Chapter 8
Kyle's Outlook
Kinakabahan ako na parang ewan, Lalo na ng ako na ang susunod para ligawan ang Maleficent. Totoo nga ang rumors about her at di lang yon dahil bagay na bagay talaga sa kanya ang Palayaw nya yun ay ang Maleficent. She's so mean! She's so evil! Ang sama nya to be honest pero......... I just keep thinking of how to sort my feelings for her lalo na ngayon ay unti unti nang dumedevelop ang aking feelings sa kanya.
"Bro, Good Luck!" Binatukan ko ang Blake na kanina pa nagsasabi ng 'Good Luck' saakin na ngayon ay tumatawa na.
"Tsk, Galingan mo haa!" Sabi ni Matt saakin.
Arghh! Dapat pala di na ako nag volunteer baka kasi mas masahol pa ang gawin nya saakin kaysa sa mga barkada ko.
"It's your chance Kyle!" I took a glance over Kurt na ngayon ay naka sandal sa sofa at naka cross arms at di lang yon dahil naka de kwatro sya ng upo.
"Yeah!" Walang gana kong saad.
Kasalukuyan kaming nandito sa Cafeteria at kaming apat lang sa room. VIP kase.
Tatlong araw na ang nakakalipas, at sa loob ng tatlong araw na yon ay hindi namin ginambala si Maleficent. Gusto lang namin palamigin ang issue about kay Matt, Hindi na nga sya pumapasok dahil sa hiya nya ehh.Nabalitaan kase ng daddy ni Matt ang nangyare sa kanya kaya agad syang kumilos para tabunan ang scandal na yon. Nang matapos na yon ay tinanong sya ng kanyang daddy kung sino ang babaeng gumawa sa kanya ngunit hindi nya sinabi bagkus ay nagsingungaling sya para lang di mapahamak ang babae. We all know kase kung pano yung daddy ni Matt magalit eh ayaw naman naming mapahamak ang girl na yon so we decided to keep it from his dad.
(Sighed)
I let a heavy sigh of relief dahil sa wakas ay magkakaroon na ako ng peace of mind. Hindi na muna ako sasabak para ligawan yung girl na yon dahil hinihintay ko ang right time.
Kasalukuyan akong lumalakad sa corridor at may hawak na logbook. Inayos ko ang aking glasses using my fingers.
"Good Morning po!"
"Good Morning Pres~"
"Magandang umaga po"
Sinuklian ko lang sila ng ngiti at matipid na 'The same to you' ang aking sinabi sa kanila. Well hindi na bago sakin to', They respect me dahil nga ako ay isang Campus President. Lahat ng aking nadadaanang mga student ay nag gu-goodmorning saakin at eto ako pa smile smile lang sa kanila.
Binuklat ko ang aking logbook to ensure all of the attendance in every each classroom. Well ito kase yung duty ko after ng recess ehh.
"Thank you Sir" Nag bow ako sa isang prof.
"It's okay" He said atsaka binalik na sakin ang logbook na kanina ay pinirmahan nya. For attendance.
"19 Down 7 classrooms to go" I just whispered to myself atsaka kinuha sa pocket ko ang aking handkerchief at pinunasan ang noo ko.
I again walk in the corridor and as usual all of a student greets me. Hawak hawak ko parin ang aking logbook at may ballpen na ako. Ang aking tingin ay naka focus sa logbook na ito at binabasa ang lahat ng mga names ng student.
Kasalukuyan akong naglalakad sa corridor ng biglang may tumama saaking dibdib na bato. Dahil sa impact na yon ay nahulog ang aking hawak hawak na logbook. Tsk!
Tinignan ko sya para bigyan ng Warning 1 galing sakin at para pagalitan na rin. When the time na nakita ko sya ay biglang......
********
Sandra's Outlook;
Naglalakad ako sa corridor at papunta na ako sa aking classroom. Kanina kase ay pumunta ako sa Office ni Dad para kunin ang kanyang permission na lilipat ako ng classroom.
Nung una ay hindi sya sang ayon dahil hindi ko sinasabi ang aking reason but in the end ay pumayag sya.
Napa smile tuloy ako dahil sa wakas ay magiging kaklase ko na si Aerickaa!
(Kablaggg!)
Dahil sa kakaisip ko tungkol sa classroom na aking lilipatan ay di ko napansing may nabunggo ako.
Na out of balance ako kung kaya't ito ako ngayon napaupo at lahat ng mga libro kong hawak hawak at mga paperworks ko ay nagsikalat na.
"Ayyt pasensya na po, sorry po, sorry po talagaaa di ko po sinasadya. Sorry pooo" Muntangang saad ko habang pinupulot ng mga librong nagsihulog sa ground.
Dahil sa dami ng mga libro at mga paperworks ko ay nahihirapan akong pulutin sila isa isa. Yung iba nakikita kong tinatangay na ng hangin at yung iba naman ay naaapakapakan na.
Patuloy pa rin ako sa pagpupulot ng mga paperworks ko ng biglang isang lalaki rin ang nagsimulang mag squat at nagsimula na ring dumampot sa mga nakakalat na paperworks at libro.
"Here Miss" atsaka may naglahad saakin ng kamay para makatayo.
Agad kong tinanggap ang kamay na yon at tumayo.
"I believe this is yours" Saka nya binigay ang lahat ng mga paper works ko. Kinuha ko lahat ng binigay nyang mga paperworks ng hindi ko sya tinitignan.
"Ayyt maraming salamat po" Atsaka nag bow pa sakanya.
Aalis na sana ako ng biglang pigilan nya ako.
"May I know your name?"
Kung kanina ay hiyang hiya akong tumingin sa kanya ay ngayon naman ay no choice ako kaya ayun....
"Pres. Kyle?" Laking gulat ko.
Si President Kyle ang kaharap ko?? My ghadd!!!
Napahawak ako sa aking dib dib and it says....
Dug dug dug dug dug...
It beats faster that I thought. Why am I feeling like this for him? Well maybe dahil sa kanyang alindog ng kay amo amo. Ghaddd! I need oxygen!!
"(Clears Throat) Your name?" Nag 'Ahemm pa sya'
"Ahmmm Abie ay hindi Sandra pala Oo Sandra Uy. Hehehe" Atsaka kumamot pa ako sa aking ulo. Muntik na ko dun.
"Hmmm.... Sandra Uy" He is saying my name while looking at the logbook.
"Ohh so ka department pala kita" He said.
"Opo" I smiled a little bit at inayos pa ang aking buhok sa may bandang tenga. You know, pampa charming ganon.
"Okay dahil dun papalampis ko tong nangyare. But be careful next time okay?"
"Opoo" Pa sweet kong saad.
"Okay you may now go to your class" Umalis na agad sya at di na nag atubiling lumingon pa sa akin.
See? Told you! Baka ang hanap non ay maganda. Tsk! Ganon talaga ehh! Ang mga may itsura yun yung mga taong tinatangkilig at ang mga panget ay yun naman ang mga binubully.
That's how our society works. Lahat ay naka depende sa itsura.
That's why I disguise myself as a Nerdy Person just not to caught some other attention and plus is to prove na totoo nga ang mga nababasa kong mga Love Story na ang mga kagaya kong nerd ay nakatuluyan nya ang may fame at gwapo na lalaki.
Agad kong inayos ayos lahat ng mga libro ko at nagtungo na lang sa aking locker para maayos ko na lahat ng mga gamit ko para by next monday ay lilipat na ako sa ibang classroom.
*********************************************************
TBC......
YOU ARE READING
Making Maleficent Fall in love. (Maldita The Series #1)
Short Story(Maldita The Series #1) ~You can run but you can't hide ~Encountering me is your biggest mistake ~I'ma Villain, Kontrabida, Antagonist, Kalaban, Queen of mean or Call me whatever you like but all I can say is....... Lovers are not allowed on my sig...