BRIELLA
"We will talk about this Zaven." May pagbabanta ang boses ng tatay ni Zaven habang seryosong nakatingin sa kaniya.
Kanina pa kami natapos kumain, umalis saglit si Zaven para ihatid ang babae niya. At ngayon nanatili sa tabi ko si Mom habang nakikinig lang si Zaven sa tatay niya.
"Let's talk about this outside Dad." Napailing nalang si Mr. Monzario habang sumusunod sa Anak niya.
Kaming dalawa nalang ni Mom ang naiwan, pinagkuha pa niya ako ng desert na ako mismo ang gumawa.
"Did you know that girl earlier Ella?" Marahan akong tumango.
"Nag girlfriend ang Anak ko habang may asawa siya? shameless." Napailing siya at hinimas ang ulo ko.
Wala naman akong pake kahit mag girlfriend pa siya o ano dahil una sa lahat wala kaming relasyon at asawa niya lamang ako sa papel at hanggang duon lang.
Sikreto kaming ikinasal, kinamumuhian namin ang isa't isa para sa kaniya isa lamang akong Anak ng mag asawang malaki ang utang sa kaniya at higit sa lahat hindi niya ako kayang mahalin.
"If you know it, bakit wala kang ginawa bilang asawa niya Ija?" Natigilan ako sa tanong niya, ano bang dapat kong gawin? sabunutan si Azda dahil boyfriend niya ang asawa ko? murahin silang dalawa? awayin? wala naman akong karapatan para gawin 'yun. Hindi ko naman kaya eh.
"Hayaan niyo nalang po." Siguro napansin ni Mom na ayaw kong pag usapan ang tungkol duon kaya naman nagusap kami tungkol sa fashion at kung ano ano pa. Sinabi rin niya na masarap ang pag kakagawa ko sa mango graham at naka dalawang ulit siya.
"We need to go home Ija, sigurado bang ayos kalang?" Nasa labas na si Dad at nandun rin si Zaven inayos lang ni Mom ang mga gamit niya pinag-uwi korin siya ng mango graham dahil madami naman akong ginawa.
"Opo, ayos na ayos lang po ako." Ngumiti ako at nakipag beso sa kaniya. Nag paalam lang siya saglit at lumabas na dahil tinawag narin siya ni Dad.
Masyado naring gabi ayaw ko na abalahin sila Manang dahil mukang nagpapahinga na sila. Ako nalang ang maghuhugas ng mga plato at magliligpit ng lahat.
Nilagay ko lahat ng mga ginamit na plato sa lababo at pinunasan ko narin ang lamesa, ilang araw na hindi kumpleto ang tulog ko masama pa naman 'yun dahil anemic ako pero wala naman akong magagawa.
Sinimulan kong hugasan ang mga plato, medyo madaming nagamit dahil apat kaming kumain kanina pero kaya naman kesa puro ganda ang ambag ko sa earth. Kahit na nahihikab na ako habang naghuhugas tuloy lang plato lang naman ang kalaban ko. Nasa kalagitnaan ako ng paghuhugas ng biglang isang malamig na braso ang pumulupot sa bewang ko at isiniksik niya ang kaniyang ulo sa leeg.
"Shh keep quiet. Let's stay like this for a minutes please." Kahit na gusto kong magpumiglas ganung pagsikip ng pagkakayakap sa 'kin ni Zaven. Marahan niyang hinihimas ang aking tyan habang pilit siniksik ang ulo sa aking leeg.
Nakakapanghina ang bawat paghaplos niya.
"B-Bitaw na... lumayo k-ka muna." Hindi ko talaga kinakaya ang presensya niya ang bawat paglapit, hawak, at haplos niya hindi ko kayang labanan.
"You always push me away, one of the reason why I'm like this to you." Hindi ko maintindihan ang sinasabi niya samantalang unang pagkikita palang namin ay hindi na talaga kami magkasundo at ayaw namin sa isa't isa.
"Bitaw na kasi." May diin ang boses baka hindi ko kayanin at yakapin ko siya pabalik. Pero imbis na bumitaw mas sumikip ang yakap niya.
"Look at me Briella, you always asking me why I'm like this right? wanna know why?" Hindi seryoso ang boses niya wala ang lamig puro kalungkutan lamang ito.
"They changed me, I'm just like a robot. They always want me to do that, this, shit. I'm alone that's why I'm always like this." Mas nanghina ako dahil sa pagpapaulan niya ng mga halik sa aking leeg.
"By the way, Azda is not my girlfriend she's my ex. And I already have a wife right? but my secret wife doesn't like me." Ramdam ko ang pag nguso niya.
"Tss, goodnight." Unti unti siyang bumitaw napapikit ako dahil sa huli niyang paghalik sa aking leeg bago ako tuluyang iwan mag-isa sa kusina.
Tapos na ako maghugas at ngayon nandito ako sa kwarto nakikipag titigan sa kisame habang umiikot ang bawat sinabi ni Zaven kanina.
You always push me away.
Pareho lang naming tinutulak palayo ang isa't isa. Kahit na gusto ko siyang makasundo kahit na maging kaibigan manlang ay hindi ko magawa dahil sa mataas na pader sa pagitan namin.
I'm alone.
Hindi naman siya nag-iisa masarap ang buhay niya may mga magulang siya, eh ako? maagang namatay ang nanay at tatay ko kahit ano wala ako. Sa aming dalawa ako nag mag-isa.
My secret wife doesn't like me.
Hindi ko alam ang sagot, hindi naman sa ayaw ko sa kaniya sadyang malayo lang kami sa isa't isa mas ayaw nga niya sa 'kin e'.
Dahil sa kapaguran at mga tanong na tumatakbo sa aking isip hindi ko namalayan na tuluyan na akong nakatulog.
Maayos naman ang sunday na 'to maagang umalis si Zaven kaya mula umaga hanggang ngayong hapon hindi pa kami nagkikita.
"Ella! baba ka muna dito may delivery ka!" Agad kong narinig ang sigaw ni Kuya Brent kaya dali dali akong bumaba. Delivery? hindi naman ako sanay sa order order ha!
"Hala Kuya maling adress mo ata kayo, wala po akong order." Inabot ni Kuya delivery Man ang bouquet ng red roses at box ng donuts.
"Paki pirmahan nalang po Ma'am wala po kayong babayaran." Inabot ni Manilyn ang delivery kaya nahawakan ko ang ballpen at agad na pumirma sa papel.
"Salamat po." Nagpasalamat ako sa delivery Man at takang tinignan ang roses at box ng donuts.
"Ayie! ikaw ah Ella may secret admirer ka." Kutsya ni Manilyn kaya napabuntong hininga ako.
"Anong taon na naniniwala ka parin sa secret admirer na 'yan." Ni nga crush nandidiri ako secret admirer pa. Mas maayos sana kung magpapakilala siya.
Walang letter o kung ano man ang nakalagay sa roses o donuts kahit na initial ng nagpadala wala! ano ako pag mag a-adjust para alamin?
Pinalagay ko nalang kay Manang ang mga bulaklak sa vase at siyempre walang kakain ng donuts at sa akin 'to binigay so automatic na akin 'to!
Halos mag aalas dose na pero wala paring Zaven na umuuwi hindi naman sa miss ko siya o ano mas ayos ngang wala siya dahil ang tahimik ng buhay ko pero may part parin sakin ng pag aalala sa kung anong nangyari sa kaniya.
Napadami 'ata ang kinain kong donuts ang sakit ng lalamunan ko, need ko ng tubig baka mamatay ako sa dehydration dito.
Tahimik ang paligid mukang kanina pa tulog sila Manang, agad akong dumeresyo sa kusina at binuksan ang ref. Pagtapos ko uminom hinugasan ko ang baso, pinunasan at binalik sa lalagyan.
Nagpupunas ako ng aking kamay ng bumukas ang pinto at niluwa nun si Zaven na gulo ang buhok, ang damit, at pagewang gewang na lumakad.
"Hoy!" Langya muntik nang matumba, gago lasing 'to.
"Gising oy!" Inaangat ko ang ulo niya at marahang hinahampas ang muka niya para magising.
"B-Briella?" Husky ang boses niya at pulang pula ang pisnge, ilong at maski ang tenga.
"Oo, gising na ang bobo mo iinom ka tapos hindi mo pala kaya." Natawa naman siya.
"You look so cute." Natatawa niyang sambit kaya kumunot ang noo ko.
"Lasing kalang hindi ka bulag tanga!" Singhal ko sa kaniya.
Inabot niya ang muka ko at tumawa ulit. "Dito ka lang... please, wag ka sa iba. I-I don't like seeing you with someone else. Stay with me Briella please."
YOU ARE READING
CEO's Series #2: His Secret Wife | ✓
RomanceCEO's series #2 Arrange Marriage? Her parents were buried in debt before they died, and the pay was her own self. Is there any hope that two people who do not know the meaning of love can still reconcile? A college students unexpectedly marry a C...