Chapter 2

5.9K 147 79
                                    

BRIELLA

Pagdating ko sa kompanya niya muntik pa akong hindi papasukin nung guard, nakaka stress naman kasi 'tong kumpanyang 'to ang daming alam.

Kailangan may pa formal formal wear pa, daming kineme.

"Do you have an appointment?" Tinaasan ko ng kilay ang lalaking sumalubong sa 'kin.

"Hindi na kailangan, Mark pinapatawag siya ni, sir." Tumango naman ang lalaki at tinuro ang office nung demonyo.

Hindi na ako kumatok, ano ako pa mag a-adjust?

Pagpasok ko sa loob sumalubong sa akin ang malamig na hangin at ang amoy panglalaki.

Uy grape, pwede na tumira si Elsa dito. Ipapatawag ko siya mamaya.

Nakita ko siyang nakaupo kaya dahan dahan akong pumasok nang hindi gumagawa ng ano mang ingay.

Ganito 'yung mga napapanood kong magnanakaw sa TV.

Nakatalikod naman siya kaya alam kong hindi niya ako nararamdaman.

Zaven Aillard Monzario
CEO

Amoy yayamanin na masama ang ugali. Hinihintay ko siyang humarap pero walang epek kaya umupo nalang ako sa kaharap na upuan at nangalumbaba sa lamesa niyang mukang mamahalin.

"Why? did something happen?"

Ay wow, ako ba kinakausap? sasagot naba ako?

Medyo tumingala ako para makita ang ginagawa niya. Ay mga beh may kausap pala sa cellphone kala ko nag c-care na siya sa 'kin. Paasa.

"Yeah I miss you too, babe." Napangiwi naman ako at nangliit ang mga mata ko sa sagot niya.

"Tss, after those years. Yeah I don't know I still love you." Mas lumiit ang mga mata ko.

Parang ang unfair siya may girlfriend tapos ako bawal, parang mali 'ata 'yun.

"Yeah bye, see you soon." Kakapal ng mga apog may pa see you-see you soon pang nalalaman.

"Oh tapos kamusta bebe time niyo?" Nakita ko ang pag balikwas niya ng pag kakaupo kaya napangisi ako.

"W-What are you doing here?" Tignan mong katangahan nito.

"Yung totoo bakit ikaw 'yung ginawang CEO ng company na 'to kung ang kitid ng utak mo?"

He glared.

I smirked.

"Tss, I can't believe it." Malamig niyang tinuran.

"Sino 'yung kausap mo? bebe mo? uy ldr?" Malamig niya akong tinignan.

"That's none of your business." Inirapan ko siya.

Itong lalaking 'to bukod sa ayaw sa mga tao na parang ang dumi dumi namin para lapitan siya at lakas pa ng kagarapalan sa katawan.

Siguro hindi siya naghihilod.

"Tch masama 'yan tol, pumapatol ka sa internet love. Naku trauma makukuha mo d'yan sinasabi ko sayo."

CEO's Series #2: His Secret Wife | ✓Where stories live. Discover now