Chapter 12- Heal Her!

11 0 0
                                    

Chapter 12- Heal Her!

(Kaila's Pov)

Pinunasan ko ang mukha ko na basa na at tumingin sa kanya ng seryoso.

"This is not the right place to cry. Come with me." sabi niya at hinila ako.

Bakit ito nandito? Sabi ko kay Jessie na sabihin niya rito na masama lasa ko, pero bakit nandito siya at kasama ko at hawak ang kamay ko.

Sumakay kami sa kotse na dala niya. Bihira lang siya mag-kotse. At ini-start ang engine saka nag-simula ng mag-drive. Nakatingin lang ako sa tabi kong bintana at nananatiling tahimik, at nagfa-flashback sa akin yung nakita ko kanina.

"Saan tayo pupunta?" tanong ko kay Jaime pagbasag ko sa katahimikan, pati na rin para maiwasan kong maalala yung nakita ko kanina.

"Basta." sagot niya at nanatiling nakatuon ang tingin niya sa daan, kaya tumahimik na lang ako.

Pansin kong malayo-layo na kami sa lugar namin. Saan kaya ako dadalhin ng lalaking ito?

***
(Jaime's Pov)

Bakit ko siya nakita? Bakit ko siya kasama? Nakita ko kasi siya kanina. Nasa rooftop ako, at kita lahat ng ginagawa ng mga estudyante. Dahil konti lang ang estudyante, nakita ko siya. Di ako nag-dalawang isip ng sundan siya. Dahil nakita ko siyang papunta sa likod ng school ay tumawid ito. Kaya sinundan ko na lang siya hanggang sa park. And I knew it, there's a pain in her heart.

Itinigil ko ang kotse ko na maka-park na ako. Dito kami pumunta sa place na kung saan dito ako malimit tumambay, lalo na at mabigat ang loob ko. Dito ko nilalabas ang sama ng loob ko. Matagal-tagal na ako rito hindi nakakapunta.

"Nasaan tayo?" tanong niya ng makalabas siya sa kotse.

"Anong nakikita mo?" seryoso kong tanong sa kanya at hinawakan ko kamay niya.

"Dagat at ang palubog na araw." sagot niya at sumabay na sa pag-lalakad. Pumunta kami sa isang lugar na walang tao. Yung kami lamanh dalawa.

"Dito mo ilabas ang iyong sakit na nararamdaman. Walang makakadinig, may makadinig man at makakita sayo. Wag mong pansinin." sabi ko at binitawan na ang kamay niya. Tumingin naman siya sa akin at humarap. Saka yumakap. Niyakap ko rin naman siya. I know that she need some shoulder.

Kumalas siya sa akin at saka humarap sa dagat at sa palubog na araw.

"Tangna! Bakit ang manhid-manhid mo?! Iniwasan lang kita, iniwasan mo na rin ako! Tangna! Ano bang problema mong lalaki ka!!?? Ano bang gusto mo sa akin?! Bakit kailangan mo akong.. Hu... Hu.... S-saktan ng ganito?? B-bakit.... Kailangan m-mong mag-effort n-ng s-sobra? K-kung... H-hindi mo naman pala ako... M-mahal?!?!" sigaw niya pero hinayaan ko lang siya.

Ganito pala ang mga babae ano? Kapag mag-isa saka na lamang niya ilalabas ang sakit na nararamdaman siya. Ayaw nilang ipakita sa ibang tao na nasasaktan sila, na mahina sila kahit ang totoo eh mahina naman sila.

"Neo Hotara!!! MAHAL NA MAHAL KITA! Sana maramdaman mo. Pero mukhang... I-imposible." dugtong pa niya at lumuhod na siya at humagulgol na lamang..

Lumuhod rin ako at niyakap siya mula sa likod. Tiningnan ko ang araw...

"You fall, like the sun." bulong ko sa kanya. Di ko alam kung narinig niya o hindi, pero wala akong pakialam.

"Jaime... P-pwedeng payakap?" pagpapaalam niya. Hindi ako sumagot kundi iniharap ko siya sa akin at niyakap na niya ako.

"Ganito ba talaga kapag umiibig? Kailangang masaktan?" tanong niya sa akin, pero di ako sumagot. Heto na naman kasi... Love advice na naman. Fvck! I hate love advice. It is so fvcking gay!

"Shhh..." pagpapatahan ko na lang sa kanya, kasi hanggang ngayon umiiyak pa rin siya. At basa na ata damit ko, pero wala eh.. Nasasaktan yung tao.

Umiyak pa rin siya kaya yung nangalay na ako, wala akong ginawa kundi iharap ko siya sa akin. Tiningnan ko siya, mata sa mata.

"Shhh... Tama na." pagpapatahan ko, pero siya tumutulo pa rin ang luha niya kaya pinunasan ko ito gamit ang aking thumbs.

"Will you stop crying? They probably think that I made you cry." sabi ko pero hindi ako galit. Seryoso lamang ako.

Pinilit niyang tumahan, pero yung last may tumulo pa rin. God... Ganito ba talaga siya nasaktan? Sobra-sobra? Fvck! I think... I need to do this. To heal her up and cover the pain.

Tiningnan ko siya sa mata, bago sa labi niya. At unti-unti kong nilapit ang mukha ko sa kanya, hanggang sa mag-dampi na ang aming mga labi.

Wala akong karapatan halikan siya. But because of my job, I need to heal her. Ayun ang dahilan niya kaya siya kumuha. Kaya wala akong magagawa. I hate doing this to the girl I really don't know.

I'm sorry, Kaila. You need this.

***

Game OverTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon