Chapter 22- Love

6 0 0
                                    

Chapter 22- Love

(Kaila's Pov)

Pagtapak na pagtapak ko pa lang ng isa kong paa sa tapat ng school, parang nakaramdam ako bigla ng kaba...

Bakit ganito ang nararamdaman ko? Dahil baka makita ko si Neo o lapitan niya ako dahil wala si Jaime? No no no! Di ako kinakabahan.

Naglakad na ako hanggang sa makita ko si Jessie na taranta na.

"Best. Wag kang papasok." sabi niya ng makalapit at tinutulak ako palayo.

"B-bakit?" natataranta kong tanong.

"Please, wag kang pumasok. Si.... Si Neo... May pinaplano. Nandoon siya sa campus, maraming mga estudyante ang nanonood at naghihintay sa iyo. Please, wag kang pumasok. Magtatapat siya eh." sabi niya habang natataranta.

Ha? Anong magtatapat? Ano naman ipagtatapat nun?

"Alam kong medyo naguguluhan ka pa. Mamaya na natin ito pag-usapan. Kapag wala na tayo sa school na ito. Dahil kapag pumasok ka ngayon, bukas issue ka. At may mga balak rin ang mga babaeng naiinis sayo. Please, ayokon mapahiya ka." pagmamakaawa niya pero di ako sumagot pa, hinila ko na lang siya at lumabas na kami sa school. Umalis kami doon, nag-taxi kami at pumunta sa isang lugar na magpapa-cool sa amin, basta yung may pagkain.

Tumingin ako ng masama kay Jessie at nagtaas siya ng dalawang kamay.

"Ok. Ito na, ikekwento ko na. Just... Just wag ka munang maniniwala ng basta-basta, you need proof. And please, kapag nagke-kwento ako. Wag kang magtanong ng magtanong na muna. Hayaan mo muna akong mag-kwento." sabi niya at tinitigan ako ng maayos.

"Oo na! Dami mong satsat. I-kwento mo na." sabi ko at inirapan ko siya.

"Wow. Excited! Di ko kaya ikwento?" pang-aasar niya na lalo kong ikinainis at ikinakunot ng noo.

"Ok. Ito na, ito na po, boss." sabi niya at saka umupo ng tuwid at huminga ng malalim.
Ready na ako marinig ang lahat. Ready na ang aking tenga.

***
(Jessie's Pov)

Nag-start na akong mag-kwento.

*Flashback*

"Bat ka nand--"

"Sabihin mo nga sa akin, bakit ba ako iniiwasan ni Kaila?" pagpuputol niya sa sasabihin ko na ayun agad ang sinabi niya at ito ang dahilan niua kaya siya nandito sa amin.

"Its because..." anong sasabihin ko? Dahil nasasaktan siya?

"Bakit mo naman yan tinatanong? Wala ka naman pakialam sa kanya diba? Kaya bayaan ko na siya." sabi ko. Di ko ata kayang sabihin na nasasaktan si Kaila. Pero bakit? Diba tama naman yun? Ang sabihin kay Neo ang nararamdaman ni Kaila dahil kung itatago na lamang yun, patuloy na may gumugulo sa mga isipan namin.

"May pakialam ako. Bestfriend ko siya, di ako sanay na bigla-bigla na lamang ako iniiwasan ng bestfriend ko." sabi niya at tiningnan ako sa mata.

Umupo naman ako at tumitig sa kanya.
"Bestfriend? As in BESTFRIEND lang talaga?!" diniin ko talaga yung may CAPSLOCK para naman maisip niyang mabuti.

Tangna kasi eh, bat ba ang manhid niya?
"Yes. Bestfriend." sabi niya at may pag-tango pa, napapikit na lamang ako at hinilot ko ang noo ko.

"Maybe, sawa na siya sa relasyon niyong BESTFRIEND lamang." sabi ko at tumingin ulit sa kanya, nakataas na ngayon ang kanyang isang kilay.

"What do you mean?" tanong niya na mukhang naguguluhan. Napabuntong-hininga na lamang ako.

Game OverTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon