Chapter 3

5.1K 147 49
                                    

BRIELLA

"Konti nalang Ella kaya mo 'yan." Pinatong ko ang mga libro, mga papeles at kung ano ano pa sa study table ko.

Pero baka matumba 'to bigla sa sobrang bigat. Wala nanga akong tulog ang dami ko pang liligpitin.

Buti nalang walang pasok.

Pero ang dami ko pang babasahin about sa company ni demonyo at ang dami kong tambak na assignment at projects.

"Bw*s*t ka talaga Zaven!! pinahihirapan mo 'ko lagi." Inis na sabi ko habang nagpupulot ng mga papel sa sahig.

"You deserve it all." Napahinto ako at dahan dahan na tumayo. Sumalubong sa akin ang naka formal wear na demonyo at kunot noong pinagmamasdan ako.

"H-Hala narinig...mo? k-kanina k-ka pa d'yan?" Lupa lamunin mo ako ngayon. Mukang papatayin niya ako sa tigtig palang.

"Maybe?" He sarcastically said.

"Pahihirapin kita hanggang sa ikaw na mismo ang sumuko. For me you're just a trash." May kung anong umandar na kirot sa puso ko.

"Just like your parents." May umangat ang sakit sa huling salitang sinabi niya bago tuluyang umalis.

"H-Hindi...k-ko naman g-ginusto 'to." Nahihirapang bulong ko. Bakit kasi ni isa sa mga paliwanag ko hindi niya kayang pakinggan. Hindi ko naman alam na mangyayari 'to. Hindi ko alam na may utang ang mga magulang ko. Bakit ako ang kailangan niyang parusahan.

I hate him so much.

"Oh buti naman bumaba kana, hindi ka nag agahan. Kumain kaba kagabi?" Dumeresyo ako sa kusina at naabutang nag hahanda na sila ng pananghalian.

"Ano pong lulutuin niyo?" Sumandal ako sa pader.

"Sinigang, dito kakain si Zaven mamaya." Sagot ni Manang.

"P-Pwede pong ako nalang ang magluto?" Sanay akong magluto dahil tinuran ako ni Mama. Na try ko narin dati ang sinigang parang gusto kong subukan ulit.

"Sigurado ka ija?" Agad naman akong tumango kay Manang.

"Oh sige, tara dito." Inabutan ako ng apron. Agad ko naman itong sinuot. Sila Manang ang naghihiwa habang ako na ang magluluto ng lahat.

"Bakit hindi ka masyadong bumababa ija? may ginagawa kaba?" Nasa kalagitnaan ako ng pagluluto ng magtanong si Manang.

"May pinapagawa po kasi si Zaven, and I'm studying." It's almost two days since he wants me to learn all that things for his company.

I'm little bit tired urgh!

"Ano namang pinagawa ng alaga ko?" Tanong ulit ni Manang. Kumuha ako ng kutsara at tinikman ang sinigang kung tama lang ang lasa.

"About po sa company niya." Hayst kung dito siya kakain mamaya edi first time niyang matitikman ang luto ko? Tss baka mainlove sa lasa mga beh.

"Ikaw kasi ang asawa kaya sayo talga pagagawa 'yan." Natatawang sambit ni Manang kaya agad akong kumontra.

"Sa papel. Asawa lang po ako sa papel." Pagtatama ko kaya humingan ng malalim si Manang.

"Oo nga po pala, may girlfriend si Zaven 'no?" Kumunot ang noo ni Manang na parang hindi niya alam.

"Girlfriend? kailan pa? parang hindi ko alam." Baka invisible girlfriend meron siya hehe. Baka fictional characters din.

"Ahh ganun po ba.." Tinikom ko nalang ang bibig ko hanggang sa matapos ako sa pagluluto.

"Manang tawagin n'yo nalang po ako kapag kakain na. May liligpitin lang po ako." She nod.

CEO's Series #2: His Secret Wife | ✓Where stories live. Discover now