Chapter 27-The Clowns

7 0 0
                                    

Chapter 27- The Clowns

(Kaila's Pov)

"P.E natin ngayon, Kaila. Bat di ka pa nagbibihis?!" pinapagalitan na naman ako ng mga kagrupo ko sa P.E, lalo na si MAMA JESSIE.

"Kasasabi ko lang na nakalimutan ko yung p.e uniform ko!" sabi ko at inirapan siya.

Yeah, nakalimutan ko dahil sa bwisit na walang laman ang isip ko kundi si Jaime! Nag-aalala ako sa kanya, nagsisisi din ako. Anong klaseng tao ako na hindi man lang nalaman na na-hospital na yung tao. Tapos samantalang yung iba, alam nila. Nakakahiya eh!

"I have an extra t-shirt and jogging pants in my locker. Pwede mo yun hiramin. Kailangan natin i-complete yung attendance ng grouo natin. Kaya bilisan mo." sabi ng isa kong kagrupo at nag-crossed arm.

"Pwedeng wag niyo na akong isali. Okay lang sa akin na bumagsak ak--"

"Nasisiraan ka na ba ng utak?! Kaila?! God! Wag mo muna kasi siyang isipin! Please lang! Wag mo kaming idamay sa katangahan mo." pagpuputol ni Jessie sa sasabihin ko at umalis siya.

"Jessie's right." sang-ayon ng iba at umalis na rin.

Kaibigan ko ba talaga si Jessie? Diba kapag kaibigan mo, dapat dinadamayan ka rin niya? Pero bakit siya... Bakit siya ayaw na ayaw akong damayan? Ayaw niyang magkaproblema din siya? Kaibigan ko ba talaga siya?
Makaalis na nga lang dito sa gym. Baka lalo pa silang bumagsak ng dahil sa akin.

Umalis na ako doon at kinuha yung bag ko, pumunta ako sa c.r at pumasok sa isang cubicle.

Naiihi ako, iihi muna ako. Bago mag-cut ulit. Napapadalas na ang cut ko, dahil ito kay Jaime. Mapapagalitan siguro ako ni Dad kapag nalaman niya ito.

Lalabas na sana ako sa cubicle ng makarinig ako ng kalampag ng pinto. Sinilip ko ng kaunti pero wala namab taong pumasok. Kaya lumabas na ako saka humarap sa salamin at inayos ang sarili.

Hahanapin ko si Jaime. Pupuntahan ko siya, kung hindi ko mana mahanap. Di ako titigil.
At saka... Gusto kong itanong.... Kung tapos na ba ang relasyon namin kahit wala naman talagang relasyon. Kasi di pa tapos ang ginagawa kong pag-iwas kay Neo. Malapit na rin mag-one month.

Nang matapos kong ayusin sarili ko eh dumiretso na ako sa pintuan... Binuksan ko ito pero...

"Locked."

Shit! May nag-lock! Teka... Sinong magla-lock nito eh maaga pa naman?

Hinanap ko sa bag ko ang cellphone ko at pumunta ako sa contacts... Pero...

"Shit! Nakalimutan kong bumili ng sim card!" sabi ko at napaupo na lamang.

Shit shit shit shit! Kung sino man yung nag-lpck nito! Pakibukas please! Sira pa naman yung ilaw rito, naamatay tapos nabubuhay. Fvck shit talaga!!!! Ano ng gagawin ko?

***

(Viathryn's Pov)

Hey guys. Di niyo pa siguro ako kilala, pero hayaan niyo na lamang sumiit ako. Ang kaisa-isang anak ni Kathryn Perez Arcaya.

Papunta akong c.r ngayon. Wala lang, maghahanap lang ng wifi. Minsan kasi nakakasagip ako ng wifi sa c.r ng babae, free pa. Kaya sulit.

Nang malapit na akong tumapat sa pintuan ng c.r ng babae, may nakalagay sa pintuan na 'OUT OF ORDER'. Tumingin ako sa limang babae na nakaupo lamang katabi yung c.r.

"Bakit out of order ito?" walang emosyon kong tanong sa kanila.

"E-ewan ko. Naiihi na nga rin ako eh." sabi nung Girl1 at umiwas ng tingin.

Tumingin ako sa katabi ni Girl2, at umiwas ito ng tingin. Lahat sila tiningnan ko, lahat rin sila eh umiwas ng tingin.

Napangisi ako ng wala sa oras. Di talaga marunong umakto ang mga babaeng malandi. Sorry for the word, pero totoo naman. Itsura pa lang. Make up pa lang. Alam niyo, hindi naman sila gumanda sa pagme-make up nila, lalo silang pumangit, nagmukha kasing clown.

"Hindi ito ouf of order, at kung out of order man. Sana'y kaninang break time hindi na ako nakapasok rito. Sinong tanga sa atin?" ngumiso ako sa kanila. I know na sila ang nag-lagay nito. Paiwas pa eh.

May lumapit namang babae sa akin at akmang hahawakan na sana ako kaso umiwas ako at nahalata ko sa mata niya na sinabihan ako ng maarte.

"Hindi ako maarte. Ayoko lang na hawakan mo ako para sabihin sa akin na out of order ito. Sayang lamang yung effort niyong pagtatago. Tsk. Give me the key." sabi ko at inihanda ko na kamay ko.

"Haha! Key? Sino ka ba? Duh! Wag mo nga kaming pagmukhaing tanga!" sabi niya at pinandilitan ako, pero nagface palm lamang ako.

"Ehem. Sino bang mukhang tanga sa atin? Alam mo naman nasa iyo yung susi pero dinedeny mo kahit alam ko naman na nasa iyo. Sinong tanga ha?" paghahamon ko pero umiwas siya ng tingin.

"Ayan ang problema sa inyo! Sa una lang kayo malakas, pero kapag nabuking na, mahina na kayo." dagdag ko pa at inirapan sila.
Mukhang nainis ko ata siya dahil tiningnan niya ako ng masama.

"Hindi kami mahina." pagtatama niya pero mali pa rin naman.

"Walang kontrabidang hindi nanghihina sa huli. Aminin niyo, may kinulong kayo dito ano?" pagtatanon ko at tinuro yung pintuan ng c.r ng babae.

"Excuse me. Hindi kami kontrabi--"

"Hindi ko kayo tinatanong kung kontrabida ba kayo. Tinatanong ko kung nay kinulong kayo rito." tanong ko ulit.

"Whatever. Tara na nga girls. Umalis na tayo rito." sabi niya at tumalikod saka niyakag ang mga kasama niya. Napangisi ulit ako.

"Okay. Wag niyong ibigay. Sabihin ko na lang sa principal. Ms. Valey." sabi ko kaya itinigil niya yung paglalakad at humarap sa akin. Saka may ibinato pero nasambot ko.

"Di pa tayo tapos!" sabi niya at maglalakad na ulit sana kaso nagsalita ulit ako.

"Adi tapusin natin. Period." sabi ko at ngumisi. Siya naman eh nagpapadyak at sumigaw saka umalis na ng tuluyan.

Binuksan ko na yung pintuan at nagulat ako sa nakita ko.

"I-ikaw si Kaila diba?" tanong ko habang gulat na gulat kung sino ang nakita kong kinulong sa banyo. Tumango naman siya.

"Bakit ka kinulong ng mga babaeng iyon? Galit ba yun sayo?" tanong ko at tinaasan siya ng isang kilay, pero nag-shrugged lamang siya ng balikat.

"Aalis na ako. May pupuntahan pa ako. By the way, salamat sa pagtulong. Wait. Anong name mo?" tanong niya at tinuro ako.

"Via." sabi ko at inilahad ko ang kamay ko para makipag-shake hands. Nakipag-shake hands naman siya.

"Nice to meet you. Alis na ako!" sabi niya at tumakbo na palayo at iniwan ako rito.

Di man lang siya kumatol ng kumatok rito sa pintuan para may makarinig sa kanya? Di man lang siya umiyak?

Sinarado ko yung pintuan ng c.r.. Tinatamad na akong mag-wifi. Mabuti pang umalis na. Ms. Valey, may galit kay Ms. Hermandez. Okay, may panibago na naman akong aalamin.
Paano ko nalaman? Kita sa I.D niya.

***

Game OverTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon