Chapter 20

4K 121 1
                                    

ZAVEN

I locked the door.

"What was that?" I just went to the kitchen but I saw Kuya sitting there while drinking water.

"Will you not answer me? I heard everything you said, it's like you're not a man. Hurting a girl huh?" I clenched my fist.

"What you want me to do? I saw another Man texting her!" I couldn't help but shout.

"It's just freaking text! But you choose to hurt her? Especially her feelings Zaven!" I bowed down.

Fuck it! I hurt hair again. Tangina naman.

"So? She's just my wife on paper." U don't know, but I'm freaking jealous right now!

"On paper? But you acting like that? C'mon bro you can't lie to me." Kuya walked towards to me and punched me.

"What the fuck!" I murmured.

"Mom told us to never hurt someone especially women! You're not just possessive, you're obsessed Zaven." he held out his hand to lift me up.

"Maybe you like her." Gusto ko si Briella? Fuck it.

"Of course no!" He just laughed and shook his head.

"No, you maybe already love her," I could not answer immediately.

"See, bakit kasi hindi mo nalang mahalin. Women is so priceless and precious Zaven. Baka hindi lang siya maagaw ng iba, don't loose her. She changed you." He tap my shoulder.

"Paano kung...may mahal na siyang iba." Hayst overthinking killing me.

"You're a Monzario. We can get whatever we want. Get her." He said.

Get my Briella? But i already hurt her. Not just once, twice, trice. Damn you Zaven!

***

BRIELLA

Malamig, may tumatama ng araw sa aking muka dahil sa nakabukas na bintana. Sa lapag na pala ako nakatulog kaya medyo malamig nga.

Tumayo ako at dumiretso sa C.R, pinagmasdan ko ang aking sarili sa pabilog na salamin. Mugto ang mga mata, at namumula parin ang buo kong muka.

Naghilamos lang ako at naisipang magpalit ng damit pero wala sa loob ng kuwarto ang aking bag kung nasaan ang mga baon kong damit.

Naka-lock? Ilang beses ko pa pinihit ang doorknob pero naka-lock talaga ito.

Napasinghap ako bago umupo ulit sa kama, nagugutom na ako.

Ilang minuto pa ang lumipas bago ako nakarinig ng pag bukas ng pinto. "H-Hey." Lahat ng nangyari kagabi at bumalik sa aking isipan.

"Here's your breakfast," nilapag niya ang tray ng pagkain sa aking tabi pero hindi ko na siya tinignan pa. Hindi ko kaya.

"I bring your clothes too, after you eat take a bath and we will continue our trip." Mabagal na saad niya.

"K-Kailangan b-bang kasama ako?" Hindi ko mapigilang manginig. Gusto ko nalang mag kulong dito sa kuwarto at para maiwasan siya.

"Of course, kung nasaan ako dapat nandun ka." Wala akong magagawa siya na ang nag desisyon kaya tumango nalang ako.

Paglabas niya at para akong nakahinga nang maluwag at sinimulan na kumain. Nasa lapag narin ang bag ko.

Pagtapos ko kumain, naligo na ako at naghanda. Hindi na naka-lock ang pinto kaya nakalabas na agad ako. Naabutan ko siya sa sala parang may malalim na iniisip habang nakatutok sa laptop.

"A-Aalis n-na ba tayo?" Nakuha ko agad ang atensyon niya pero agad akong nag-iwas ng tingin nuong nagkasalubong ang mga mata namin.

"Ehem, yeah let's go." Nauna na siyang lumabas atsaka ako sumunod. Nakasunod lang ako a kaniya hanggang makalabas kami sa hotel.

"W-Where do you want to go first?" Nasa buhangin na kami at nasa unahan ko siya. Sa buhangin lang ako nakatingin at sa tubig na tumatama sa aking paa.

"Kahit saan." Simple kong sagot kaya binalot na naman kami ng katahimikan.

"There's a cave here, wanna go?" Tango nalang ang sinagot ko, kahit na hindi ko naman talaga alam kung saan kami pupunta.

Ang bigat lang kasi ng atmosphere lalo na ngayong kasama ko siya.

May kasabay kaming ibang turista para puntahan ang kwebang sinasabi ni Zaven, mabuti nga ito para mawala ang pag-aalala ko. Kahit kasi hindi ko siya gustong iwasan natatakot na ako lalo na sa nangyari kagabi.

Wala pang thirty minutes ang nilakad namin papunta sa kweba, maririnig agad ang agos mula sa water falls at ang kweba sa ilalim nito. Naglibot ang matataas na kawayan at iba pang halaman, kasabay ng paghuni ng mga ibon, hindi rin ganuon kalamig ang tubig.

"Kumapit ka sa akin." Sumusunod kami sa ibang turista pero muntikan na akong nadulas buti nalang nasalo agad ako ni Zaven.

"K-Kaya ko na." Nakahawak parin siya sa aking kamay kaya nakaramdam na naman ako ng takot.

Agad kong nilayo ang aking kamay at naunang lumakad.

Alam kong nakasunod siya hanggang sa makapasok kami sa kweba, medyo lumamig na ang tubig dito na hanggang hita ko, parang may glitters ang kweba dahil sa ningning nito, hindi rin mainit sa loob at aaminin ko ang ganda ganda. First time ko makapasok sa kweba at sobrang calming nito. May mga tunog ng tubig na galing siguro sa water falls na nasa itaas.

"Be careful." Nag-tayuan ang aking balahibo dahil sa mainit na hininga ni Zaven sa aking tainga at ang kamay niyang nasa bewang ko. Muntik na kasi akong madulas dahil sa mga batong nandito.

Naramdaman niya siguro ang pag-iwas ko kaya agad siyang bumitaw at bahagyang lumayo.

Naglibot-libot lang kami sa kweba hanggang humapon na, papalubog narin kasi ang araw at sinabi ng tourist guide na kailangan na naming bumalik.

May dinaanan kaming parang short cuts kaya napabilis ang pagbalik namin sa beach.

"What do you want?" Nasa isang resto kami ngayon para sa hapunan.

Nasa labas ang atensyon ko. "Kahit ano." Simpleng sagot ko.

Mabuti nalang at hindi na nagtanong muli si Zaven at naghintay nalang kaming dumating ang order. Mabilis lang dumating ang order namin, kaya nagsimula narin kaming kumain ng tahimik. Walang nagbabasag ng katahimikan, tanging pagtunog lang ng plato at pagkain namin ang maririnig. Hanggang sa natapos kaming kumain at babalik na sa aming room.

Katulad ng aking nakagawian nag half bath ako bago matulog. Pero paglabas ko sa C.R naabutan ko si Zaven nakaupo sa kama at nakahawak sa kaniyang ulo.

"M-Mag kailangan kaba?" Agad siyang nag-angat ng tingin. Pero agad akong umiwas at umupo sa kabilang parte ng kama habang pinupunasan ang aking buhok.

"I'm just checking you." Mababa ang boses niya.

"Ayos lang ako."

"Briella can we talk?" May pakiusap ang boses niya.

"Wala akong sasabihin." Mabilis na sagot kaya malalim siyang nagbuntong hininga.

"I'm s-sorry for what . . . I did." Mahinang sambit niya, napatikhim lang ako.

"I know you're scared, don't worry sa labas ako matutulog. But please talk to me." Medyo nagulat ako dahil sa pagpulupot ng kaniyang braso sa aking bewang. Hindi ko 'to inaasahan.

"M-Matutulog na ako." Para siyang nawalan ng pag-asa hanggang sa humiwalay siya sa akin. Nakatalikod ako kaya ramdam ko ang pag-galaw ng kama senyales na may bumaba.

"I'm really sorry, I'm just fucking jealous that time." Hindi ako sumagot hanggang sa marinig ko ang pag-sar ng pintuan.


CEO's Series #2: His Secret Wife | ✓Where stories live. Discover now