Chapter 5- Dessert

13 0 0
                                    

Chapter 5- Dessert

(Jaime's Pov)

Nandito lang ako sa likod ng school nila, baka makita ako ng guard, trespasser eh.. Maraming nakakita sa akin pero binabalewala ko na lang iyon.

Ang dami rin naman pala rito nagka-cutting, mga babae pa? Pero bakit dito sila nagka-cutting sa place na ito?

Biglang may lumapit na dalawang babae sa akin pero di ko sila pinansin.

"Hi, Kuya! Kaano-ano ka ng babaeng feeling maganda na kasama mo kanina?" maarte niyang tanong, tiningnan ko siya ng walang emosyon.

Bakit may mga tao na kung makapanlait eh wagas? Feeling maganda si Kaila? I think, her beauty is natural.

"I'm her boyfriend, at hindi siya actually na feeling, I love her because she has a natural beauty and she has a kind heart. Not just like you, shameless." pag-tatanggol ko kay Kaila. Half untruthful, half true.

Nagulat siya sa sinabi ko, pati yung isa niyang kasama.

Bakit sila magugulat? Totoo naman diba?

"I'm sorry kuya sa sinabi ng kasam--"

"Okay." sabi ko at tumayo saka lumayo sa kanila at nag-hanap ng panibagong lugar.

Bigla naman akong nilapitan ng ibang babae na naman pero this time iba.

"Omg! Kuya, pa-picture!" sabi ng isang babae at tumabi sa akin.

"I hate taking a selfie." sabi ko at nag-pamulsa saka lumayo sa kanya, pero may iba pa rin sunod ng sunod, dahil naiirita ako, hindi naman ako aso para sumunod sila na parang buntot, tumigil ako sa paglalakad at nag-salita ng hindi tumitingin sa kanila.

"Hindi ako aso para mag-kabuntot. Pwede bang wag kayong sumunod ng sumunod? Tsk." irita kong sabi sa kanila at tuluyan ng umalis doon.

Mga babae nga naman, makakita lamang ng gwapo (totoo naman na gwapo ako), lalapitan na agad. Magpapa-cute pa? Tsk. Nag-mumukha silang pangit lalo eh, pangit na nga, lalo pang pumapangit.

Biglang nag-ring ang phone ko kaya tiningnan ko ito.

*John's calling*

Ano na naman ba kailangan ng lalaking ito? Kapag ito nahingi na naman ng love advice, mauupakan ko na itong lalaking ito. Hindi naman ako expert dyan sa love! Sa akin nalapit. Tsk!

Sinagot ko ito pero di ako umimik at hinintay na siya ang mauna.

(Hoy, pre. Bakit ka ba umabsent na lamang basta-basta? Alam mo bang wala akong ka-partner dito sa activity na mag-gagawa ng dessert. At alam kong magaling ka mag-luto, kaya dapat ikaw ang nasa pwesto ko. Takte! Ang baba ng marka ko rito panigurado.)

"Tapos ka na?"

(Seryoso ako, Jam.)

"Don't call me Jam. Fvck, it's gay."

(Adi seryosohin mo ako.)

"Why would I?"

(Jam! Kailangan ko ito, anong gagawin ko?)

"Learn how to make a dessert. Fvck, Jo. Wala ka kasing alam kundi kumain na lamang ng kumain."

(I love eating, Jam. Don't call me Jo. It's so fcking gay.)

"Then don't call me Jam too. Tsk."

(Okay, okay! Ganito na lang, alam ko kung bakit ka absent. Mag-search ka na lang ng ating lulutuin, tapos bumili ka ng mga kailangan na ingredients. Pupunta ako sa inyo, para ibigay sayo yung pera ko. Tapos ako na ang mag-luluto, marunong naman ako mag-luto kahit papaano. Tapos kapag ipinasa ko kay Panot, isasali kita. Malakas naman ako doon eh, mag-gawa ka na lang ng video katulad ng kapag binibili mo na yung mga ingredients, at saka yung pagse-search para may provement. Gets mo na, pre?)

"Haba ng sinabi mo, may paki ba ako?"

(Fvck, Jam. I'm serious here!!)

"Tsk. Oo na, gagawin ko na yung inutos mo. Pero hindi ko gagawin yung vivideohan ko sarili ko. Kahit wala na akong marka okay lang. Tsk."

(Sure ka dude?)

"Daldal mo. Bye na!"

Binabako na yung tawag dahil sa totoo lang, rindi na ako. Ang lakas ng boses niya! PARang naipit na ewan! Wooo!

Biglang nag-ring na yung bell, break time na nila. Makakasama ko na naman yung madaldal na babae na yun. :3

***

Game OverTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon