Chapter 1

11.2K 198 101
                                    

BRIELLA

"ELLA!" Nagtalukbong ako ng kumot pero patuloy parin sa pagyugyog.

"Ija, gumising kana may pasok ka pa." Naramdaman kong umupo si Manang Paula sa kama ko.

"Manang, five minutes nalang please." Inaantok na sambit ko. Hindi ako nakatulog ng maayos dahil sa tigang kong insomnia at may mga tinapos pa akong projects kagabi.

"Aba’y bumangon kana, maligo, kumain, at pumasok walang five minutes minutes na 'yan nasa baba si, Zaven baka magtanong kung bakit hindi kapa bumababa." Mahabang tinuran ni Manang kaya napabalikwas ako ng bangon.

Tsk. I don‘t care if he's still here, kasi first of all wala kaming pakialam sa isa’t isa.

"Yeah, baba na ako, Manang." I wiped my face and looked at Manang sleepily.

Hinimas ni Manang ang buhok ko. "Sumabay kana kumain sa asawa mo." Lalong kumunot ang kilay ko. Ew asawa?

"Asawa ko po siya sa papel hindi sa totoong buhay." Pagtatama ko kay Manang kaya bahagya siyang tumawa.

"Ikaw talaga bata ka." Tumayo si Manang at tuluyan ng lumabas at naiwan akong nakabusangot sa loob ng kwarto.

Niligpit ko ang higaan ko inaayos ko narin ang mga kalat na hindi ko na naitapon kagabi. Hinanap ko ang uniform ko at pumasok na sa bathroom baka mamaya sabihin na naman ng antipatikong lalaking 'yun inaasa ko sa mga kasambahay niya ang lahat at feeling reyna lang ako sa bahay niya.

Halos kalahating oras rin akong nag tagal sa loob ng CR para pagbaba ko hindi ko na siya maabutan. Hindi ko kaya ang atmosphere kapag nandyan siya malapit sakin. Nakakasira ng araw.

Pagtapos ko mag muni muni. Nagbihis na ako at kinuha ang project na ginawa ko pati ang gamit ko.

Naabutan ko pa si Manilyn na galing sa kabilang kwarto, room of an evil.

"Good morning, Atarah."  Bati sakin ni Manilyn isa siya sa mga katulong dito na kasundo ko dahil rin siguro hindi nalalayo ang edad naming dalawa.

"Good morning, love nandyan pa ba yung demonyo?" Agad naman siyang natawa at binaba ang labahing dala niya. Muka ba akong clown ngayong araw?

"Oo nandyan pa nag kakape, baka hinihintay ka ni, Sir para sabayan siya kumain." Napa ismid naman ako.

Sus, sabayan kumain baka mamaya kung ano ano na namang sabihin nun sakin. Bakit ba kasi nandito pa siya? Dapat nandun na siya sa company niya kuno.

Nakakalimang baitang palang ako sa hagdanan ng natanaw kong kampanteng nakaupo ang hari habang nagbabasa ng diaryo at umiinom ng kape.

Langyang to, nakaligo na akong lahat hindi parin tapos uminom ng kape? Jusme gaano ba kainit yung kape at ang tagal inumin ibuhos ko kaya yun sa muka niyang makinis para masunog.

Ay wait, paano masusunog ang apoy? eh hindi nanga ata siya tanggap sa hell kasi mas masama siya kay Satanas.

Pagbaba ko hinila ko ang isang upuan habang inilagay ang mga gamit ko sa isa pang upuan, ramdam na ramdam ko ang presensya ng lalaking 'to.

Kumuha agad sila Manang ng plato at naglagay ako ng isang sandok lang ng kanin. Wala akong gana kumain lalo na kapag nandyan siya.

Pansin ko ang pagtingin niya sa akin na parang may ginawa na naman akong mali, lakas ng amats nito.

"Get more food." May halong banta ang boses niya.

Tinaasan ko siya ng kilay at inirapan. "Paki mo?" Inis kong sambit.

Lintik na ’to lahat nalang napapansin. Eh kung sundutin ko 'yang mata mo.

"Tss, I pay all your bills this month." Ayan na naman siya. Eh ano ba kasing ibabayad ko sayo nagpasakal este nagpakasal nga ako sayo ng walang wala ako.

"Tapos? share mo lang?" Pilosopo kong sagot sa kaniya at sumubo ng marami.

Nasa akin ang huling halaklak. Pero mga beh ang sama ng tingin.

"Muka ba akong nakikipag biruan sayo bata?" Yung gigil ko sa lalaking 'to umaabot sa universe puro sama ng loob.

I glared at him. "Why did I say you were joking?" Oh ano ka ngayon kahit na anong sama ng tingin mo sa 'kin hindi ako mamatay.

"You are no different from the gold diggers I met after consuming my money and then leaving." Halos mag pintig ang tenga ko sa sinabi niya.

"You are just nothing for me." Malamig niyang tinuran kaya mas sumikip ang dibdib ko.

Gold digger? peperahan lang siya pagtapos ay aalis? bobo ba siya, hindi ko naman hiniling na pakasalan niya ako at pagkagastusan.

Hindi ko namalayan na tumutulo na ang luha ko habang nakatitig sa plato, hindi ko narin manguya ang kinakain ko.

Ramdam ko ang titig niya kaya agad akong tumayo at kinuha ang gamit ko sa upuan at lumabas na. Kahit na sa pag alis ko ramdam ko ang masama niyang presensya.

Pinunasan ko agad ang muka ko at huminga ng malalim.

"Oh aalis naba tayo, ija?" Agad akong lumingon kay Kuya Brent ang driver dito.

"Opo, Kuya tara na ayaw kong magtagal sa bahay ng demonyo." Napailing naman siya at tumawa.

"Ang laki talaga ng kagalitan niyo si Sir." Sumimangot ako at pumasok na sa kotse.

Pwede bang lumipas nalang 'yung araw o kahit linggo na wala siya dito sa bahay duon nalang siya sa kumpanya niya tumira.

Nakakasira ng araw, puro sama ng loob.

"Dito nalang, Kuya Brent." Inayos ko ang gamit ko at bumaba na.

"Paki text nalang ako, ija kapag papasundo kana." Tumango ako at naglakad na papasok sa university.

Isa pa 'tong pag aaral ko, tatay niya ang gumagastos sa pag aaral ko lahat lahat. Pero 'yung siraulong 'yun grabe maka sumbat wala naman siyang ambag sa buhay ko puro sama ng loob lang.

"Umagang umaga mag kasalubong 'yang mga kilay mo." Sambit ni Aurelia.

"Wag kang dumagdag sa sama ng loob ko." Mataray kong sambit sa kaniya pero itong si gaga tinawanan lang ako.

"About ba sa husband mo?" May panumukso ang boses niya kaya agad ko siyang hinampas sa balikat.

"Mananahimik ka o puputulin ko 'yang dila mo?" Agad naman siyang ngumuso.

Alam niya ang kasal ko at ang tungkol sa lalaking kina mumuhian ko. Siya lang ang isa sa mga pinagkakatiwalaan kong kaibigan kaya naman ayun sinabi ko kahit na may pagka gaga 'to.

"Class is over!" Tumunog na ang bell at nagsalita na ang prof namin. Buong klase akong nakayuko at wala namang pumapasok sa isip ko.

May paaral aral pa kasi hindi naman ako papayagang mag trabaho nung asawa ko kuno. Ewan korin duon pag aaralin ako, isusumbat 'yung mga nagastos sa 'kin tapos hindi naman ako pag ta-trabahoin t*nga talaga.

CEO paman din siya. Mindset ba mindset.

"Aalis na 'ko." Paalam ko sa mga kaklase ko at lumabas na ng university.

Wala naman ako sa mood lumabas at pumunta kung saan saan may mga projects at assignment pa akong kailangan gawin.

Tinawagan ko ka agad si Kuya Brent at nagpapasundo na ako.

"Kuya, bakit ang tagal mo ngayon?" Oo ako ang unang umalis pero ako naman ang hindi pa nakakauwi halos ilang oras na akong naghihintay dito.

"Pasensya na, Ella pero kailangan mo raw pumunta sa kumpanya ni Sir." Tumaas ang kilay ko.

"At bakit naman po? anong gagawin ko sa kompanya nung demonyo?" Ang dami ko pang gagawin dadagdag pa siya.

"May pagagawa daw sayo." Napasinghap ako.

"Ang dami niyang tauhan bakit kailangan sa akin pa ipagawa, iba rin trip niyan e'." Iritang sambit ko.

Pero baka kung ano ano na namang sabihin niya sa akin kaya sumama nalang ako kay Kuya Brent papuntang company kuno nung demonyo.

"Bwisit talaga." Bulong ko.

CEO's Series #2: His Secret Wife | ✓Where stories live. Discover now