Chapter 12

4.1K 122 13
                                    

BRIELLA

Ten minutes na ang nagdaan pagtapos ng party halos alas-dose narin inaatok na ako at nangangawit dahil sa heels. Kadarating lang ni Kuya Brent medyo na traffic paraw siya.

"Kuya bahay na tayo, pagod na ako." Hinubad ko ang heels at sumandal sa salamin ng sasakyan para kahit papaano makaidlip manlang ako.

Hindi ko na namalayang nakatulog nanga ako habang nasa byahe, nagising ako dahil sa paghinto ng kotse. Kinusot kusot ko pa ang aking mga mata.

"Tired?" Isang boses ang mas lalong nagpagising sa diwa ko, at ang kamay niya ay humimas sa aking ulo.

"You look so freaking hot earlier." Dumikit ang labi niya sa noo ko pagtapos sabihin 'yun.

Dilat na dilat na ang mata ko pero hindi ako makagalaw dahil sa ginagawa niya at ang ulo ko ay nakasandal pala sa balikat niya.

"T-Tigilan mo 'ko Zaven." Mahina siyang natawa kaya napalunok nalang ako.

Ano bang epekto ang meron ka nakakainis.

"Cute and pretty." Tinanggal niya ang kamay sa ulo ko at inangat ang ulo ko dahilan para makita ko ang histura niya na nakangisi sa akin.

Pasalamat ka gwapo ka.

Siya ang unang bumaba, hindi ko alam na sasabay siyang umuwi sa 'kin hindi ko siguro napansin dahil nga sa kaantukan kanina at nakatulog agad ako.

Dumeresyo ako sa aking kwarto at pagod na hinubad ang mga suot ko, ang lagkit ng make-up sa muka ang kati kati hindi talaga ako sanay sa ganito.

Kahit na pagod napili ko paring mag half bath para narin mabura ang kolerete sa muka ko. Binilisan ko nalang ang paliligo para hindi ako saaman ng katawan.

Pagtapos ko patuyuin ang aking buhok, inayos ko ang aking higaan, nagdasal, pinatay ang ilaw hindi talaga ako sanay sa maliwanag lalo na kapag matutulog, at tuluyan nang pumikit ang mga mata ko.

Wala namang pagbabago sa mga araw na nagdaan ganuon parin ang cycle ng buhay ko, papasok sa Univ tapos magiging secretary ni Zavenyo, mag rereview dahil sunod sunod nag exam kahit papaano nakakabawi ako at nagagawa ang mga assignments and projects ko.

Sabado ngayon at alam ko na ang mangyayari. May family dinner mamaya.

Kahit na hapon palang nag kakaingay na sila Manang dahil sa pagluluto, pupunta si Mom and Dad dito mamaya ang mga magulang ni Zaven. Mga tatlo o limang beses nagaganap ang family dinner kaya baka maagang umuwi si Demonyo dahil sa pag dalaw ng mga magulang niya. Kung si Mom And Dad ubod ng bait sa 'kin ganuon ang pinag kaiba ng kanilang Anak na akala mo pinaglihi sa sama ng loob.

"Mag meryenda kana Ija." Ang dami nilang ginagawa. Pati si Kuya Brent na panay ang pasok ng mga sangkap na gagamitin sa niluluto nila.

"Busog pa po ako." Gusto kong tumulong para naman kahit papaano may ambag ako.

"Tutulong nalang po ako Manang." Ngumiti naman si Manang at tumango, agad akong tumulong kay Manilyn sa paghihiwa ng iba't ibang sangkap. Habang si Manang ang nagluluto lahat.

"Mukang matutuwa sila Madam at Sir dahil sa tulong mo Ella." Kinurot pa ni Manilyn ang braso ko kaya napahampas ako sa kaniya.

Inabot ng halos dalawang oras para matapos namin lahat may desert panga akong ginawa mango graham. Sana nalang maayos ang lasa ng mga hinanda namin at magustuhan nila Mom and Dad.

"I'm home." Boses 'yun ni Zaven at tama nga ako maaga siyang umuwi ngayon.

"Luto na lahat." Nag angat ang tingin niya sa 'kin habang hinihila ang necktie niya. Dahan dahan siyang lumapit kaya naman napaatras ako.

CEO's Series #2: His Secret Wife | ✓Where stories live. Discover now