Chapter 10

4.2K 124 3
                                    

BRIELLA

"Gagi wag mong ilipat!" Nag eenjoy pa kasi ako sa music tapos palitapat lipat siya.

"You like 90's songs?" Tango nalang ang sinagot ko habang sumasabay sa kanta.

"Bilisan pala nating kumain, may afternoon class pa ako." Nasa highway na kami at malapit na daw sa restaurant na sinasabi niya.

"Ok sure." Parang magkaiba sila ng ugali ni Zaven. Mas comfortable 'tong si Devitt.

Comfortable lang! baka mamaya sabihin niyo landi landi ko na.

"May girlfriend kana ba?" Wala kasi akong ma topic kaya 'yun nalang ang itatanong ko.

"Wala bakit mag a-apply kaba?" Lakas talaga ng apog ng lalaking 'to.

"Nuong umulan ba ng kahanginan sinalo mo lahat?"

Napapangisi ako dahil sa kada lumalabas sa bibig niya ay kapilosopohan ang sinasagot ko.

"Tss, atlease with me you're safe." Daming alam kaya ko naman ang sarili ko. Tinuon ko nalang ang aking sarili sa labas. Kitang kita ko ang tirik na tirik na araw. At ang mga taong naglalakad, mga batang naglalaro at iba pa.

"We're here." Tinggal ko ang aking sit belt at naunang bumaba.

Grecías ang pangalan ng restaurant. Vintage ang theme na makikita mo palang sa labas ng restaurant.

"Let's go." Nasa likuran ko na pala si Devitt.

"S-Sandali!" Hinila ko ang polo niya kaya naman taka siyang napalingon sa akin. May mga dumaraan rin na nakatingin sa aming dalawa.

"Mukang mahal... wag na dito." Alam ko namang ililibre niya 'ko pero hindi naman ganuon kakapal ang muka ko.

Ang yayamanin ng restaurant.

"Don't worry I got you." Suminghal ako.

Luminga linga ako sa paligid habang nakahawak parin sa damit niya.

"Duon! 'yun nalang puntahan natin gusto ko  du'n!" Tinuro ko ang kalapit na mang inasal.

Mas mura mura pa, tapos nag cra-crave ako.

"Really?" Lumapit rin siya para makita ang tinuturo ko.

"Oo sige na, duon nalang tayo sa Mang Inasal." Extra rice din duon.

"Hindi pa ako nakakakain d'yan." Gulat akong lumingon sa kaniya.

Halata naman, mayaman ka e'.

"Tara na! mas masarap 'yan promise." Dahil sa pagpupumilit ko naaya ko narin siya.

Pagpasok namin punuan na daw sa first floor kaya pinapunta kami ng waiter sa second floor.

Aircon naman dito kaya hindi hassle at pagtapos namin maghanap ng vacant sit si Devitt na ang bumaba para mag order walang twelve noon kaya hindi pa ako late  one-thirty pa ang pasok ko.

Buti nalang kung walang prof.

Mahirap ang pagiging doctor pero ito ang pinili ko, marunong naman akong kumanta, sumayaw, mag drawing, magaling ako sa math, naging writer rin ako pero bakit kaya medical ang napili ko? hindi korin alam siguro dahil parehong namatay ang magulang ko sa cancer una si Papa tapos sumunod agad si Mama.

Ang duga nila, iniwan akong mag isa.

Hindi naman talaga ako mag isa may kasama ako asawa... pero siguro wala na talagang pagasang mapag ayos kaming dalawa.

"Ang lalim ng iniisip mo." Nag angat ang tingin ko kay Devitt, may kasunod siyang waiter at nilapag ang order namin.

"Wala naman." Hindi pa naman kami ganuong kalapit sa isa't isa para mag kwento ako.

CEO's Series #2: His Secret Wife | ✓Where stories live. Discover now