Chapter 32

3.6K 88 0
                                    

BRIELLA

Umagang umaga kung ano anong boses ang naririnig ko mula sa kusina, ang mga Anak ko at nasa sala at naglalaro na. Talagang sanay na sila magising nang maaga minsan panga ay nauunahan ako.

Magbubukas kami ng shop ngayon at maayos parin ang takbo nito sobrang pasasalamat ko.

I heard some chuckles and I know it's from Sirina at Chelsie. Nasa kusina, naka upo, at naka tutok sa aking laptop.

Anong meron? Mga pakielamera.

"Anong ginawa niyo?"

"Ay kalabaw na kabayo," gulat na sigaw ni Chelsie.

"Beks, may kalabaw bang kabayo? Ang alam ko lang kasi biik na lumilipad," inosenteng saad ni Sirina.

"Meron ring shark na whale,"

"Ah, Beks. 'Yung elepanteng frog,"

"Hindi e meron rin nung ano dinosaur na rawr,"

"Tapos 'yung aw na bird."

"Putangina! Anong pinagsasabi n'yo?" Napaatras naman sila sa gulat dahil sa pagsigaw ko.

Kung meron mang hindi kailangan pagsamahin itong dalawa 'yun asahan mong hindi matatapos ang topic nila. Wala namang bisyo ang mga 'to pero dinaig pa ang nag-ru-rugby.

"Yung mga ano ano hayop diba, Chelsie?" Siniko ni Sirina si Chelsie.

Binuksan ko ang ref at kumuha ng tubig tapos biglang nagsalita si Chelsie.

"Ha? Hayop? Akala ko ba si Zaven pinag-uusapan natin? Yung hot na parang artista na model ng mga brief tapos may pandesal na anim," sambit ni Chelsie at ngimisi. "Mukang nanakal sa kama at mabilis bumayo."

Nabuga ko ang iniinom kong tubig.  Humarap ako sa laptop at duon bumungad ang lalaking seryosong nakaupo sa swivel chair habang nakahawak sa kaniyang baba.

Ang guwapo pero cancel mukang red flag tapos 'yung pag ka red niya papunta na sa violet.

"Oh diba, Beks. Dinaig pa si Jonny," sambit ni Sirina at lumapit sa laptop.

"Sinong Jonny?" Inosente kong tanong.

"Yung porn star." Kusang gumalaw ang kamay ko at binatukan siya.

"Umagang umaga ang lalaswa ng bibig niyo nasa malapit lang ang mga bata," frustrated na sambit ko.

Ngumuso lang silang dalawa. Tatlo na kaming nakaupo habang nakatingin sa laptop hindi lang pala wine industry ang business niya isa rin siyang engineer at model.

Nakita ko sa tabi ng laptop ang business card na binigay sa akin ni Devitt nung isang araw.

"Bakit 'to nandito?" Takang tanong ko.

Umiwas ng tingin si Chelsie.  "Chelsie, friendship over na tayo."

"Oy walang ganyanan! Nakita ko nakaipit sa bag mo kaya na curios ako 'yung nakalagay sa card ay Monzario Wine Industry sila 'yung umorder ng damit at si Zaven Aillard Monzario ang CEO ng company at na meet na natin siya." Mahabang saad niya.

Zaven Aillard Monzario, the picture, the company. It's all familiar.

Sumakit bigla ang ulo ko. "S-Sirina, p-pakuha ng gamot ko," nahihirapang turan ko.

"Hala, ayos ka lang, Arah?" Inalalayan ako ni Chelsie.

"S-Sumakit lang ulo ko." Mahinang sambit ko.

"Mom, are you ok? What happens?" Naramdaman ko ang malambot at maliit na kamay ni Adian sa aking pisnge.

CEO's Series #2: His Secret Wife | ✓Where stories live. Discover now