 0
                                    

Chapter 44- Hot

(Kaila's Pov)

"Dad, tama na nga yan!! Kailangan kitang makausap! Mahal mo ba si Tita Jackie?!" diretsahang tanong ko at kinuha ko yung boteng hawak niya. Tiningnan niya ako at ngumiti. Fvck, lasing na din ata ito eh.

"Mahal na mahal. Bakit?" sabi niya at tumawa. Mukhang baliw si Dad sa ginagawa niya, ayoko naman na mabaliw siya dahil lang sa pag-ibig.
Pero sa narinig ko... Nainis ako na naawa na ewan ko, halo-halo na ang emosyon ko. Hindi ko maintindihan kung anong gusto kong ilabas.

"Dad. Mahal mo ba si mom?" tanong ko sa kanyanng seryoso at tumahimik siya at tumingin sa akin pero agad siyang umiwas.

"Dad." tawag ko ulit.

"Kapag ba sinabi ko sayo magagalit ka at iiwan mo ako?" tanong niya kaya natahimik ako at naramdaman kong palabas na ang aking mga luha.

"H-hindi, Dad." sabi ko.

"Minahal ko ang mom mo, minahal ko sa abot na makakaya ko, pero kahit kailan hindi ko siya minahal na kasing mahal na pagmamahal ko kay Jackie. Pero ikaw? Mahal kita. Si Lennie? Ang stepmom mo? Minamahal ko rin sa abot ng makakaya ko. Pero kahit pilitin ko sarili ko, hindi ko magawa. Dahil may natitira pang kapiranggot na pag-asa sa akin. Umaasa ako na babalikan pa ako ni Jackie." kwento niya kaya napaluhod ako at tuluyan ng umiyak.

"D-dad, gumising ka nga!! Hindi ka na mahal nun, may asawa na siya. Hindi mo pa ba kita sa mga mata mo kanina na ang saya nilang tatlo? Ang saya ng pamilya nila, at lahat sila ganun. Tayo lamang ang naiiba. Tayo ang naiiba! Bulag ka ba, Dad! Dad, ang tagal na nun eh, binata ka pa noon. Ilang taon ang nakakalipas, hindi ka pa rin nakakamove-on? Kakaiba naman yun. Dad, please. Kalimutan mo na sila." pagmamakaawa ko at humagulgol na.

"K-kaya ka ba... Laging galit kay Jaime? Kaya ba ayaw na ayaw mo sa kanya? Dahil anak siya ni Tita Jackie?" tanong ko pa habang humahagulgol, naramdaman ko naman ang pagyakap niya.

"I'm sorry, Kaila... Sadyang... Sadyang mahal ko lamang siya... At kaya ayokong... Ayoko kay Jaime, dahil tama ka. At nasasaktan ako sa tuwing nakikita ko siya. At lalo na at ang apelyido niya ay Young. Natatakot din ako dahil... Baka saktan ko lamang niya dahil baka katulad siya sa Dad niya na playboy rin." explain niya habang yakap-yakap ako.

"Iba si Jaime. Ayaw niya sa mga babae. At nasaktan ako Dad hindi dahil sa pinaglalaruan niya ako o kaya madami kami. Nasaktan ako dahil niya kaya akong mahalin." sabi ko at niyakap din siya.

"Eh bakit ka nag-inom dati noong inihatid kay ni Neo sa atin? Yung nakita mong may kasama si Jaime?" tanong niya pa kaya tumingin ako sa kanya, kumalas naman siya sa pagyakap.

"Dahil si tanga ako at minahal ko siya, at nasaktan sa nakita ko. Pero Dad, hindi naman talaga ako niloko ni Jaime eh.... Sa totoo lang, binlackmail siya ng isang tao kaya siya napasama sa babae. Ayaw niya akong saktan kaya siya pumayag na sumama doon sa babae. Hindi naman siya sasama kung hindi raw ang buhay ko ang nakalaan. Isa raw kasi akong importante sa buhay niya, pero nalaman kong bandang huli. Isa lamang akong trabaho." sabi ko at napatungo. Hinawakan naman ni Dad ang akong chin at tinaas iyon para makita niya ang mukha ko.

"Ikaw si Kaila Hermandez. Mana ka sa Mommy mo... Kaila, I promise... Kakalimutan ko na ang nararamdaman ko sa babaeng yun. At mamahalin kita pati si Lennie. Just... Tanggapin mo lang rin siya." sabi niya ng seryoso at tumango ako, ngumiti naman siya at ngumiti rin ako.

"Dad... Eh pwede ko na bang mahalin si Jaime ng libr--" hindi pa natapos ang sasabihin ko at pinutol na agad niya yun.

"No. Edi mahihirapan akong mag-move on? Sabay tayo syempre. Kalimutan natin ang nararamdaman natin sa pamilya nila. Hindi tayo pwedeng makipagrelasyon sa kanila, dahil isa lamang tayong magkakagulo." sabi niya at ngumiti ako ng pilit para sa kanya.

Tama naman si Dad pero bakit parang ang bilis ng panahon? Magmomove-on na naman ba?

"At sa tingin ko, ang pagkuha mo sa akin, ay hindi lang basta-basta may maitutulong. Mayroong aral na dapat kang matuto."

Naalala ko bigla ang sinabi ni Jaime. Now I know, alam ko na ang tinutukoy ni Jaime tungkol doon sa website.

Hindi ka dapat gumamit ng rebound para mag-move on. Dahil posibleng magkagusto ka rin doon at kapag nawala siya, magmo-move on ka na naman. Magmove-on ka gamit ang sarili mo.. Dahil doon mo mapapatunayan sa iba na kaya mong maging matatag kahit mawala ang taong nagtatanggol sayo. Kahit mawala siya sa buhay mo, ay kaya mong maging malakas at tumayo ng mag-isa na lamang. At hindi humanap ng iba para tulungan ka, dahil sa huli, ito ay iiwan at iiwan ka rin para turuan kung paano tumayo mag-isa.

At si Neo, hindi niya ako iniwan pero hindi ako natuto. At si Jaime? Si Jaime yung dahilan kung bakit ako nagising sa katotohanan. At si Jaime rin, ang dahilan kung bakit magagawa kong tumayo na ako lamang mag-isa. May katulong man ako, nandyan lang sila para suportahan ako.

Napangiti ako at tumayo.

"Dad, dyan ka lang. Gusto kong makausap si Jaime." sabi ko at hindi na hinintay ang sasabihin niya saka lumabas doon sa kumatok sa room ni Jaime, bumukas naman ito at bumungad si Tito James.

"Si Jaime po?" tanong ko, pero sinamaan lamang niya ako ng tingin.

"Tumigil ka na, Kaila." sabi niya at sinaraduhan ako ng pintuan, napa-pout naman ako at napakamot ng ulo saka napalingon sa may veranda at nakita ko siyang nakaupo doon, agad naman akong napangiti at lumapit sa kanya saka tumabi.

"Sorry Jaime sa nagawa ni Dad sa Mom mo. Sana mapatawad mo siya. Di nam--"

"Stop. Leave me alone." sabi niya at umisod ng konti palayo sa akin.

"Jaime. Okay lang sa akin na hindi mo ako kayang mahalin. Tanggap ko naman yun eh, pero sana kalimutan muna natin ang meron tayo noon. Gusto ko na ng panibago. Yung walang inis." sabi ko sa kanya at nag-pout kahit alam ko sa sarili ko na hindi naman yun tatabla.

Tumingin siya sa akin at sinamaan ako ng tingin.

"Ayok--"

"Please..." pagpipilit ko at tinitigan siya.
Bumuntong hininga naman siya at pumayag na saka tumingin ulit sa akin.

"Fine, and... Can I hug you?" pagpapaalam niya, ngumiti naman ako sa kanya habang tumatango. Niyakap naman niya ako at niyakao ko rin siya. Napaiwas naman ako sandali dahil napaso ako... Walang halong biro, pero napaso ako.

"Ang init mo?" tanong ko at kumalas sa kanya, bigla naman siyang umiling. Hinawakan ko naman agad siya sa noo.

"Ang taas ng lagnat mo... Tara na pumasok, mainit ka." sabi ko at tumayo at hinihila siya pero nagpapabigat siya.

"No." sabi niya.

Talagang ang kulit ba talaga ng lahi ng lalaking ito?! Mas makulit pa sa bata eh...

Damn, bakit ka kasi ganyan Jaime?

***

Game OverTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon