Chapter 11

4.3K 132 29
                                    

BRIELLA

"Wake up, we are here." Unti unti kong binuksan ang mata ko dahil sa pagkalabit niya, kinusot ko ang aking mata at humikab pa.

"Gutom ako." Inaantok kong sambit.

"Manang left food for you." Kinuha niya ang bag ko sa back sit at inabot sa akin.

"Sala—" My words cut because of her hand on my waist.

Parang napigil ang paghinga ko dahil sa kuryenteng dumaloy sa 'kin, dahil lamang sa paghaplos niya. Sobrang lapit niya at amoy ko na ang buhok niya.

Anong shampoo niya ang bango.

Unti unti siyang yumuko at tinggal ang sit belt ko.

"Breathe, hawak ko palang hindi mo na kinakaya paano pa kaya kapag sobra pa dito." Unti unti siyang lumayo, pero ramdam ko parin ang mga hawak niya.

Bakit ganito? kay... Zaven ko lang 'to nararamdaman, sa bawat hawak niya, sa bawat lapit niya, may kung ano sa 'kin hindi ko mapaliwanag.

Pinagmamasdan ko ang maskulado niyang likod dahil siya ang unang lumakad sa aming dalawa.

"Tatayo kana lang d'yan?" Bumalik ako aa tuliro, nakatigtig siya sa 'kin habang kunot ang noo.

"Hey!" Nagulat ako at napangiwi dahil sa pitik niya sa aking noo, nagulat ako sa sobrang lapit niya kanina nakatayo lang siya duon ah! ibig sabihin kanina pa ako nakatulala at nakatingin sa kaniya.

"H-Huh? oo gutom na 'ko." Ella naman umayos kanga! sabog ka na naman.

"Crazy." Maarte siyang umirap tapos nauna muling lumakad.

Ngumuso ako.

Hmp, parang tanga siguro akong nakatitig sa kaniya kanina. Wala na akong nagawa kung hindi padabog na sumunod sa kaniya. Nauna akong umakyat patungo sa aking kwarto habang si Zaven ay naiwan sa sala at hihintayin raw ako para makakain na.

Himala, sasabay na naman sa 'kin.

Nag half bath ako para presko bago matulog, naka white oversized t-shirt ako at itim na panjama. Saktong pagkababa ko nakita ko si Zavenyo na naka masid sa lamesa habang nakahanda na ang mga pagkain. Nakatingin siya sa...

Mang Inasal ko!

"AKIN 'YAN!" Agad akong tumakbo pababa ng hagdanan at agad na kinuha ang Mang Inasal na nasa plato na.

"It's just chicken leg." Napailing siya at umupo na.

"Hindi lang 'to basta chicken leg! mas masarap 'to. Take out sa 'kin 'to ni Devitt kanina eh." Akala ko kakainin na niya buti nalang at hindi.

"Oh, so you're with him again? and having a lunch with him." May diin nag bawat salitang lumalabas sa bibig niya.

"Ano namang paki—"

"At hindi ko alam." Lanyang 'to hindi pa kasi tinutuloy ang sinasabi tapos puputulin ako.

"Hmp, ano naman ah! kaibigan ko naman si Devitt." Kahit hindi pa kami ganuon ka close kaibigan ko narin siya kasi nilibre niya 'ko ng Mang Inasal.

"Wow friends? I see, by the way," Mas naging seryoso ang boses niya.

"Ano?" Kumuha ako ng plato at sumandok ng kanin, hmm amoy na amoy ko ang ulam.

"We need to attend this party tomorrow night." May nilapag siya sa harapan kong gold envelope? okay yayamanin ang design.

Ang aesthetic.

"Bakit kailangang kasama ako? ikaw nalang malaki kana kaya mo na 'yan." Sumubo ako ng ulam at kanin habang hawak hawak ang chicken leg sa kaliwang kamay.

CEO's Series #2: His Secret Wife | ✓Where stories live. Discover now