BRIELLA
"Sandali mabigat ka." Nasa CR kami sa kwarto ni Zaven at suka siya nang suka ngayon. Kailangan ko pang gisingin si Manang at Kuya Brent para tulungan akong buhatin siya papunta dito.
Kumuha na ng pamunas si Manang dahil mukang sasakitin si Zaven dahil sa madaming nainom. "Iinom kasi tapos hindi naman pala kaya." Kailangan ko siyang alalayan habang panay parin ang suka amoy na amoy ko ang alak sa katawan niya.
"I-I'm n-not...drunk—" Ayan hindi pala lasing pero hindi ka makatapos ng isang sentence dahil sa kakasuka.
Deserve, ayan shot pa.
"Ija ito na ang pamunas, tutulungan kitang ihiga 'yan at pagtapos ay punasan na." Tinulungan muli ako ni Manang ihiga si Zaven, si Manang na ang naghubad at nagpalit sa kaniya dahil siya ang mas sanay. Nakatalikod lang ako habang hinihintay matapos ang ginagawa ni Manang.
"Ako na po ang magpupunas, mag pahinga nalang po kayo." Tumango naman si Manang, tapos na niyang palitan ng damit si Zaven kaya ako ang magpupunas.
"Mainit siya, gusto niya may nagbabantay sa kaniya lalo na kapag may sakit 'yan." Tumango ako sa umupo sa gilid ng kama niya.
"Kaya mo naba Ija?" Mabilis akong tumango, ngumiti si Manang at nagpaalam na sa 'kin.
Binalot agad kami ng katahimikan, pinigaan ko ang bimpo bago ipunas sa kaniyang noo.
"Bakit ka kasinag lasing, hindi mo naman pala kaya." Napailing ako, kahit na alam kong hindi niya ako maririnig sesermonan ko parin siya.
"M-Mommy... Mom." Ilang ungol ang lumabas sa kaniyang bibig habang tinatawag ang Mommy niya.
"Shh, wala si Mom pero nandito ako Zaven. Mananatili lang ako sa tabi mo." Tumahik siya at nagpakita ng ngiti.
Mukang tuluyan na siyang nakatulog kinuha ko ang palanggana ng tubig at niligpit ang mga ginamit. Hindi ko naman siya pwedeng iwan kaya siguro dito muna ako matutulog kahit papaano.
Umayos ako ng upo at saglit siyang pinagmasdan.
"Hindi naman ako umaalis sa tabi mo ah." Bahagya akong natawa.
"Kahit na gaano kapa kasungit, kalamig, at kahit na gaano mo 'ko kinamumuhian hindi naman ako aalis... wala rin akong pupuntahan." Walang kahit na anong natitira sa 'kin ngayon kaya bakit ako aalis. Halos tatlong taon na akong nasa puder niya hindi na ako makakaalis pa.
"Ang gwapo mo e' sayang ka." Inayos ko ang ilang hibla ng kaniyang buhok.
"Siguro mas pagasa pa 'no? may pagasa pang mag kaayos tayong dalawa." Bahagya akong ngumiti.
Hindi ko namalayan ang oras at nakatulog na ako sa tabi niya.
Nagising ako dahil sa pag galaw ng kama, parang may tumayo. Kinusot ko pa ang aking mata para makita ito ng mas malinaw.
"Zaven, higa ka ulit." Nag unat ako, nakatingin lang siya sa 'kin. Magulo ang buhok, namumula ang muka at nasa noo pa niya ang bimpo.
"I-It's cold." Hinila niya ang kumot, tumayo ako para tulungan siyang humiga ulit at inayos korin ang kumot niya.
six o'clock na, kailangan niya kumain para makainom ng gamot at makapag pahinga na ulit.
"Sandali dito kalang, Zaven magluluto lang ako." Tinabi ko ang upuan kung saan ako naupo magdamag mabantayan lang siya.
Maglalakad na sana ako pero isang malamig na kamay ang humawak sa kamay ko. "S-Stay...here." Malat ang boses niya at pikit na pikit ang mga mata.
"Babalik naman ako magluluto lang ako para makakain kana." Malambot na sambit ko.
"Promise?" Nanatiling pikit ang mga mata niya.
"Oo naman, hindi ako aalis." Unti unti siyang bumitaw at saka ako naglakad palabas ng kwarto niya.
Pagkababa ko naglilinis si Manilyn habang nasa kusina 'ata si Manang.
"Ang aga mo nagising." Bati niya agad sa 'kin hindi niya siguro alam kung ano ang nangyari sa Amo niya kagabi.
"Oh ano kamusta si Zaven?" Nagpupunas ng kamay si Manang nuong lumabas siya mula sa kusina.
"Anyare kay Sir?" Takang tanong ni Manilyn.
"May sakit umuwing lasing kagabi." Paliwanag ni Manang. Hindi na ako nakipag chismis sa kanilang dalawa dahil dumeresyo na ako sa kusina upang humanap ng pwedeng lutuin.
"Ayos na siguro 'to." Lugaw nalang ang lulutuin ko mabuti nalang at kompleto sa sangkap at makakabuti para kay Zaven.
"Ikaw na ang nagluto? magluluto palang ako e' nagugutom kana ba Ella?" May dalang manok si Manang mukang magluluto nanga siya pero natapos kona ang lugaw.
"Para po kay Zaven, Manang ayos na po ako. Mamaya nalang po ako kakain." Napangiti at napatango naman si Manang.
"Mukang alagang alaga mo ngayon ah." Kutsya niya kaya napanguso ako.
"Pangbawi nalang po itong mga ginagawa ko." Kahit itong mga simpleng bagay na 'to ay magawa ko para sa kaniya.
Iniakyat ko ang isang mangkok na lugaw, tubig, at gamot. Pagbukas ko ng pinto nakahiga parin siya pero nakadilat na.
"Nandito na ako." Nilapag ko ang tray sa tabi ng kama niya. Agad naman niyang binaling amg kaniyang ulo sa 'kin.
"Tayo kana sandali tulungan kita." Tinanggal ko ang bimpo sa kaniyang ulo at tinulungan siyang umupo.
"I-I'm hungry... Briella." Umupo ako sa kama at kinuha ang mangkok.
"Ito mainit dahan dahan." Hinipan ko muna ang isang kutsara ng lugaw at marahang sinubo sa kaniya.
"Ayos lang? masarap ba?" Hindi korin kasi tinikman baka mamaya hindi pasok sa panglasa niya.
Tumango siya at ngumanga ulit. Bahagya naman akong natawa at sinubuan ulit siya. Pagtapos pakainin mabuti dahil naubos niya ang lahat ng lugaw sa mangkok kaya ngayon ipapainom ko 'tong gamot.
Kumuha ulit ako ng basang bimpo at inilagay ulit sa noo niya nakaupo muna siya habang nakasandal sa head board ng kama. Pareho kaming napalingon sa cellphone niyang tumunog.
"Ako na sasagot?" Tanong ko at tumango siya.
Kinuha ko ang cellphone pero napairap ako habang nakatingin sa name ng tumawag. "Oh! Azda mo." Kesa sagutin inabot ko 'yun sa kaniya nakailang buntong hininga siya bago sinagot ang tawag.
"Hello? hmm sorry I can't, I'm with my wife right now and I'm sick." Sumeryoso ang boses niya.
"Tss I told you I can't." May diin na ang boses niya at pinatay ang tawag.
"Bakit mo pinatayan? magagalit girlfriend mo lagot ka!"
He glared.
I smirked.
"Bakit totoo naman magagalit girlfriend—" My words cut by his finger on my lips.
"She's not my girlfriend sweetie." Tinaggal ko ang daliri niya sa labi ko.
"Sus samantalang 'yung isang araw grabe landian niyo pati langgam hindi kinilig." Sarkastikong sambit ko.
"Are you jealous or what?" Napagisi siya habang pilit hinahanap ang mga mata ko. Nag iwas ako ng tingin.
Ako mag seselos? sino ka ba!
Bakit naman ako magseselos kahit maghalikan o sex sila sa harapan ko wala akong pake! sarap tubuhan ng mga tagiliran niyo.
"H-Hindi! ano ka gold? bakit naman ako magseselos ulol!" He chuckled.
"Cute wife, don't worry I'm all yours." Kumindat pa siya.
YOU ARE READING
CEO's Series #2: His Secret Wife | ✓
RomanceCEO's series #2 Arrange Marriage? Her parents were buried in debt before they died, and the pay was her own self. Is there any hope that two people who do not know the meaning of love can still reconcile? A college students unexpectedly marry a C...