Chapter 9

3.9K 128 11
                                    

Dedicated to: Azelluna

BRIELLA

"Hi." Ang hinhin ng boses niya. Hindi ko namalayan na kanina pa pala ako nakatigtig sa babaeng 'to.

"H-Hello po Ma'am, do you need—" Naputol ang sinasabi ko dahil sa malakas na pagbukas ng pinto na kinagulat naming pareho.

"A-Azda?" Parang gulat na gulat ang reaksyon niya sa babae.

"Hey Babe." Parang may bumarang tinik sa lalamunan ko dahil sa sinabi niya agad siyang lumapit kay Zaven at hinalikan ang pisnge nito.

"I miss you so much." Isang halik pa ang binigay niya pero sa labi na. Mas bumilis ang tibok ng puso ko.

Bakit kailangan sa harapan ko pa kayo manglandian?

"E-Excuse me Sir and... Ma'am." Nakita ko ang pagtataka sa muka ni Zaven pero tuloy parin akong lumabas ng opisina niya.

Pagsarado ko ng pintuan huminga ako ng malalim, parang ang bigat ng atmosphere duon.

Ang bigat sa puso.

"Hey Ms. Monzario." Umangat ang tingin ko kay Devitt as usual naka ngiti na naman.

Kanina pa ako nakaupo dito sa café ng company, hindi parin ako bumabalik sa office ni Zavenyo baka mag kasama pa sila ng babae niya.

"Oh?" Tumabi siya sa 'kin.

"Bakit kunot na kunot ang nuo mo?" May dumating na order niya siguro.

"Pake mo?"

"Lagi kang nakasimangot, meron kaba? Huh? anong meron ang pinagsasabi nito.

"Wala!" Hindi ko naman gets ang tinutukoy niya kaya ayun na lamang ang sinagot.

"Baka naman maaga kang na menopause." Nabuga ko ang kape dahil sa sinabi niya at ang malala pa nabuga ko sa mismo niyang muka.

Pati ang puti niyang polo at nadumihan na ng kape, napakagat naman ako sa aking labi.

"Ang gwapo kong muka binugahan mo lang ng kape, c'mon Ella." Parang batang saad niya.

"Kasalanan mo 'yan, kung ano ano kasi sinasabi mo." Nanahimik akong nakaupo dito bigla biglang susulpot para mang asar.

Binigyan ko sa kaniya ang tissue, siya na mag punas hindi naman siya special.

"Wow, you're so kind ha." He sarcastically said.

"You're welcome." HAHA ano ka ngayon, mas magaling akong mang asar.

"Wow, chatting with your other boss while working?" Pareho kaming napahinto dahil sa boses na sobrang pamilyar sa akin ang sumira ng araw kong ito!

"H-Ha Zaven bro, I just join Ella while she's having coffee." Napaismid nalang ako grabe 'yung kapit ng babae sa braso niya.

Wala namang aagaw d'yan teh! sayo na oo!

"Hey it's that you Azda?" Parang gulat na reaksyon rin ni Devitt du'n sa babae.

"Yeah Dev, it's been a long time." Hindi ko na sila pinakinggan dahil pareho kaming nagsusukatan ng tingin ni Zaven. Problema na naman nito.

"Let's go babe." Hinhin ng boses halatang pilit.

"Sino ba 'yun?" Wala sa sarili kong tanong.

"Ask your husband." Devitt lips formed.

Inirapan ko siya, parang sinasagad ang pasensya ko. Sa luwag at laki ng café sa harapan pa talaga namin sila naupo. Tanaw na tanaw ang kalandian ng dalawa.

CEO's Series #2: His Secret Wife | ✓Where stories live. Discover now