BRIELLA
"Still hurts?" Nasa isang kubo kami habang nag-aalmusal, hindi ko nga gustong sumama dahil halos mahirapan ako sa paglakad parang kailangan ko pa ng wheelchair.
"Kasalan mo 'to!" Inis na sambit ko sa kaniya pero natawa lang ang lalaki.
"I'm sorry, nang-gigil ako sayo kagabi." Natatawang sambit niya at agad akong suminghal.
"Anong gabi? Umabot nang umaga tanga!" Mas natawa naman siya.
Mabuti nga at naisipan niya akong pag-pahingahin dahil parang wala siyang kapaguran habang ginagawa namin ang bagay na 'yun.
"Eat more, Wife." Hindi pa ubos ang pagkain sa plato ko pero lagay siya nang lagay.
"Hindi ko 'yan mauubos meron pa ako oh." Parang wala siyang narinig ang panay parin ang lagay.
"You know i like your curves, wife. Pero kailangan mo kumain ng marami para may energy ka kapag nag sexy time tayo diba." Napanganga ako sa sinabi niya parang nag flashback lahat ng ginawa namin kagabi, yung mga ungol niya.
Ang sarap.
"H-Hoy! Anong sexy time ah! Baka gusto mo putulin ko 'yang kaligayahan mo." Feeling ko sobrang pula ng buong pisnge ko ngayon.
"Edi walang magpapaligaya sayo." Cool niyang sambit kaya mas namula ang pisnge ko.
Sinamaan ko siya ng tingin pero mas tumawa lang.
"Hello love birds." Biglang sumulpot si Kuya Zayden. Napayuko naman ako.
"Umalis kanga, Kuya. Panira ka ng moment." Kinurot ko ang braso ni Zaven dahil sa inasta niya sa kaniyang Kuya.
"Kuya mo 'yan, umayos kanga." Ngumuso siya at umirap pa. May pagka bakla rin ang lalaking 'to mas mataray pa sa 'kin.
"I just passed by and I saw you two very sweet, tss early morning you were flirting." Ay mas mataray pala ang Kuya.
"Who cares? Wala kasing pumapatol sa 'yo." Mahina kong hinampas ang braso ni Zaven dahil sa sagot niya.
"Bro, I just busted them. Madaming pumapatol sa 'kin pero hindi ko naman sila gusto. I'm not interested." Kumuha siya ng maliit na tipa ng manok sa plato ni Zaven bago umalis.
"Tatandang binata nalang 'yun." Umiiling na sambit niya.
Pagtapos kumain nagpag-pasyahan naming ituloy ang Island hopping. Parang ayaw nga humiwalay ni Zaven sa akin dahil kanina pa niya hawak ang kamay ko habang naglalakad kami.
"Pasmado kamay ko, oh tignan mo basa na." Pilit kong kinuha ang kamay kong, kumunot naman ang noo niya.
"Give me your hand, Briella." Umiling ako at naunang lumakad, maarte pa naman siyang tao siguradong ayaw niya ng pasmadong kamay.
Nagulat ako dahil nasa tabi ko na siya agad at hinawakan ulit ang kamay ko. "What's the matter? Hindi naman problemang pasmado ang kamay mo. Kahit na gaano kapasmado 'yan. I will hold your hands forever."
Pasimple akong ngumiti.
"Wait Sir! Bawal nga po kayong mang-gulo dito pag-usapan nalang po natin 'to." Napahinto kami sa paglalakad dahil sa bulungan at eksena sa aming harapan.
Mukang may nag-aaway.
"What's happening here?" May tinanong na isang staff si Zaven.
Nakikinig lang ako sa usapan nila. "Sir. Zaven may nag-away po kasing dalawang bata kanina kaya agad na sumugod ang tatay nung isang bata. Tapos ayan na po nag-sisigawan na sila muka nga pong mayabang 'yung unang sumugod." Mahabang ani n'ya.

YOU ARE READING
CEO's Series #2: His Secret Wife | ✓
Любовные романыCEO's series #2 Arrange Marriage? Her parents were buried in debt before they died, and the pay was her own self. Is there any hope that two people who do not know the meaning of love can still reconcile? A college students unexpectedly marry a C...