Chapter 31- My Boyfriend

10 0 0
                                    

Chapter 31-

(Jaime's Pov)

"Jammmmmm!!!!!!!!!!!!" rinig kong tawag ni Dad mula sa baba... Nasa kwarto kasi ako at nag-lalaptop. At alam ko yung signal ng pagtawag ni Dad sa akin. Mukhang may problema kami.... Shit!

Lumabas ako kasama yung aking headphone.

"What?!" inis kong tanong sa kanila.

"Tapusin mo na yung iyong ginagawa kay Kaila." seryoso niyang utos.

"Teka... Bakit mo pinapatapos agad? Eh sayang naman yung ginagawa niya?" pagpipigil ni Mom.

"Mas mabuti ng matapos ng maaga para kunti lang yung nasayang kaysa tapusin pa at mapapunta pa sa wala, mas lalong sayang yung ginawa." sabi ni Dad.

"No. Sayang yung pinagpaguran ni Jaime." pagpipigil ulit ni Mom.

"Tsk. Jam, tapusin mo na. Period."

"No!"

"Yes."

"No!"

"Yes."

"No!"

"Ye--"

"Shut the fvck up!!! Bakit ba pinag-aawayan niyo iyan. Nasa akin pa rin yung desisyon. Kaya wag niyo na akong pigilan pa." pagsasaway ko sa kanila at pumasok na ulit sa kwarto.

Ano bang problema nila? Bakit kailangan pa nila akong pigilan pa kung kailan huli na? May problema ba kay Kaila? O sila ang may problema kay Kaila? Kaila is perfect for me. That's it.

Nakita ko naman na pumasok si Dad sa kwarto ko, sinuot ko namann agad yung headphone ko at nilaksan ang volume, saka humarap sa laptop.

Bigla naman hinarangan ni Dad yung monitor ko at ang pinangharang pa eh isang picture. Isang picture na si Mom at may kasama isang lalaking hindi ko kilala, basta noong dalaga pa si Mom.

Inalis ko headphone ko at kinuha yung picture.

"Who the fvck is this guy?" inis kong tanong kay Dad, pero di niya sinagot ang tanong ko... Umalis na siya sa kwarto ko at sinarado ang pintuan... Tiningnan ko ulit yung picture. Who the heck is this?

Humiga ako sa kama at pinagmasdan yung picture... I guess, baka kaibigan lang ni Mom.

***

(John's Pov)

"Oh? Napatawag ka? Jam?" sabi ko sa kabilang linya.

(Pupunta ako kay Gino, sama ka?)

"Whoa. Minsan ka lang doon pumunta ah. Bakit? Hihingi kang tulong ulit?"

(Yeah. Meron akong kailangan malaman, and it's important. Really important.)

"Okay, okay. Sama na ako. Baka mas mauna ka lamang sa pagpunta doon. May ginagawa pa ako."

(Okay. Just be sure na pupunta ka.)

Binaba na niya yung tawag. Anong nangyari sa lalaking yon? Kahapon lang sobrang cold. Ngayon, aba... Bumalik na ulit yun dating Jam. Mas moody pa siya kaysa sa babae eh.
Inilapag ko sa sahig yung cellphone ko at nagpatuloy na sa ginagawa ko. Ang ginagawa ko lang naman, tinitingnan ang mga old pictures namin ni Jam. Wala lang... Nagbago kasi ang lahat ng bagay. Lalo na si Jam. And I miss the old Jam. Really. Hindi ako gay, baka isipin niyo na gay ako. Tsk. Kasi ibang-iba na si Jaime ngayon.

May nahulog na isang notebook na puro sira na. Binuklat ko ito at may mga nakasulat na tungkol sa mga likes at dislikes namin ni Jam.

Jam

Likes:
-Food: Anything delicious. (basta luto ni Mom)
-Movies: I really don't watch movies.
-Music: All in my playlist.
-Number: Is this important?
-Color: Blue and Black
-Wanna-be-girlfriend: I don't know. I just want the one who will make my world complete and makes my heart beats so fast. Like an angel. :)

Err... Ang gay ng mga sagot ni Jam rito. Really? Doon sa number, sinagutan pa nita ng ganon? Magrereply ba yon? Pwede naman none na lamang eh. Pati doon sa movies. Arggg... Pero nakakatuwang isipin, para siyang isang lalaking mahilig pa rin manood ng fairytales.. Like an angel daw? Oh shet! This is so fvcking gay. Gusto ko itong ipakita kay Jam. Hahaha, siguradong maiinis yun sa akin. Pero hindi muna ito yung right time. Mukhang may kailangan siyang tapusin eh. Mabuti pang pumunta na kay Gino.

***

(Jaime's Pov)

"Do you need something? Again???" bungad niya ng pagbuksan niya ako ng pintuan.

Pinakita ko naman sa kanya yung picture na binigay sa akin ni Dad, kinuha niya naman ito.

"Okay.... Hahanapin ko kung sino siya?" tanong niya habang tinititigan ang picture, tumango ako bilang sagot.

"Tawagan na lamang kita, kapag nakita ko na kung sino siya. Okay?" sabi niya at tumingin na sa akin.

"Lahat ng details please." sabi ko at tiningnan siya ng mabuti.

Tumango siya at sinarado na ang pintuan, pagkatalikod ko, nakita ko si John na pababa pa lang sa kotse niya.

Lumapit naman agad ako at tiningnan siya ng seryoso.

"Tapos na. Pwede ka ng umuwi." utos ko at lalampasan na ulit sana siya kaso pinigilan niya ako.

"Kakarating ko lang, papaueiin mo na agad ako?" tanong niya at sinamaan ako ng tingin.

"Ang bagal mo kasi." sabi ko at dadaan sa hindi siya nakaharang, kaso humarang ulit siya.

"May problema ka ba?" tanong niya at nagcrossed arm. Umiling ako bilang sagot.

"Tsk." sabi niya at pumasok na ulit sa kotse niya.

Jo, are you gay?!

***

(Kaila's Pov)

"Kailaaaa!!!!" rinig kong tawag ni Dad kaya napalabas naman agad ako sa kwarto ko at pumunta sa kanya.

"Yes, Dad?" tanong ko at tumayo ng straight.

"Di mo sinabi na may bisita ka pala?" tanong niya at tiningnan ako ng seryoso. Tumingin naman ako mula sa likod niya at nakita ko si Jaime na nasa sala nakaupo. Bat ang aga niya? 5:30 pm pa lang ah. Excited naman ata siya eh.

"Hihi..." tawa ka kay Dad at ngumiti ng pilit.
Hinila ko siya papunta sa sala at tumabi akko kay Jaime at inalalayan siya tumayo.

"Dad, si Jaime po... B-boyfriend ko po." sabi ko at nagkamot ng ulo.

"Yeah. I know him." sabi niya at naglahad n kamay niya, para makipag-shake hands.

"Goodeve po." sabi ni Jaime at nakipag-shake hands na at ngumiti. Tsk. Siya? Ngumiti? As in? Nakakatampo naman yun. Sa akin hindi siya nangiti. Huhuhu T.T

"Ajay." sabi naman ni Dad at ngumiti kay Jaime. Nagtatago lamang panigurado si Dad ng galit. I can feel him.

"Sige. Maiwan ko muna kayo. Tsk." dagdag pa ni Dad na halata ko sa kanyang aura na galit kay Jaime at umalis na. Siguro dahil may boyfriend na agad ako. Hahahaha...

"Uhm.. Pasensiya ka na kay Dad. Suplado lang talaga yun." sabi ko at ngumiti sa kanya. Tumango naman siya bilang sagot at umupo na.

"Dyan ka lang, ipaghahanda lang kita ng inumin." sabi ko at aalis na sana kaso pinigilan niya ako.

"Can I see that album?" tanong niya at may tinuro na album. It's Dad Album magmula noong bata pa siya.

"Y-yes." sabi ko at kinuha iyon at ibinigay sa kanya.

"It's Dad Album." sabi ko at kinuha naman niya at agad na binuklat. Pumunta naman ako sa kusina, at nakita ko si Stepmom.

"Kaila, sabihin mo sa boyfriend mo na dito na siya kumain ng dinner." sabi niya habang nagpe-prepare ng pagkain namin, tumango naman ako.
Buti hindi masyadong nainis si Dad.

***

Game OverTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon